Chapter 1

76 1 0
                                    

September 19, 2014

 

“Hoy friend! Ano? Tulaley ka na naman. Is there any problema ba?”

Nagising ako sa pagde-Daydream ko, Nagising mula sa pagpapantasya ng aking True Love. Epal naman kasi ng bestfriend kong ‘to. Kung kelan nai-imagine ko na malapit na kaming magkiss, atsaka umariba ang pagka-conyo. Tch.

Andito kami ngayon sa Trinoma. Saturday Afternoon. Pahinga muna sa school works.

“Pwede ba Me-ann mamaya mo na ‘ko bulabugin. Panira ka naman ng moment e.”

“Omg. What’s the word? Bulibog? Buli—bu... bula? Bulibugan? Ano raw? I can’t even bigkas the word. Omg. Omg talaga. Ano ba kas---“

“Hay naku! Dumali na naman ‘yang pagka-conyo mo! Tuwidin ko ang dila mo e.”

“Whut?! Excuse me? There’s no problem with my dila kaya! Kaya there’s no need for you to make it tuwid. Bleh!”

Aba. Dinilaan pa ako ng gaga. “Ewan ko sa’yo friend.”

“If I know, nakakita ka na naman ng guy sa jeep na pinagpapantasyahan mo. Am I right friend? Yung guy na iniisip mo na true love mo.” sabay smirk.

Nagpatuloy kami sa pag-iikot sa loob ng trinoma.

As usual. Kilalang-kilala talaga ako ng Gaga-slash-Baliw-slash-conyo ever kong best friend. Alam na alam ang mga gawi ko. Alam niyang matagal ko nang hinahanp ang true love ko. NBSB kasi ako you know? Kaya itong Gaga-slash-Baliw-slash-conyo ever kong bestfriend nirereto ako kung kani-kanino e wala naman akong magustuhan sa kanila. Choosy ko no? Haha. Ganun talaga. Sabi niya minsan, “Friend, ewan ko sa’yo. Napakachoosy mo. Kaya hindi ka nagkakaboyfie e. Hanapin mo sa Jeep, baka nandun. Tss” Ewan ko ba pero kahit sarcasm pagkasabi niya nun, e ginagawa ko. Tinitignan ko bawat makakatabi ko sa Jeep. Wondering isa sa kanila ang True love ko. Kaya naman nung nalaman yun ng Bestfriend ko na ginagawa ko yun sa Jeep, tinawan ako ng gaga! Kaloka. Kaya hanggang ngayon inaasar niya ako. Tss. Masyado raw akong desperada. Sabi ko naman, Hende nemen mesyede. Buti nga ngayon, ‘di na ako masyadong choosy e. Haha.

So ayun nga, MATAGAL KO NANG HINAHANAP ANG AKING TRUE LOVE! JUSKO PARANG AWA NYO NA! HAHAHAHA. Ayokong tumanda mag-isa pls. Pero teka, hinahanap nga ba un? Hmm. Sa tingin nyo?

Lakad kami ng lakad dito sa mall. Walang specific na mapuntahan. Puno kasi ngayon e.

Hayyyyy true love asan ka na ba? Kelangan nga ba kitang hanapin?

Kasi para saken. Ganito yun..

Sabi nila, ‘Wag daw nating hanapin yung true love, kasi kusang dumarating yun. Maghintay ka lang. :) Tama?

Pero sa case ko, litsi! Namuti na mga mata ko sa kahihintay. Wala pa rin!

Yung crush na crush ko nung High school, hinintay ko sya dahil alam ko mutual ang feelings naming pero anyare? Naagaw siya saken!!! Walangya. Hay naku move-on na. Past is past.

So for me is, sa generation natin ngayon, paghindi ka lumandi, wala kang lovelife. Hahaha JOKE. Hindi ko sinasabing malandi ako ah. Pramis! E kasi---

Jeepney ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon