Chapter 32- Marawi

9.3K 434 46
                                    

Joanna

Second day namin sa Marawi. Bumabangon na sila mula sa nangyari sa kanila dati. Although maraming pamilya ang hindi na bumalik, mas marami ang may gustong maibalik ang Marawi sa dati.

Nakilala ko dito si Amira. Isa siyang Muslim at siya ang parang naging tour guide namin sa Marawi. Tumutuloy kami sa isang pinapaupahan nilang bahay na katabi lang ng bahay nila Amira.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Tanong ni Amira sa akin habang naglalakad kami papunta sa venue.
"Hindi naman. Bakit naman ako matatakot sayo?"
"Dahil Muslim ako." Deretsang sagot niya. "Maraming taga Maynila ang takot sa amin."
"Dahil iyon sa media at sa mga pinapakita nila." I replied.
Nagyuko si Amira ng ulo. "Nasasaktan kami kapag sinasabi nilang Islamic Terorrist ang may gawa nito." Nilahad ni Amira ang kamay niya sa iilang mga bahay na may bakas pa ng nagdaang digmaan.
"Religion namin ang Islam. Pwede naman nilang sabihing terorista na lang."
"I agree with that." I gave her a small smile.
"Hindi naman kasi religion ang kalaban di ba? Kaya nga kailangan naming itama ang maling paniniwala. Kaya kami nagrereach out." I added which made her smile.

"Hindi mo ba ipipilit na mali ang paniniwala namin?" Tanong ulit ni Amira.
Nakangiti akong umiling sa kanya. "Hindi ako ganoon."
"Bakit parang kakaiba ka sa mga nagpuntang mga Christian dito?" Manghang tanongni Amira.
"Sabi kasi sa bible, respect is better than silver and gold. "
Tumango si Amira sa akin. "Tama naman." Ang sabi niya.

Sinamahan kami ni Amira hanggang sa venue na inaayos namin para sa Christian Life Program na gagawin namin. Nag-aayos kami ng upuan ng magwala ang phone ko sa lakas ng ring. Natingin sa akin ang mga brothers and sisters ko.
"Phone check ng manliligaw," Tukso nila.
Automatic namang napahawak ako sa kwintas na bigay ni Raiden.

"Hello,"
"Nasaan ka?" Tanong ni Raiden sa kabilang line.
"Nasa Marawi,"
"Umalis ka d'yan."
Parang naghi-hysterical si Raiden sa kabilang line.
"Umalis na kayo d'yan, Bonsai, please."
"Teka, huminahon ka nga. Ano ba ang nangyayari?" Tanong ko naman kay Raiden. Parang ang ingay sa background niya.

Biglang may malakas na pagsabog kaming narinig. Napaupo kami sa floor at automatic na nagtakip ng ulo.

"Ano yun?" Tanong ng kasamahan ko.
"Umalis na kayo d'yan." Sigaw ni Raiden sa kabilang line.
"Tumakbo na kayo. May mga rebelde d'yan sa Marawi. Please, Joanna, umalis ka na d'yan, please."
"What?" Bulong ko.
"Tumakbo ka na." Sigaw ulit ni Raiden.

Napatingin ako sa mga kasama ko.
"Umalis na tayo." I told them. Tumango naman sila at nagsitayo na kami.

Putok ng mga baril ang narinig namin sa labas kaya tuluyan na kaming napadapa sa floor.
"Ano yun?" Tanong ni Raiden sa kabilang line. "Joanna,"

"Nasaan daw siya?" Narinig kong tanong ni Kenshin.
"Marawi," Sagot ni Raiden. Napamura si Kenshin na kausap ng kapatid.
Nagsimula na akong manginig sa takot. Tumabi sa akin si Amira at niyakap ako.
"Joanna, may tama ka ba? Nanginginig ka." Wika niya.
"Joanna, hello. Please magsalita ka. Please. Are you okay? May tama ka?" Sunod-sunodna tanong ni Raiden.
"Wala. Natatakot lang ako." I replied.
"Pupuntahan ka namin. Huwag mong iwawala ang kwintas mo." Bilin niya.
"Huwag kang pumunta dito." Sigaw ko sa kanya.

"Sis Jo, okay ka lang? Kaya mo bang tumayo?" Tanong ng isa sa mga kasama ko na lumapit sa akin.
"Nanginginig siya." Sabi ni Amira.
"Kailangan na nating umalis."
Tinulungan nila akong tumayo. Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko.
"Mag-iingat kayo, Joanna." Sabi ni Raiden sa akin.
"Tatakbo na kami. Bye na."
"Umuwi ka agad. Save your battery, tawagan mo agad ako. Susunduin ka namin."Ang sabi niya.
"Pray for us," Iyon na lang ang nahiling ko bago ko pinatay ang phone.

Dahan-dahan kaming sumilip sa labas. Nagkakagulo na ang mga tao sa pagtakbo. Ang ilan ay nadadapa pa sa kakamadali. May mga batang umiiyak at hinahanap ang mga magulang.

Isang pagsabog na naman ang narinig namin kaya naglakas loob na kaming tumakbo na rin palabas ng bayan. Hindi na namin binalikan ang mga gamit namin.

"Dito," Sigaw ni Amira sa amin. Papunta kami sa isang daan na hindi namin alam kung saan patungo. Basta sinusundan na lang namin siya.
Habang patakbo kami at nakasunod sa mga tao, bigla napahinto ang mga nasa unahan namin at nagkagulo. Mga tunog ng baril ang kasunod naming narinig kung kaya bumalik kami kung saan kami nanggaling.

Para kaming tumatakbo sa maze at hindi alam kung saan pupunta. Parang kahit saan kami magpunta, may humaharang ng daan kaya nagsisibalikan ang mga tao. Hanggang sa hindi na namin alam kung saan pupunta.

Hinila kami ni Amira papasok sa isang bahay. Tahanan daw iyon ng tiyuhin niya.
"Tiyo, si Amira ito." Sigaw niya habang malakas na kumakatok.
May taong sumilip sa bintana at ng makita si Amira ay pinagbuksan niya kami ng pintuan. Nagmamadali kaming pumasok sa bahay na gawa sa semento.

"Napapalibutan ang bayan." Sabi ng tiyo niya.
"Sila nanay?"
"Nagpeprepara na para magdasal." Sagot ng Tiyo niya.
Natingin ito sa amin. Anim kaming kasama ni Amira na nagtatakbo sa labas. Anim na katoliko sa bahay ng mga Muslim.
"Magpalit kayo ng damit. Baka makita kayo ng mga rebelde na ganyan ang ayos." Wika nito.
"Hindi po namin tatalikuran ang relihiyon namin." Sagot ng kasama ko.
"Damit lang ang papalitan natin, hindi ang paniniwala." Sagot ko at sumunod kay Amira sa kwarto.
"Tama ang kasama ninyo." Narinig ko pang sagot ng Tiyo ni Amira.

"Hindi tayo makakalabas ng bayan, Joanna." Umiiyak si Amira habang binibigyan ako ng damit na pang Muslim.
Naiiyak akong kinuha ang phone ko. Ilang miscall na ang nandoon galing sa mgakaibigan ko. Una kong tinawagan si Raiden.

"Joanna,"
Tuluyan na akong naiyak. "Hindi kami makalabas ng bayan."
"Hindi daw sila makalabas ng bayan." Pag-uulit ni Raiden sa sinabi ko.

"Joanna,"
Biglang nag-iba ang boses ng kausap ko.
"Tita Abby?"
"Magtago kayo hanggang sa makarating kami. Huwag mong iwawala ang kwintas mo. Maliwanag ba?"
"Opo,"
"Magpalit kayo ng damit. At huwag kayong sasagot hanggat maari kapag may nagtanong sa inyo. Parating na kami." Sabi ni Tita Abby.

"Mag-iingat ka, Joanna. Parating na ang mga Knights." Nanginginig na rin ang boses ni Raiden sa kabilang line.
"Dadagukan kita kapag umuwi kang may galos, sinasabi ko sa iyo."
Humihikbi na ako at hindi ko magawang ngumiti man lang.
"Hihintayin kita dito. Mag-iingat ka, Bonsai."
"Bye, Raiden." I murmured.

Diyos ko, tulungan mo kami. Tulungan mo kaming mga anak mo, Panginoon.

"Jo, okay ka na ba? Oras na ng dasal namin. Kaya mo bang magbihis mag-isa?" Tanong ni Amira sa akin.
"Sabay tayong magdasal." I told her. Pinunasan ko ang mga luha ko sa mata.

Habang si Amira ay nagsimula ng kanyang panalangin, ako naman ay lumuhod at yumuko habang hawak ko ang rosary na laging nasa bulsa ng pants ko.

"In the name of the Father," Nagsimula akong magsign of the cross.
Isang Muslim at isang Kristyano sa isang silid. Nagdadasal ng sabay para sa kapayapaan ng lahat.

Under the RainWhere stories live. Discover now