“Harvey,” mahinang sabi ni Mary.

Tiningnan niya ito pero hindi siya nagsalita.

“Babe, I’m sorry.”

Napahinga siya ng malalim. “Ano naman ngayon ang reason mo?”

Hindi nakaimik ang babae, muli lang itong napayuko.

“Pinagbigyan na kita noong una, pinilit kitang intindihin noon dahil alam kong kailangan mo ‘yun.”

“I’m really sorry, pero hindi na ako pwedeng umatras eh. Nakapirma na ako ng two year contract sa kanila.”

“Bakit ba ang hilig mong gumawa ng desisyon nang hindi nagsasabi sa akin. Fiancée mo ako Mary, and I deserve to know about this,” bakas sa tinig niya ang sama ng loob.

“Ipapaalam ko naman ito sa’yo eh, I’m just waiting for the right time.”

“Kailan ‘yung right time na sinasabi mo? A week before your flight?!”

Napayuko itong muli. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila, tanging ang marahas niyang pagbuntong-hiniga ang naririnig.

“Pagbigyan mo na ako Harvey, please. Ituloy na lang natin ang kasal pagbalik ko from Milan.”

Pigil niya ang sarili na masigawan ito. Sa tingin ba nito ay ganoon lang iyon?
“Paano na naman natin— no, I mean paano ko na naman ito ipapaliwanag sa lahat ha?”

“Hindi pa naman natin naidi-distribute ang mga invitations eh.”

“Pero naipagsigawan na nating next year na matutuloy ang kasal natin!” Hindi na niya nakaya pang itago ang emosyong nadarama.

“Ano naman ang gusto mong gawin ko, magback-out?” ani Mary na titig na titig sa kanya.

“Ano pa ba sa tingin mo ang dapat mong gawin?”

“You know I can’t do that, malaki ang babayaran ko sa kanila kapag nagback-out ako,” mabilis na sabi nito.

“Ako ang magbabayad sa kanila, kahit na magkano.”

Napakamot sa ulo ang babae na parang hirap na hirap na itong ipaintindi sa kanya ang lahat.

“Hindi lang naman ‘yung babayaran ko ang iniisip ko eh. Harvey, pangalan ko ang nakataya rito. Hindi ko iningatan ang pangalan ko ng ganoon katagal para lang masira ngayon.”

“Why would you care about that? Ang usapan natin titigil ka na sa trabaho mong ‘yan after ng kasal natin ‘di ba?”

Hindi ito sumagot.

Matagal niyang tinitigan ito at pagkuway ay napailing siya. “I should have known.”

“Harvey, please try to understand. Mahal ko ang trabaho ko, I can’t leave without it.”

“Six years na kitang iniintindi, Mary.”

“If you really love me you will understand.”

Gusto niyang suntukin ang pader. Kailangan bang siya na lang palagi ang umintindi sa babae?

Umiling siya. “Tapos na ako sa pag-iintindi sa’yo, Mary. Pagod na pagod na akong makihati ng oras sa career mo. Now it’s up to you kung alin ang pipiliin mo, your career o ako?”

“Please huwag mo akong papiliin, Harvey. Alam mong pareho kayong mahalaga sa akin ng trabaho ko,” nangilid ang luha sa mata nito.

“You have to choose, Mary. Hindi ko na kayang maging second priority mo.”

Impit na napaiyak si Mary. Tahimik lang naman siya habang hinihintay ang sagot nito.

Maya-maya ay kumilos ang babae, hinubad nito ang engagement ring na ibinigay niya rito at inilapag iyon sa center table.

❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)Where stories live. Discover now