"Why?"  Takang tanong sakin ng handsomeneeeeeess na nilalang na ito!

"I know I promised to myself na kaylangan lagi kang masaya kasama ako--- OMG!"  Sabay takip sa bibig ko.

Don't tell me nasabi ko sa kanya ang secret na dapat na sakin lang?! OMG!

Nasabi ko nga dahil nagawa pa niya kong ngisian! Meanie!

I was about to speak pero inunahan niya ko habang nagsimula ng mag drive ulit dahil green light na.

"You should be happy then that you're making me happy."  At ngumiti na naman siya.

Nasa alapaap na ata ako!

Sira naka upo ka lang sa kotse kasama ang pinaka nakaka inlove na ngiti ng nag iisang Ckola.

Napa isip naman ako sa sinabi niya. Ugh! And again, tama na naman siya! Masaya naman ako its just that, okay fine ako pa din kaya yung nag eeffort! Haller! Hahaha!

"I'am, kaya lang---"

"Okay para tumigil ka na, pwede ba ko sumama sa foundation niyo ngayon?"

Pinutol niya ko, tingnan mo itong unggoy na to! Dati nagagalit kasi ako yung nampuputol pag nagsasalita siya tapos siya ngayon ang nagawa sakin! Masama talaga na masyado siyang nadidikit sakin, nahahawa siya sakin masyado!

Pero wait, ano daw sinabi niya?

"Oo naman! Welcome na welcome ka sa school namin!"  Sagot ko agad na super happy yung tipong abot sahig na yung laki ng bibig ko dahil sa sobrang laki ng ngiti ko. Open wide smile. Cover girl smile! HAHAHA!

Naiiling naman siya sa inakto ko.
♥♥♥☀♥♥♥☀

Dapat pala hindi ko na lang siya sinama sa school ngayon. Dahil sa sikat at malaki ang university namin kapag Foundation, talaga naman inaabangan at kahit mga outsiders pwede maka pasok.

Nagdidilim na ang mga paningin ko sa mga babaeng naka tingin kay Ckola, the moment na bumaba kami sa kotse niya mula sa parking lot.

"Umalis ka na lang kaya?"  Baling ko sa kanya.
Selfish ako eh!

"Hindi ko talaga maintindihan ugali mo. Now I know how your firemds feel kapag nagiging bipolar ka."  Naiiling niyang saad.

Nginitian ko siya ng matamis.  "Baba ka konti."  With matching hand gestures pa. Sumunod naman siya sakin.

Naka ngiti pa din ako ng ubod tamis at humawak pa ko sa balikat niya para makita lahat ng babae na akin siya! Akin lang ang asawa ko!

"Aaah!"  Angil niya sakin. Kinagat ko lang naman po kasi ang tenga niya.

"Hindi ako bipolar. Kasalanan mo to, pinapaalis na nga kita ayaw mo pa parang wala kang aasikasuhin kaso ngayon!"  

Tinalikuran ko siya pero agad din akong humarap hindi ko matake na iwan siya habang pinagpye pyestahan siya ng lahat ng babaeng humihinga.

"Aalis ka o hahalikan kita?"  Pananakot ko pero syempre all smiles ako sa kanya. Dahil alam ko naman na hindi niya kakagatin ang plano ko. 

Pero no! Mali pala ko!

Lumapit siya sakin. Can't you feel that boom boroom boom! Boom boom boom!  Current song ng nagwawala kong puso dahil sa closeness namin.

"Gawin mo nga."  Hamon niya.

Pumikit ako at ngumuso pero dumilat ako at dinilaan siya.  "Hanggang salita ka lang pala."  Natatawa niyang sabi sakin sabay gulo sa buhok ko.

Marrying the Attorney ( ON GOING )Where stories live. Discover now