His Jacket: Chapter 7

36 1 0
                                    

Pagkarating ko nang school ay agad akong nilapitan ng mga kaklase ko at kinamusta. Pati yung mga subject Profs ko ay kinamusta ako. Nang hapong yon ay pinapapunta ako ng principal sa office niya.

"Ms. Olivarez, are you really fine now? Baka pinipilit mo lang ang sarili mo na pumasok kahit hindi ka pa okay." Nag-aalalang sabi ni Ms. Principal.

Ngumiti ako." I'm really okay now ma'am." Pang a-assure ko.

Bumuntong hininga naman siya at kinausap pa ako.

Lumabas naako ng office at nakita ko sa labas ng office si Melissa kasama ang alipores niya.

Here we go again...

"Wow! Ang famous mo na ha! Ang galing mong umarte ha." Bahagya silang pumalakpak.

Nangunguya ko siyang tiningnan at pinamewangan.

"Gawin mo din kaya baka sumikat ka din. Baka nga mas mahigitan mo pa yung mga "BOLD STAR" eh." Pangungutya ko sa kaniya.

Nawala ang ngiti niya at akmang sasampalin ako pero agad kong hinarangan.

"Wag kang magkakamaling gawin yan Melissa. Baka hindi mo nakakalimutan na nandito tayo sa labas lang naman ng principal office. Baka gusto kong ipa-office kita." Pananakot ko sa kaniya.

Bumakas sa mukha niya ang takot at inis. Inis niyang kinuha ang kamay niya saakin at walang pasabing umalis. Nawalan nang emotion ang mukha ko at naglakad sa kabilang direksyon para pumunta ng canteen.

Bumili ako ng sandwich at minute maid. Pumunta ako sa likod ng building kung saan ako tumatambay. Umupo ako sa ilalim ng isang puno at kumain. May narinig akong hilik kaya napalinga linga ako sa paligid. Wala namang tao pero nakakarinig parin ako ng hilik. Napatili ako ng may mga binting nakahilata sa mga hita ko.

"Waaaahh!!" Agad akong tumayo at kinabahan ng husto.

Abot langit ang kaba ko at takot.

Tumayo din ito dahil natataranta.

"Sino yan?" Si Jake?

Medyo humupa ang kaba at takot ko pero bakas parin sa mukha ko ang takot. Nang makita ako ni Jake agad niya akong nilapitan at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. He cupped my face kaya napatingin ako sa mga mata niya.

"Sorry, natakot ba kita?" Napalunok ako sa lapit namin.

Tumango lang ako at naramdaman kong lumalamig ang dibdib ko. Ganun na lang ang gulat ko ng matapunan ang dibdib ko ng minute maid. Agad akong lumayo sa kaniya at nilapag ang inumin at pagkain ko sa lupa. Tinanggal ko ang blazer ko at hindi ko kaagad makapa ang panyo ko. Napatingin ako sa panyo na inabot saakin ni Jake. Kinuha ko iyon at agad na pinunasan ang dibdib at ang blouse na natapunan din. Natapunan din ang palda ko.

"Kailangan mong magpalit." Ani ni Jake kaya napatingin ako sa kaniya at nag-iwas siya ng tingin.

Agad kong kinuha ang blazer ko at tinakpan ang dibdib ko na nanuot sa balat ko at medyong kita ang bra ko sa loob. Namula ako sa hiya.

"Thank you sa panyo." Inabot ko sa kaniya ang panyo.

Tinignan niya ang panyo at saakin. Namulsa siya.

"Keep it, gagamitin mo pa yan." Sabi niya at walang pasabing umalis.

Sobra akong namula sa hiya. Sheettt! Nakita niya ang bra ko! At nakakahiya yun.

Mabilis akong umalis dun at nagtungo ng comfort room. Binasa ko ang panyo at todo punas parin ako. Medyo nawala ang mantya pero bakas parin sa blouse ko. Pumunta ako ng locker at kumuha ako dun ng spare clothes. Napailing ako dahil PE na uniform ko lang ang meron ako ditong pwede kong pampalit. Wala akong choice kundi ito na lang ang suotin.

Nagbihis ako at napaface palm na lang dahil wala akong suot na short pangloob para hindi makita ang underwear ko sa loob.

Habang naglalakad ako ay nasa akin ang lahat ng attention. Todo baba ako sa short ko na umaangat. Kahit na natatakpan ito ng blazer ko ay kita parin ito. Gusto kong lamunin naako ng lupa dahil sa hiya.

Nagbaba lang ako ng tingin at halos patakbo na lakad na ang ginagawa ko. Namalayan ko na lang na may nakabanggaan ako. Napahawak ako sa mga dibdib nito at nag-angat ako ng tingin. Namula ako ng mapagtantong si Jake pala iyong nakabangga ko.

Kita ko sa mukha niya ang inis. Hinila niya ako palayo dun, todo piglas naman ako.

"Bitiwan mo nga ako! Jake! Let go of me!" I hissed.

Pero hindi siya nakinig hanggang sa nakarating kami sa locker niya. Binitawan niya ako at inis akong binalingan.

"Ano yang suot mo?" Tanong niya.

Nangulumbaba ako at iniripan siya.

"Malamang! It's a PE uniform." Pamimilosopo ko.

"Oo alam ko. Hindi ka ba nag-iisip? Sa lahat ba naman na pwedeng pamalit ay bakit yan pa ang sinuot mo? Hindi mo ba napapansin na nababastos ka na!" Tumaas ang boses niya.

Nagulat ako ng tumaas ang boses niya. Kumulo ang dugo ko.

"Eto lang ang meron ako!" Tumaas na din ang boses ko.

Umigting ang panga niya at napailing in disbelief.

"Sana humiram ka saakin!" Natutop ang labi ko sa sinabi niya.

"Pwede naman kitang pahiramin eh." Nag-iwas ako ng tingin.

"Eh paano ako makakahiram? Umalis ka agad kanina." I murmured.

"Fuck!" Tinaliman ko siya ng tingin.

"Minumura mo ba ako?!" Galit na sabi ko.

"Of course not." Ngayon mas mahinahon na ang boses niya.

Iniripan ko siya. Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay sa damit.

"Ano 'to?" Kinunotan ko siya ng noo.

"Jacket malamang." Iniripan ko siya.

"Alam ko! Sinasabi ko lang naman kung bakit mo 'to binibigay saakin?"

"Isuot mo yan tutal hanggang tuhod mo yan kasi matangkad ako." Sagot niya.

Binuklat ko ang jacket. Isa itong Michael Jackson hoodie na kulay black.

"Fan ka pala ni Michael Jackson?" Nasabi ko na lang.

"Hindi niya ako fan." Bored na aniya.

"Eh bakit may mukha 'to ni Michael Jackson kung hindi ka niya fan?" Pinangunotan ko siya ng noo.

Napa-tsk siya at inis na nilapitan ako. Kinuha niya ang jacket at sinuot saakin. Nanigas ako at nagloko ang puso ko. Sobrang lapit namin sa isa't-isa at halos hindi ako huminga.

"There...much better." Tapos na niyang pinasuot saakin ang hoodie na ikinahinga ko ng maluwag.

Akala ko kakapusan naako ng hangin buti na lang nasuot niya saakin agad. Tama siya hanggang tuhod ko lang pala talaga ang hoodie.

Tumikhim muna ako at hindi tumingin sa kaniya.

"Thanks sa jacket." Agad ko siyang tinalikuran at nagmamadaling naglakad.

"YOUR WELCOME!!" sagot niya pabalik.

Napakagat labi ako at Mas binilisan ang lakad ko. Why is that I'm feeling this kinds of emotions? Its impossible! It can't be...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Cassanova and the Manhater (OnHold) Where stories live. Discover now