"Masarap pala to?" Sumulyap lang siya sakin. Kumuha pa ko ng isa at nang maubos ko saka ako ulit nagsalita. "Nakita kita kanina na pinapagalitan yung isang volunteer." Hindi siya sumagot. "Pero nakita din kita na nakangiti sa mga pasyente."

"And you're point is?"

"Wala lang."

"Okay." Balewalang sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Hindi ka man lang ba curious sa sasabihin ko?" He shrugged. Gusto ko talaga maging ma-pride at hintayin siya na mangulit sa gusto kong sabihin kaso kating-kati na yung dila ko sa pagiging madaldal ko. "Alam mo ba na maraming nurse ang naiinis sayo? Crush ka pa naman nila dati."

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pag kain habang umiinom ng Zest-o juice na orange flavor. Parang bigla tuloy akong nauhaw.

"Meron ka pa ba niyang juice?" Tinaasan niya ako ng isang kilay bago kumuha sa plastic bag na nasa kabilang tabi niya at inabot sa akin. Tinignan ko at nakita ko na apple flavor ang binigay niya sa akin. "Wala ka na ba diyang orange? Gusto ko orange." I pointed at the one he's drinking.

"Choosy ka pa nanghihingi ka na nga lang." He said with sarcasm but took something from the bag again and handed it to me. Kinuha naman niya yung apple flavor na hawak ko at ibinalik sa plastic. Ilan kayang ganito ang meron siya? Ang damot. Ayaw man lang mamigay ng dalawa.

"Thank you. Ang galing di ba, para tayong nag pi-picnic habang pinapanood ang sunset." Sabi ko habang sinusubukan na itusok yung straw doon sa juice kaso matigas kaya sa ilalim ko na lang sana itutusok nang biglang inagaw niya sa akin at siya na ang tumusok. Ah, doon pala dapat sa bilog na puti itusok.

"If this is a picnic, you should've brought food. Hindi yung nanghihingi ka lang." He said as he handed the juice back to me. I pouted. Sungit talaga. Hindi ko naman alam na magbibitbit siya, edi sana bumili din ako ng marami dun sa tindahan bago ako pumunta dito.

"Next time magbibitbit ako ng marami. Yung pwede ka na magtae-tae sa kakakain ng chichiriya." I said sarcastically that made him roll his eyes.

"So you're still planning to come here?" He asked amused. I shrugged. "Why? Because you expect me to be here?"

"Pogi ka ba para mag feeling?"

"Yes."

"Okay." Hindi na ako nanlaban. Gwapo naman talaga, ihh.

He suddenly chuckled that made me look at him and my heart almost jumped out of my chest when I saw him grinning. Bigla siyang napatingin sa akin at kumunot nanaman ang noo.

"Close your mouth. Baka mapasukan ng tipaklong." Agad ko namang sinara ang bibig ko at nagpatuloy sa pagnguya habang nakatitig parin sa kanya. Napailing naman siya.

Minsan nakakalimutan ko na matalino ako, na maganda ako, na top one ako sa dalawang board exam. It's funny because I'm always guarded and I tend to look formal and intelligent in front of people. Sa harap lang talaga ni Regan ako nagmumukhang katawa-tawa.

"Saan mo planong mamasyal bukas?" I asked him. Weekend na kasi bukas kaya oras nanaman para mamasyal. It's like a day off for us.

The sun is starting to set. I can't help but to feel excited as I stare at the sunset in front of me. It made the sky turn bloody red. Siguro kung sa ibang pagkakataon ang gandang mag picture, but there are times when you just want to live the moment and not do anything but to enjoy staring at it.

"Wala. I'm going to the storage room tomorrow to segregate the meds." Oo nga pala. Sabi niya kanina wag nang mag abala dahil siya na lang ang bahalang mag ayos ng lahat.

"Bakit sa amin masungit ka?"

"Masungit ba ko sayo?"

"Oo. I mean, hindi mo ako pinapansin tapos palaging nakakunot ang noo mo. Parang pasan mo problema ng mga tao sa Africa. " He rolled his eyes.

"I'm busy with the medical mission. I don't have the time to meddle with other stuffs." He said then he looked at me as I took another plastic of tattoos. "At hindi rin naman kita sinusungitan ngayon kahit inuubos mo na yang pagkain ko."

"Kailangan mo ba ng tulong bukas?" Tanong ko. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya tungkol sa tattoos at nag change topic kaagad. Napansin na kasi pala niya na sunud-sunod yung kuha ko ng pagkain, e. Baka di na ako makakuha ulit.

"I can manage."

Hay salamat! Nakahinga ako ng maluwang. Mabuti naman hindi siya pumayag. Hindi na ako nagpumilit. Ayaw ko din naman tumulong sa kanya baka mamaya sungit-sungitan niya lang ako habang tumutulong. At isa pa, pupunta daw kami sa falls bukas! I'm actually excited.

The sun had already set. It's already dark at ubos na  din ang pagkain niya kaya tumayo na ako at ipinagpag ang shorts ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?" I asked. He looked at me before he stood up and took the plastic that contains our garbages. He looked around and made sure that we took every trash before we both walked down the hill. Parehas kaming hindi nagsasalita at sabay lang na naglalakad pauwi.

"Saan ka pala nakatira?" Hindi siya nagsalita at nanatili lang na naglalakad sa tabi ko. "Ihahatid mo ko?" Sumulyap lang siya sa akin. "Hindi mo na ako kailangang ihatid. Malapit na lang ang bahay ko dito at kaya ko naman protektahan—"

"This is my house." He stopped and pointed at the house in front of us. It's smaller than where Nova and I live. Some parts of the house were concrete but most of it are made of wood. "Hindi kita hinahatid. Talagang malapit lang ang bahay mo sa bahay ko."

Napatunganga na lang ako habang nakatingin sa kanya. Aray, medyo nasaktan yung dignidad ko sa pagiging assuming ko.

"I'll go ahead." Sabi niya bago naglakad papasok sa bahay niya na siguro mga nasa fifty steps na lang bago makarating sa bahay ko.

Lesson learned: Wag masiyadong madaldal dahil ipapahiya ko lang ang sarili ko. Lalo na itong bibig ko na namana ko pa sa Mommy ko.

Another lesson learned: bawal magka-crush kay Regan dahil for sure wala na akong pag asa dahil ilang beses ko na pinag mukhang katawa-tawa ang sarili ko.

Just Some Random GuyWhere stories live. Discover now