Umikot pa ako ng kaunti sa paligid pero hindi ko siya makita dahil medyo madilim pa sa loob ng bar. Maaga pa kasi tyaka kakaunti pa lang ang tao.

Maya-maya may lumapit sakin na isang lalake.

"Hi Mam? Kayo po ba si Sam?"

Tanong niya. Sinuri ko muna siyang mabuti bago sumagot. Mukha naman siyang matino at saka base sa suot niya, mukhang nagta-trabaho siya sa lugar na 'to.

Tumango lang ako sa kanya.

"Sumunod po kayo sakin."

Naglakad si Kuya papasok sa isang pinto kaya sumunod ako sa kanya.

Pagpasok ko, laking gulat ko sa nakita ko. Tipong napahinto talaga ako sa pinto. O____O

Pakiramdam ko mali ang napasukan ko.

..

..

WEW~ //(_ _)//

Am I already in HEAVEN?!??

..

Ang usok ng paligid.

The air was literally filled up with clouds..

Or should I say..

SMOKE.

And duh?!

Papatayin ba ako ng mga tao na 'to sa mga usok na binubuga nila?!

Kahit saan ako lumingon, may mga nanininigarilyo.

Yung tipong mapapaisip ka na----Wow ha? May bonding ground pala ang mga Kapre at sabay-sabay silang magbubugahan ng mga usok galing sa mga sigarilyo nila.

Samahan mo pa ng mga bote-boteng alak at mga babaeng akala mo panty lang ang suot sa ikli ng mga shorts nila. Micro Mini talaga sa ikli, mahihiya ang telang lumapit sa suot nila.

Iginala ko na naman ang tingin ko para hanapin si Chase. Bakit ba kasi niya ako dinala ng lalaki na yun sa lugar na 'to?

Naglakad pa ako sa kung saan pero hindi na kayang mag-cope ng BAGA ko sa usok na naamoy ko. Pakiramdam ko in any minute bibigay ang BAGA ko at mag-isang lalabas sa loob ng katawan ko para lumayo sa lugar na 'to.

May nakita akong isang pinto and I make my way inside that door.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now