17

9.3K 181 7
                                    

CHAPTER 17

PHOEBE'S POV

HINDI KO na namalayan ang oras. Basta ang alam ko lang ay nag-eenjoy ako nang sobra habang kakulitan si Andrei. Who would have thought na masaya pa lang mag-foodtrip? I've never experienced it before. Strict masyado ang ama ko dahil nga sa kondisyon ko at mas lumala iyon nang mawala si Mom. He would always ask me kung na saan ako at nagpa-panic siya agad kapag madilim na at wala pa ako sa bahay.

"Tara, kwek-kwek naman tayo." Aya nito tyaka hinila na naman ako. Madilim na pero parang walang kapaguran ang isang ito. Halos lahat ata ng stall ay napuntahan na namin at nakainan. Ang saya pa dahil libre niya ang lahat.

Nang makita ko ang kwek-kwek na sinasabi niya ay parang bigla akong nag-alangan. Ang weird kasi nitong tignan dahil kulay orange at bilog siya pero nang makita kong kumuha si Andrei tyaka isinawsaw sa suka at agad na sinubo nang buo ay kumuha na rin ako at sinubukang lasahan. Infairness, masarap.

"Hindi ko naisip na kumakain ka pala ng mga street foods." Narinig kong kumento nito kaya tinignan ko siya tyaka nilunok ang nasa bibig ko bago sumagot, "Hindi ko rin naisip na makakakain ako ng street foods." Tugon ko tyaka tumawa at muling kumuha ng kwek-kwek upang ilagay sa transparent cup ko.

"Iyan ang mahirap kapag rich kid ka. You often miss the fun." Tudyo nito tyaka tumuhog na naman ng kwek-kwek.

Inirapan ko na lang ito at hindi na nag-kumento pa. Ayoko nang i-kwento kung bakit hindi ako kumakain ng street foods. Ayokong kaawaan tyaka kung makasabi naman ito ng 'Iyan ang hirap kapag rich kid' parang siya ay hindi mayaman.

Tumuhog na lang ulit ako tyaka isinawsaw sa kulay brown na sawsawan na alam kong matamis ang lasa dahil iyon din ang sawsawan ko sa fishball na isa ding nilait-lait ko muna kanina bago ko kainin.

Habang ngumunguya ay hinawakan ni Andrei ang baba ko tyaka pinaharap sa kaniya bago punasan ang gilid ng labi ko dahilan para mapatigil ako sa pag-nguya. Nang maalis ang sauce ay matamis itong ngumiti sa akin bago kumain na naman habang ako ay nanatiling nakatulala at nag-iinit ang mukha. I can feel my heart beating so fast dahil sa gesture nito. That was the first time someone did that for me at hindi ko alam kung paano mag-react.

Narinig ko pa ang tili ng mga kabataan sa gilid namin na mukhang kanina pa kami pinapanood at may narinig pa akong nagkumento ng "sweet" at "bagay sila" dahilan para mas lalong mag-init ang mukha ko.

Nang mapansin ni Andrei ang namumula kong pisngi ay bigla na lang itong natawa nang malakas tyaka hinawakan ang likod ng ulo ko para hilahin palapit sa kaniya dahilan para mapayakap ako sa binata at naramdaman ko na lang ang paghalik nito sa akin sa tuktok ng ulo kaya mas narinig ko ang tilian sa gilid at pupusta ako na may nagvi-video na sa amin.

"Keep the change na lang, kuya. Nahihiya na girlfriend ko eh. Salamat po." Narinig kong sinabi ni Andrei bago ako hilahin palayo sa lugar na iyon.

Nang tahimik na ang paligid at pinakawalan na ng damuho ang ulo ko ay agad ko siyang tinignan nang masama tyaka ko sinapak ang braso nito na agad namang ikinadaing ng binata.

"Napakabayolente mo." Reklamo nito tyaka umakbay sa akin tyaka ginulo ang buhok ko kaya inis kong inilayo ang kamay nito sa ulo ko. Namumuro na 'tong Andrei na 'to ah!

"Gago, anong girlfriend? May asawa ako, hoy! Di kita type, 'no." Reklamo ko na tinawanan lang ng binata. Mukhang tuwang-tuwa pa na nabanas ako.

Sisinghalan ko pa dapat ito nang maramdaman kong biglang pagsikip ng dibdib ko kasabay ng kakulangan sa hangin dahilan para hindi ako makahinga. Pinilit kong huminga nang malalim para makasagap ng hangin pero mas lalo lamang sumikip ang paghinga ko dahilan para umikot ang paningin ko.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon