Doorbell (One Shot)

Comenzar desde el principio
                                    

"Dito ka na matulog. Gabi na kung uuwi ka pa. Wag ka ng matigas ang ulo. Para ka ring bata e."

"Sungit neto. Di ba sabi ko sayo saka lang ako tutulog kasama ka sa iisang bahay pag misis na kita."

"Sus! Eh hindi ka naman saken tatabi. Wag kang assuming. Dun ka tatabi sa inay. Hahaha" biro ko pero sadyang nag-aalala lang ako sa kanya. Hindi na sya sumagot at batid kong hindi ko talaga sya makukumbinsi.

Balian ko kaya to ng buto ngayon? Para di na sya makauwi ngayong gabi. Tsk tsk. Nagiging brutal na ata ako. Kasi naman. Ang tigas ng ulo ng isang to!

Nagtuloy na lamang ako sa pagliligpit dito sa kusina. Maya-maya'y naramdaman ko ang pagyakap nya mula sa likuran.

"Oh!" sabi nya sabay abot ng isang kulay violet na envelope. Ang paborito kong kulay.

Hindi na ako nagtaka kung ano iyon. Dahil alam nyang hindi ako mahilig sa mga materyal na bagay, madalas nya akong bigyan ng sulat. May okasyon man o wala. Nitong mga nakaraang linggo ay talaga namang hindi sya pumapalya. Kung noon ay linggo-linggo sya nagbibigay, ngayon ay araw-araw na.

Natulala na lamang ako sa kamay nyang hawak pa rin ang sulat. Nakayakap pa rin sya sa akin. Bakit ba naman ganito kasweet ang lalaking to! Feeling ko tuloy ay napapabayaan ko na sya. Hindi ko na nasasagot ang mga sulat nya. Madalas ay pagod ako. At tanging pagbabasa na lamang ang nagagawa ko. Hindi rin ako nakakapagbigay na ng sulat sa kanya bilang tugon dahil agad rin akong nakakatulog.

"Natahimik ka na naman. Hindi mo naman kailangang sagutin pa ang mga sulat ko. Dahil alam ko na ang sagot." sabi pa nito na waring nababasa ang iniisip ko. Di ko namalayan na nakaharap na pala ako sa kanya at hawak hawak na nya ang aking pisngi. Deretso syang nakatingin sa akin na waring binabasa kung ano man ang iniisip ko. Ngumiti ako at pinisil ko na lamang ang kanyang ilong bilang tugon. Ayaw kong magdrama sa harap nya. Nakakapangit 'yon. HAHAHA. Hindi ko pinahalata ang namumuong luha sa aking mga mata at mabilis na tumalikod.

Napakaswerte ko sa lalaking ito.

Agad ko ng tinapos ang pagliligpit. Noong una ay pinipilit pa nitong si Arvene na tumulong pero buti naman at sa huli ay nakumbinsi kong maupo na lang siya. Para siyang timang na nakapangalumbaba sa may mesa at tinitigan ako. Nangingiti na lang ako sa kalokohan ng lalaking ito. Matapos kong magligpit ay naghanda na ako ng aming makakain. Tumaas muna si Arvene para tawagin ang Inay para sabay-sabay na kaming kumain. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa nang makababa. At pareho pang tumatawa sabay na lilingon sa akin na animo'y pinag-uusapan ako. Alam ko namang inaasar lang nila ako dahil nagkakasundo sila sa kakulitang pinaiiral na naman nila.

'Yong totoo? Sila ba talaga ang tunay na mag-ina?

"Arvene, dito ka na nga naman matulog hijo. Delikado na lalo na't malalim na rin ang gabi." maya-maya'y sabi ni Inay habang abala kaming lahat sa pagkain.

"Hindi na po. Huwag po kayong mag-alala. Hindi ko naman hahayaang magalusan ang gwapo kong mukha." tugon niya na agad ko namang sinuklian ng masamang tingin bagamat hindi siya sa akin nakatingin.

"Talaga lang! Dahil sa tigas ng ulo mo ay pati yang mukha mo nadadamay! Wala namang magagawa yang yabang mo sa peligro!" singit ko. Nagtuloy na lang ako sa pagkain. Ngunit kitang-kita ko pa rin sa gilid ng aking mata ang sabay na paglingon nila sa isa't isa. Dinig na dinig ko ang pagbungisngis nilang dalawa sabay sabing "Highblood". Nilingon ko silang pareho at pinukol ng masamang tingin. Muli kong ibinaling ang paningin sa pagkain at narinig ko na naman iyong bungisngis ng dalawa. Grrrrr. Hindi na ako kumibo pa hanggang sa matapos kaming kumain.

"Inay. Una na po ako. Huwag po kayong mag-alala at makikita nyo pa ang gwapong mukhang ito sa mga susunod na araw." paalam ni Arvene saka bumaling sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay ngunit sa huli ay nauwi rin sa hindi mapigil kong ngiti dahil sa reaksyon niya. Ginaya niya kasi ang pagtaas ko ng kilay.

Doorbell (One Shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora