Unang-una, para po sa mga nagtatanong kung ano ang korido, ito ay parang isang tula na naglalaman ng walong pantig (syllable) sa bawat taludtod (verse/line) then may apat na taludtod sa isang taludturan (stanza).
-
Irog
Ni LEIdywithclass
Oh aking mahal na irog,
Kung alam mo lamang sana.
Aking lihim na pag-sinta,
Na 'sing haba pa ng ilog.
Sa tuwing nakikita ka,
Pawi mga nadarama.
Pighati at lungkot ay, na-
Napapalitan ng saya.
Ikaw ang inspirasyon ko,
Araw at gabi sa mundo.
Nag-iisang ngiti lamang,
Ako'y himatay na naman.
Ewan ko lang kung bakit ba,
Sa daming tao'y ikaw pa.
Tinitibok ng pusong -al,
Na sawi sa pagmamahal.
Kahit na meron ng iba,
Sa puso mo-- ito'y siya.
Ako'y umaasa paring,
Na mapapansin mo hirang.
Kung sakaling maging tayo,
Mamahalin kitang buo.
Hinding-hindi ka sasaktan,
Tanging mapapatunayan.
-Lei♡
CZYTASZ
LEIdywithclass' Compilation Of One Shot Works
PoezjaThis is not a story. Instead- quotes, poems, corridos(korido) and some spoken poetry in general. Meaning, there's about LOVE, FAMILY, FRIENDS, etc. Disclaimer: This is a work of fiction. All quotes, poems and others written here were only made by wr...
