CHAPTER 1 (ENCOUNTER)

18 1 0
                                    

"ALEX!!!!"

"ALEXAAAAA!!! BANGON NA ABA!!!"

"ALEXANDRA MAE DIÑO!!!! DI KA PA BA BABANGON????"

Bigla akong bangon nang marinig ko na na buong pangalan na akong tinatawag ni mommy. Pagkatingin ko sa orasan, mag-alas 7 na. Nagmadali ako kumilos at maligo dahil late na naman ako sa school.

"Oh... anong oras ka nanaman ba natulog at hirap na hirap kang gumising?", tanong ni mommy

Natatawang sinagot si mommy na,

"Ah.. eh.. maaga... este mag-uumaga na."

"Nako, Alex, yang panood mo ng kdrama di na nakaktulong ah... nahihirapan ka na matulog ng maaga."

"Eh Ma, di naman ako nanood ng kdrama. Nag-aaral ako kagabi?" Seryoseng sinagot si mommy.

"Aba, himala! Akalain mong nag-aaral ka pa pala sa lagay na yan. Pag nakikita kita pagka galing mo sa school, laptop na ang hawak mo at tumatawa ka na sa isang sulok."

"Grabe ka naman, mommy! Nag-aaral kaya ako. 안녕하세요 (ANNYEONHASEYO)" sabay tawa

"Anong ann ann iyang sinasabi mo? Umalis ka na nga at anong oras na."

"Arasseo, eomma! Saranghae!!"

"Hay nako, Alex! Bye!"

Hinalikan si mommy at nagpaalam.

Habang naglalakad ako, nakita ko na ang daming tao sa labas ng bahay ng kapitbahay namin. Syempre, itong pagka-usisa ko umandar nanaman. Imbis na magmadali ako pumasok, sinilip ko kung suno yung pinagkakaguluhan nila. Ang daming koreano na nasa labas at parang mga celebrity ang nasa loob. Gusto ko pa sana antayin lumabas ang taong dinudumog kaso tumatawag na yung kaibigan ko.

"ALEX!! SAAN KA NA??"

"Bahay palang, bakit?

"GIRL PUMASOK KA NA. DUMATING NA SI MA'AM CHE. MAY QUIZ DAW. BILISAN MO. IN 30MINS DAW MAG SSTART"

Dali-dali akong umalis. Tumatakbo ako palayo sa bahay nang biglang lumakas yung mga tilian. Kaso gusto ko man tignan, mas importante yung quiz ko.

Nag-aabang ako ng taxi sa may gate ng subdivision para mas mabilis kaso wala naman dumarating. Hanggang sa may biglang lalabas na taxi na galing sa loob. Hinarang ko ung taxi. Kahit alam kong may sakay. Kasi ung taxi naman dadaan at daan siya sa school ko kasi iyun lang ung way. Pagka harang ko sa taxi,

"Miss. May pasahero na ako" sabi nung driver nang binaba nya ung bintana nung kotse.

"Sir, dyan lang ako sa Manila Arts School, nag mamadali lang talaga ako."

"Eh, Miss, may pasahero na ako. Paki alis ka muna sa harang. Hanap ka nalang ng ibang taxi."

Nagmamakaawa ako at hindi umaalis. Nang biglang akong sinabihan nung driver na sumakay na ako.

"Thank you, manong at Sir (pasahero)" pag tingingin ko sa salamin, parang familiar yung pasahero. Tinitignan ko sya ng palihim. Tas bigla syang nagsuot ng shades. Inisip-isip ko, baka nahiya yung pasahero kasi tinitigan ko. Pero di parin mawala sa isip ko na parang may kamukha sya.. bumaba na ako ng taxi at di mawala sa isip ko yung pasaherong lalaki. Nagmumuni-muni ako habang nag lalakad ng maalala ko na may quiz pala ako. Chineck ko ung relo ko at 7:55 na.

Kumaripas ako ng takbo dahil 5 mins nalang at simula ng ng quiz. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Ms. Che na nagbibilang na ng mga eatudyante. Buti nalang bago ako matawag, nandun na ako. Pero syempre napagalitan padin ako.

"Ms. Diño, 7:59 na ah. Sakto ang dating mo ah. Ipagpatuloy mo lang yan." Sarcastic na sinabi ni Ms. Che.

At etong mga classmate naman, imbis na tumahimik ay pinagtawanan pa ako. Pag-upo ko, tinanong ako ni Brenda kung bakit late nanaman ako. Sinabi ko na maaga naman dapat talaga ako papasok kaso na curious ako bakit ang daming tao sa labas ng bahay ng kapitbahay namin.

"Ms. Diño at Ms. Montemayor, tapos na ba kayo mag kwentuhan? Sisimulan na kasi natin sana yung quiz."

"Ay, yes ma'am!" Sabay namin sinabi ni Brenda.

Nagsimula na ang test at hirap na hirap nanaman ako sagutan kasi hindi na naman ako nakapag-aral kasi busy ako kagabi. Busy sa kapa-panood. Hinhuluan ko nalang ang quiz gamit yung "Mini mini minimo alin dito ang pipiliin ko, eto o eto? Eto."

Napansin ni Ms. Che na di ko siniseryoso yung quiz. Lumapit si Ms. At tinanong ako, "Ms. Diño, nag-aral ka ba? Parang nanghuhula ka lang ah."

Natakot ako nung sinuway ako ni Ms. Che, hindi ko masabi na di ako nag-aral. Kaya gumawa nalang ako ng palusot, "nag-aral po ako Ms. Kaso nahihirapan lang ako sa number na to." Mukhang tinanggap naman ni Ms. Che yung paliwanag ko at umalis na sya. Sobrang kaba ko nun kasi baka mapagalitan nanaman ako.

Pagkatapos ng quiz, nilapitan ako ni Brenda at tinanong kung ano sinabi ni Ms. Che sa akin. Sinabi ko kay Brenda ang nangyari at sinabi na parang galit sakin si Ms. Che kasi parati nyang pinapake-alam yung ginagawa ko. Sinabi ko kay Brenda na ganun naman talaga si Ms. Che kahit sino. Napilitang sumang-ayon si Brenda at tinanong bakit muntik na naman ako na late.

Napangiti ako at sinabi ko na parang may nagsshooting kasi sa kapitbahay namin. Sinabi ko din na madaming koreano. Tawang tawa si Brenda sa akin at sinabi, "dahil lang dun? Malay mo naman hindi artista yun. May narinig ka bang tilian?" "Oo meron." "Pangalan nung artista?" "Wala!" "Ay nako, Alex, baka hindi naman artista yun. O baka mga no name na artista un. Alam mo naman ang mga Pinoy. Basta may camera, curious lahat kung sino kinukuhanan. At talagang ppuntahan dun sa lugar kung saan may mga camera." Umang-ayon ako sa sinabi ni Brenda kasi ganun ako e. Basta may camera, sisilipin ko kung sino yun.

Dinagdag ko pang ikinwento kay Brenda na may nakasabay ako pumasok dito. Sinabi ko ung lalaki sa taxi na parang may kamukha. Habang kinukwento ko ung nangyari bago ako makasakay ng taxi, nagulat ako ng sabihin ni Brenda na nandito sa Pilipinas si Park Seo Jun. Pagtingin ko sa article, nakita ko si Park Seo Jun na naka suot ng shades at naalala ko ung nakasabay ko sa taxi. At napasigaw ako at sinabi, "Girl!!! Si Park Seo Jun. Si Park Seo Jun!!!" Nagulat si Brenda at tinanong ano meron kay Park Seo Jun. Sobrang saya ko sinabi na sya, "Si Park Seo Jun yung nakasabay ko sa taxi!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Korean BoyfriendWhere stories live. Discover now