LAST CHAPTER
Nakaupo ako ngayon dito , hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari lahat ito.. Kakaumpisa pa lang eh,, ni hindi ko pa nga nararamdaman , ni hindi ko nga namalayan ISANG LINGGO lang pala yun nangyari lahat ng yun hindi ko maisip na sa isang lingo nay un nakuha agad ni Clyde yung loob ko. Ni minsan hindi ko naisip na magpapaligaw ako sa isang taong isang lingo ko pa lang nakikilala .Parang kailan lang wala naman akong kasabay umuwi, walang kakwentuhan , wala nanggugulo kung gusto ko mang matulog sa byahe. Pero bakit naman ganun ang bilis Clyde….ang bilis… pinairal mo na naman kasi yang pagkakalahating tanga mo ee…excited ka kasi masyadong bumaba!!! .
Kinakausap ko na lang yung sarili ko dito. Andito kami ngayon sa chapel kung saan mahirap mang sabihin at paniwalaan burol ni Clyde. Parang gusto kong tumayo dito sa kinauupuan ko itulak yung kabaong para malaglag si Clyde baka sakaling magising. Pero imposible na nga yun ngayon .
“Good Afternoon .. salamat sa pagpunta niyo sa burol ng anak ko. Alam naman nating parang kailan lang ang sigla-sigla ng anak ko. Napakadal------dal hong bata ni Clyde hindi yan nauubusan ng ikekwento. Kaya parang nakakapanibago sa bahay ……na walang daldal ng daldal, matanda na pero isip-bata pa din.
Sobrang nanghihinayang po ako sa buhay na nawala sa anak ko… masyado pa siyang ba-----ta. Marami pang pangarap yung batang yun. Pero ang isang bagay din na hindi ko akalain na ikamamatay ng anak ko eh yung mabangga ng bus. Kasi yung anak ko sobrang hilig mangolekta ng mga sasakyan , mapalaruan man o totoong sasakyan.
( O___O May sariling sasakyan si Clyde ???? Pero paanong ..)
Pero isang araw na lang umuwi si Clyde …kagaya pa rin ng dati sobrang dami ng kwento ng anak ko. Pero ngayon may iba siyang bukambibig.
“Ma … alam mo nasira yung kotse ko…. ^________^”
“Nasira yung kotse mo anak.. pero tuwang-tuwa ka..”
“Kasi ma,, buti nasira yung kotse ko ede nakapag bus ako…at kung hindi nasira yung kotse ko… naku Ma .. hindi ko sana makikita yung pinakamagandang babae na SUMUNOD sayo .”
“Naku...ang anak ko mukhang inlove .. maganda ba at parang naman mo yung kacornyhan ng papa mo?”
“Naman ma… kakasabi ko lang ee.. parang ikaw nga ee, ang sungit sa una pero ang totoo mabait pala. “
Akala ko nung mga panahong yun ee.. niloloko lang ako ng anak ko.. pero isang araw nung tinawagan ko yung anak ko, may babaeng sumagot.. ikinagulat ko talaga yun. Pero pinabayaan ko na lang. Dun masaya yung anak ko.
Kahit ilang beses ko ng sinabi ulit sa anak ko na gamitin na yung sasakyan kahit nung nagkasakit na siya. Ang kulit pa din ayaw papigil..Hanggang sa nangyari yung aksidente.
Khiara.. hindi wag mo sanang isipin na sinisisi kita dahil sa nangyari sa anak ko. Alam kong si Clyde din mismo ang nagdesisyon niyan para sa sarili niya. Pero nagpapasalamat ako sayo anak dahil naging masaya si Clyde nung mga araw na yun. At salamat sa lahat ng mga nandito na mga nagmamahal sa anak ko.”
YOU ARE READING
Every Ride With You
Teen FictionVALENTINES .. ito ba talaga ang valentines? Parang kadiri naman hay naku pandagdag lang kayo sa traffic hirap na nga makauwi yung tao maglalandian pa kayo dito . Hindi ako BITTER dahil wala akong Lovelife. Sadyang ayoko lang ng PDA. Sa araw-araw kon...
