PROLOUGE

23.5K 492 17
                                    

I was in grade 4, star section. Nilagay ako ng teacher namin sa last row. Sabi ng iba, student's behavior is based on what row they belong.

Ang row 1, ito yung mga mukang genius, mahilig magrecite, mga di makabasag pinggan at mukhang nasa magandang pamilya. Let's go to the next row.

Ang row 2. Ito yung mga teacher's pet. Mga madaling utusan. Isa din dito ang nagtitinda ng tray at soup.

Kamusta naman ang row 3. Ito yung meydo kasundo ng last row. They are the weirdo's, mga mahilig magpasikat at mga mapag panggap na nakikinig sa klase. Savior din kahit papano ng last row pagdating sa recitation at best friend kapag exam.

And the last row is the teacher's mortal enemies. Sila yung mga mahilig matulog sa klase, mahilig maghabulan, magbatuhan ng papel at kapag tinawag mo para sa recitation, walang masagot o mema. They are the bully-one.

But in my situation, they've considered me as their...

"Hoy batang maliit, anong baon natin dyan?"

"Ah eh..."

Sabi ng kaklase kong mataba at inagaw ang lunch box ko. Wala akong magawa kundi ipakita ang baon ko, syempre kukunin na naman niya. anong laban ko dito? Sa liit kong to, isang sangga nya lang sakin tatalsik na ko.

"Ano ito lang? kaya ang liit liit mo e, ang konti ng baon mo!"

Tinapon niya ang laman ng box ko at nagkalat ang dalawang tinapay. Naramdaman ko na lang ang sobrang galit. Kinuyom ko ang kamay ko.

"Ikaw, kaya ang taba taba mo, kinukuha mo pati baon ng iba!"

binato ko sa kanya ang lunch box ko at bumalik sa upuan ko. Pigil ang mga luha ko, sigurado kapag nakita nila akong umiiyak lalo lang nila akong aawayin.

"Aba sumasagot ka na ngayon!" lumapit siya sa kinaroroonan ko at akmang susuntukin ako. Humagulgol na ako ng iyak.

"Ryan! anong ginagawa mo!"

Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita. Halos lumabas ang kaluluwa ni ryan sa sarili niyang katawan. Lalo ko pang nilakas ang pagiyak. Pero deep inside, ngiting tagumpay na ako.

"Wala Ma'am, nagbibiruan lang kami." Sabi niya at nilagay ang kamao niya sa likod nya.

"Sumama ka sakin sa guidance!" ayun, hawak ni ma'am ang braso nya. Mangiyak ngiyak si barney!

Yari ka ngayon!

Pagkatapos ng klase ay pinatawag din ako sa guidance. Kinontact pala nila ang parents namin. Buti na lang andito sila mommy at daddy sa pilipinas, nagbabakasyon lang at babalik na din next week sa America.

"Ma'am pasensya na po talaga sa ginawa ng anak ko. Alam nyo naman po, mga bata pa. pero hindi na po ito mauulit." Yumuko ang nanay ni ryan sa amin. Pinagmasdan ko naman ang muka ni dad na kalmado lang, samantalang si mom ay kabaligtaran.

"Hindi na talaga dahil Itatransfer na namin ang anak ko!"

Pumalakpak talaga ang tenga ko sa narinig. Buti naman!

Sinama ako ng parents ko sa America, naiwan sa mansyon ang kuya ko kasama si manang feli at kuya john na family driver namin.

Dalawang taon din ang nilagi ko dito. I finished elementary in New York. Maraming nagbago sa buhay ko at sa pagkatao ko. I never experienced being bullied here, I am the one who bully—joke! I'm not that kind of person, I've just learned to protect myself. But that's the end of my happy stay here...

"You're going back to the Philippines." Mahinahon ang pagkakasabi ni dad na nagbabasa ngayon ng dyaryo sa dining area. Halos mabuga ko ang hot chocolate sa phone ko.

"Seriously!? I don't want to! I love this place, and my friends are all here!" tumayo ako at agad lumapit kay dad. Hindi niya ako tinignan pabalik, uminom lang ito ng kape na nasa gilid niya.

"Anak, ang kapatid mo nagiisa doon. It's time to go back and be with your kuya xander." Nilingon ko si mom na hinawakan ako sa balikat. Umirap na lang ako. Mukang wala akong palag sa kanila. Ayoko na talagang bumalik sa totoo lang. Wala naman kasi akong babalikan dun.

"And jake is coming with you." Teka tama ba ko ng rinig? Ngumisi ako at inubos ang iniinom ko bago tumakbo sa hagdan.

"Madali naman akong kausap dad, mag eempake na ko!"

And yes, kasama ko si jake. Kasama ko sa airport, pero di ko kasama sa flight!!!

"Don't hate me." sigaw nya at hinila ko na papasok ang mga baggage ko. Kinawayan niya ako at may matandang lalaki na humawak sa balikat niya. It's Mr. Benson, his father.

Napairap na lang ako. Binilin ako ng parents ko sa captain mismo ng plane na sasakyan ko. Family friend daw. Kaya eto, nakapag flight ako ng walang kasamang guardian.

See you soonest, my dear country...

No one can bully me now.

I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon