Napahinga ng malalim ang babae. “Magpapahinga na ako Kuya, maaga pa ang pasok ko bukas.”

Tinangka nitong talikuran siya pero agad niya itong napigilan sa braso.
“Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!”

“Magsesermon ka na naman kasi eh. Pwede ba Kuya, tama na. Naririndi na ako sa sermon ninyo eh.”

“Hindi ka sesermonan kung nagtitino ka!”

Mapaklang ngumiti si Candy. “Kailan ba naman may tumama sa inyo? Lahat naman ng ginagawa ko mali ‘di ba?”

Binawi nito ang braso mula sa pagkakahawak niya. Aalis na sana ito pero muli niyang napigilan ang babae.

“Iyan ang natututunan mo sa kakasama sa Trinity na ‘yun! May sungay ka na nga dati lalo pang humaba ngayon!”

Matalim ang mga mata na tiningnan siya nito. “Huwag mong idamay dito si Trinity, wala siyang kinalaman dito!”

“Wala? Lalong tumigas ang ulo mo mula nang makasama mo ang babaeng ‘yun. Ilang beses na kitang pinagsabihan na layuan mo ang babaeng ‘yun pero ayaw mong makinig.”

“Hindi ko lalayuan si Trinity kahit ano pa ang sabihin mo! She’s a good person and she’s the only one who could understand me.”

“Oo naiintindihan ka niya dahil pareho kayong sakit ng ulo!”

Nagtagis ang bagang ng babae. “Bakit ba galit na galit ka sa kanya, Kuya? Hindi naman siguro dahil sa tomboy siya at nililigawan niya ako. Kasi noon may nanligaw rin ay Ate Eden na tomboy at hindi ganito ang naging reaksiyon mo noon.”

“Dahil alam kong hindi papatulan ni Eden ‘yun at isa pa kilala ko si Toni Lee, matino ‘yun.”

“Matino rin naman si Trinity ah! Ang sabihin mo galit ka sa kanya dahil kayang-kaya ka niyang kontrahin at ang alam ko siya ang kaunang-una na babae na sumapak sa’yo.”

“Wala na tayong marami pang pag-uusapan, Candy. Basta sundin mo na lang ako, stop seeing her.”

Matagal siya nitong tinitigan pagkuway ay napailing. Tinalikuran siya nito at padabog na umakyat patungo sa silid.

*****

SINIGURADO muna ni Harvey na kompleto na ang mga gamit na nakalagay sa kanyang bag bago siya lumabas ng silid.

“Pare, on the way na raw sina Philip papunta sa La Union,” ani Kenneth nang makita siyang pababa ng hagdan.

Napagkasunduan nila ng kanyang mga barkada na magpunta ng La Union ngayong weekend para mag-surfing. Twice a month ay naga-out of town sila para makapag-relax.

“Okey let’s go,” aniya.
Palabas na sila ng pinto nang tumunog ang telepono. Napapihit siya para sagutin iyon.

“Hello, good morning,” aniya nang i-angat ang telepono.

“Hijo, ang Mama mo ito.”

“Ma, mabuti na lang ho hindi pa kami nakakaalis ni Kenneth, papunta po kami ngayon ng La Union eh. Napatawag ho kayo.”

“Mangungumusta lang kami ng Papa mo. Kakausapin ka raw niya,” ani ng ina niya.

“Harvey, kumusta ang kompanya?” tinig na iyon ng kanyang Papa.

“The company is doing well Dad, although syempre namimiss na namin ang dating president,” aniya na ang tinutukoy ay ang ama.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng Papa niya. “Hindi ko akalaing namimiss na agad ng mga tauhan natin ang pagiging bossy at istrikto ko. Kumusta naman ang Tito Manuel mo?”

❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)Where stories live. Discover now