Chapter 71: The real princess

2.8K 110 3
                                    

Chapter 71: The real Princess

Ezra POV (Zenthalia)

Natapos ang seremonyang iyon na walang nakokoronahan na Reyna.

I closed my eyes for a while, I'm really back.

"Anak... s-sorry." Paulit-ulit na sinasabi ng Reyna — ang nanay ko.

"It's not your fault..." sabi ko at ngumiti.

Nandito kami ngayon sa kwarto nila. Halatang magarang-magara. Napakaganda. Nandito rin ang painting ng Hari at Reyna at ako... noong ipinanganak ako.

"I missed you, daughter." It's Papa. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Can you give us a day para makapag bonding tayo?" Tanong ni Mama, kita ko sa mga mata niya ang saya.

"Opo naman."

"Salamat anak..." Nginitian ko lang si Papa, "Kung gano'n, ipapasundo na kita na't mapuntahan mo ang silid mong matagal na naming nireserba para sa'yo."

"Sige po..."

May pumasok na isang babae at may suot ito na parang luma pero magandang damit na para ata sa katulong.

"Ihahatid ko na po ang mahal na Prinsesa Zenthalia, Reyna Zereya at Haring Kyzho." Sabi niya at yumuko. Nag nod si Papa, nginitian pa nila akong dalawa bago ako tuluyang lumabas.

I'm happy because I already met my real parents. No, I've met them before already. I'm happy because I met them again and now they acknowledge me as their daughter.

Huminto kami sa isang malaking pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob hanggang sa nakita ko ang kabuuan ng kwarto. May isang painting dito... ako nung baby pa ako.

Puno ng mamahaling bagay tyaka mga antique. Pumasok ako sa loob at kita ko ang buwan sa veranda dito. Nililipad ng hangin ang kurtina na halatang araw-araw pinapalitan.

Nag-ikot-ikot ako at naupo na sa kama ko.

Hindi ko naman agad napansin na nandito pa pala 'yung katulong. Tinignan ko lang siya kaya medyo nahiya siya at yumuko.

"Kamahalan, mayroon pa po ba kayong kailangan?" Tanong nito.

"Matagal na ba 'tong kwartong 'to?" Tanong ko.

"Napakatagal na po. Araw-araw pinapalinisan at hindi nila hinahayaang may makapasok dito na kung sino-sino. Kahit 'yung huwad na Thalia ay hindi pa nakakapasok dito." Sagot niya, "Masaya po ako at nakabalik ka na po. Matagal na rin po kasing nauulila sa anak ang Hari at Reyna, eh. Kahit ako naaawa na din minsan. Kaya hindi ko na lang mawari kung gaano sila kasaya ngayon dahil nandito ka na, kamahalan."

Napangiti ako, "Wala na akong kailangan, salamat."

"Sige po. Aalis na ako. Ipatawag niyo na lang po ako kapag mayroon kayong kailangan," nakangiting anito at yumuko bago paatras na lumabas ng pinto.

Humiga ako sa kama. Napakalambot at napakabango. Napatitig lang ako sa itaas.

Ang dami nang nangyari. At sa pagbalik ko sa Academy, hindi na ako si Ezra... kundi si Zenthalia na.

Napaluha ako at ngumiti.

"Ito na ang huling gabing iiyak ako, dahil sa susunod na araw... magiging matatag ako. Magiging matatag ako para sa buong Magical World." Pagkasabi ko niyan ay ipinikit ko na ang aking mga mata. Nakita ko ang ngiti ni Goddess Merliyah at iba pang Diyos at Diyosa.

***

Pagkagising ko ay may mga damit na akong susuotin na nakahanda sa walk-in-closet dito. It's a gown with a tiara na may seven gems which symbolizes different elements.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now