Chapter 2

24 1 0
                                    

Ilang beses ko nang inakala na natagpuan ko na ang True love ko sa Jeep. Halos lahat ata ng karanasan ko sa Jeep nai-kwento ko na sa Conyo kong besty.

Una, may nakatabi akong Tall Dark and Tall again. HAHA Oo hindi siya ganun kagwapo pero mapapagtiyagaan naman. Di ba hindi na ako choosy. Haha. So, ayun nga magkatabi kami. Mga past 8 na siguro nun pauwi ako. Kami na lang pasahero nun. Hihi. Sa halip na medyo matakot ako, kinilig ang gaga potek. Panu ba naman kasi, ngiti siya ng ngiti saken. Kaso mayamaya, jusko! tinutukan niya ako icepick. Kaloka. Nawalan ako ng barya. Oo barya. Wala na akong pera nun e. Mahirap lang naman kasi kami. Sa sobrang dismaya nung holdaper, tumalon siya ng Jeep. Haha.

Pangalawa, sa Jeep ulit as usual. Papunta akong school nun. Nasa may unahang part ako ng jeep nang may sumakay na Guy Nursing student.. Naka suot sya ng white (natural -_-) Matangkad, Maputi Makinis at Napaka-aliwalas tingnan. Ako naman si maganda, kinilig agad ng bongga. Winish ko na sana umupo siya sa tabi at narinig naman ni papa Lord, umupo siya sa tabi ko. Jusko! Matatanggal ata kalamnan ko sa sobrang kilig ih. HAHA. Ang bango niya pramis, sarap yakapin. Hihi. So ako, bunot si powder sa bag, pahid ng onting lipstick and voila. Instant pagpapaganda. Matapos ang aking instant make-up bigla siyang nagsalita, “Miss alam mo hindi mo na kailangan ng mga pampaganda na yan. Kasi maganda kana..” Jusko eto na naman ako. Kinilig hanggang bones! Napabatok tuloy ako sa ulo ni  manong driver. Haha. Kaso bigla muli siyang nagsalita at sa pagkadismaya ko sa mga sumunod niyag sinabi, “Ahm pero I think gurl? Kelangan mo magpabawas ng iyong hair. Yung medyo maikli para mag mas mukha kang bata tignan.” Sabay kindat. Omg I just died. I heard it right?

So ayun. Brokenhearted na naman ako. </3

Actually super dami ko nang karanasan sa aking mga True love kunno. Haha. Hindi ko na nga mabilang eh. Neto lang Friday nakakita na naman ako ng True love. Alam niyo na siguro kung saan ko nakita. Haha. Siya ung Guy na pinaka iba sa lahat. I mean, iba talaga eh. Iba talaga ung feeling na naramdaman ko sa kanya, na parang siya na talaga. Siya na ang aking true love.

Nakita ko ulit siya the next day. Sa Trinoma nung hapon. Hindi talaga ako mapakali nun kaya naman sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa maisipan kong lapitan na siya at magpakilala. So ayun lumapit ako sa kanya as in malapit na talaga yun ih nang bigla akong madulas. (_ _”) WTf?! Nadulas ako WTf?! WTf talaga! Madulas ba naman ako sa tapat ng true love ko!! WTf talaga! (_ _”)

*flashback*

“Wait friend saan tayo pupunta?” tanong niya sa akin.

“Halika sundan natin sila! Haha” Sagot ko.

“Wait, what?”

“Oo, tara bilis!”

“Bestfriend! Wait! Baka madul—"

Hindi ko na nahintay ang bestfriend ko at nagtatakbo na ‘ko palapit sa may Tokyo Tokyo. It’s my chance to meet my True love kaya. Haayyy. True love! Here. I. Come! Stay ka lang jan. (^ ^)

Ayan nakatingin na siya saken. Jusko!

Palapit na ako ng palapit sa aking true love as in mga ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa’t isa nang---

“Shit.” nadulas ako.

Nadulas ako sa hindi kanais nais na pagkakataon.

“What the? Ikaw na naman?! THIS IS BULLSHIT!”

Mga katagang narinig ko sa aking true love bago siya lumisan sa aking mga paningin. Mabilis siyang naka-alis sa lugar kung saan maraming taong nakapalibot sa amin. Marahil napahiya na rin siya sa mga pangyayari.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Maraming tao ang nakatingin saken mula sa iba’t ibang direksyon marahil sa pagkakabagsak ko sa sahig ng mall na ito. Basang basa na ang pantalon ko sa tubig na nakakakalat sa tiles na dahilan kung bakit ako nadulas.

Masama ang pagkakabagsak ko kaya naman sumasakit ang balakang ko ngayon. Pero mas masakit isipin ang nangyari sa first meet up ko sa aking true love. Hindi ko matanggap.

Halo halong emotions na ang nararamdaman ko kasi napahiya na ako sa harap ng maraming tao at sa harap ng aking true love. </3 Nahihilo. Nasasaktan. Naiiyak na ako sa mga nangyayari. Sinubukan na nila akong akayin patayo at iaalis sa eksenang hinding hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Inakay na ‘ko ng aking bestfriend at umalis.

* * *

“Bwiset! Bwiset talaga!”

“Kalma dude! Ano ka ba babae yun. Chill lang. Hahaha..”

“Alam mo dude kahapon pa yun e. Kahapon pa sa Jeep! Kainis!”

* * *

“Oh ano friend? Okay ka lang ba? Syempre hindi. Tara uwi na tayo.” Aya saken ng bestfriend kong nag-aalala. “Ikaw kasi e, sabi ko sayo wait lang baka ka madulas. Hindi mo naman ako pinakinggan. Ayan tuloy.”

“Mamaya mo na ako sermonan. Uwi na tayo..” naiiyak kong sabi.

“Hay naku friend. Marami kang ikekwento saken mamaya. Makikiovernight muna ako sa inyo. Aryt? Aryt.”’

*end of flashback*

. . . 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jeepney ChroniclesWhere stories live. Discover now