Kabanata ¦ 4 El amor está formado por el tiempo.

7 0 0
                                    

Ika-apat na kabanata:

Ang pagmamahal na hinubog ng panahon.
------------------------

Mga bata pa lamang kami madalas nang mapag-usapan ang tungkol sa magiging buhay namin ni Julian sa darating na panahon. Madalas na napagpapareha kami dahil sa pagiging malapit  naming sa isa't isa.

" Si Feliza at Julian ay tila ba sanggol pa lang ay itinadhana na sa isa't isa, hindi malayo sa darating na panahon sila rin ang magkatuluyan." Saad  ng kaibigan ni Donya Trinidad habang pinagmamasdan ang dalawang bata na masayang naglalaro sa bakuran.

Napangiti lang si Donya Trinidad sa nasabi ng kaibigan.

"Siguro nga, di malayong mangyari. hindi ba,  Señora Trining?." Dugtong ni Donya Elisa.

"naku~ baka masyado pang maaga para sabihin yan." Singit ng ina ni marie. Binuka ang abanico na napupunan ng makulay na dikorasyon na mamahaling bato.

"Señora, hindi mo pa ba iyan nakikita, yan ang sinasabing tandhana-- tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa at tadhana na rin ang huhubog sa kanilang mga damdamin." Saad pa ng isang kaibigan na napapangiti habang nakamasid sa dalawang bata.

" Tignan mo, kung gaano nagkakasundo ang dalawang bata." Tinupi ang abanico at tinuro sa dalawang bata na masayang naglalaro.

"tadhana- tadhana na ang naglapit sa isa't isa, tadhana na rin ang huhubog sa damdamin." Mga salita na madalas kong marinig sa kanila sa tuwing nagkakatipon ang mga Donya at Señora.

Lumipas ang mga taon,mga buwan at mga araw. Sumapit na ang panahon ng aming pagbibinata at pagdadalaga. Gayoon din ang pagkakaibigan namin ni Julian ay lumalim.
Ako'y katorse anyos at siya'y kinse anyos. Sa ganoong edad ay may roong namumuong pag-ibig sa aking puso na hinubog ng panahong lumipas. Ang pag-ibig na hinubog sa kanyang pagiging maginoon sa akin. Pag-ibig na hinubog ng malalim na pagkakaibigan.
Ang pag-ibig na nabuo sa puso ko ay nanatiling nakakubli sa aking mga mata dahil umaasa ang aking damdamin na mayroon ding nabuong pag-ibig sa kanyang puso na para sa akin.
Kaya ako ay naghintay na naghintay sa pagdati ng tamang panahon para sa pag-suyo at pag-alay ng aming nararamdaman sa isa't isa.Hanggang sa maganap ang isang malaking okasyon sa tahanan ng Gobernador Heneral ng San Sebastian dito sa probinsya ng albay.

Doon sa okasyon ay naimbitahang dumalo ang mga politiko, mayayamang negosyante at ang mga pare mula sa iba't ibang bayan.
Mula sa karapit na bayan, ang santa Elena, dumalo ang isang mayamang kapitan kasama ang asawa nito at ang tatlong anak.

"Buenas noches, amigo, Labis kong kinagagalak na makita ka muli, Gobernador Heneral." Nakangiting pagpuri ni Kipitan Hidalgo.

" Ako rin naman ay nagagalak sa inyong presensya." Gayon din ang sambit ng Gobernador Heneral.

Mula sa Likurang bahagi ng kapitan lamapit ang may bahay niyang si Señora Solidad at ang kanyang tatlong anak. " Gobernador Heneral, siya nga pala ang aking esposa. " pakilala nito, humawak naman sa bisig ng kapitan ang Señora.

"Buenas Noche, Señor ."  bati ng Señora . Hinalikan naman ng Gobernador Heneral ang kamay nito.

"Buenas Noche."

" at ito naman ang tatlong kong anak , na si Juan ang aking panganay (Disesyete anyos), si Sinang (katorse anyos) at Eliana (dose anyos)." Pagpapakilala nito ng mga anak sa Gobernador Heneral.

Naiwan naman sa pangangalaga ng kasambahay ang  bunsong kapatid nila na si Juanito tatlong taong gulang.

Nagbigay galang naman ang mga anak nito sa Gobernador Heneral.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Historia de AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon