Malakas na tumatama ang malamig na hangin sa aking katawan. Sa malawak na daan ng mga sasakyan, sa malawak na espasyo ng aking tinatayuang hintayan, pinagmamasdan ko ang mga matutulin na nagdadaanang mga sasakyan sa aking harapan. Ang mainit na sinag ng araw ay tumatama sa aking balat. Pinakiramdaman ko ang init ng sinag ng araw at lamig ng simoy ng hangin kasabay ng bigat na nararamdaman ko sa dibdib, kirot na hindi ko alam kung pano mawawala.
Pinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga. Napakasakit. Muli akong dumilat at pinagmasdang muli ang nagsisidaanang mga kotseng nagmamadali sa pagtakbo mula sa paglagpas ng intersection. Ramdam ko sa aking buong katawan na gusto kong maglakad at pumunta sa gitna ng daan, magpasagasa upang tuluyang di na maramdaman ang sakit sa aking dibdib, sakit sa buo kong pagkatao.
Itinapat ko ang kamay ko sa aking dibdib, bahagyang kinalmot ang balat ko na madalas kong gawin kapag nararamdaman 'yon, at bumuntong hininga.
"I want to leave."
Lumipas ang ilang araw at buwan, lalong lumalala ang pakiramdam kong ito. Sinasaktan ko pa lalo ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsugat sa aking balat, pagsuntok sa dibdib, pag sabunot sa sarili at pagkalmot sa aking balat. Pakiramdam ko wala akong malapitan, walang makausap, walang mahingan ng tulong, walang gustong making, pakiramdam ko pabigat lang ako kaya di na ko minsan humihingi ng tulong sa kanila, sa kanya. At pakiramdam ko wala na akong pag-asa sa buhay na umayos pa 'to. Masyado na kong sirang sira. Masyado na kong nawawala. Hindi ko na alam ang gagawin at paano mahahanap ang lugar ko. Naliligaw na ko at gusto nang tumakas.
Dumadalas ang pag-iisip ko ng pagpapatiwakal. Pag-overdose sa sarili, pagsaksak sa sarili at pagsabit ng sarili sa lubid. Kasi pakiramdam ko wala namang may pake. Wala na kong pake minsan sa mga bagay bagay dahil wala na rin naman akong gana. Tulad ng pagshashare ng quotes about depression, anxiety and more. Para namang may pake sila. Ang alam naman ng lahat eh ang manghusga. Wala naman silang maitutulong, wala naman silang magagawang maganda. Mga pabigat lang sila sa mundo.
Meron akong isang kaibigan, isang babaeng kaibigan na hindi ko inaasahang magkakaroon ako. Kaibigan na nais kong magkaroon noon pa man na di inaasahang magkakaroon ako ngayon.
Ang pag-aaruga, pagtulong, pakikinig, ang palaging nandyan sa tabi ko, ang mabilis niyang pagpansin na may mali sakin tuwing hindi ako maayos at ang pananatili niya sa tabi ko kahit tinataboy ko na siya. Yung hindi niya pagliban sa tabi ko kapag kailangan ko siya. Yung mararamdaman niya agad na hindi ako ayos at mananatili siya sa tabi ko hangga't sa maging maayos ako. Yung palagi niyang pagsabi sakin na mahal niya ko, na mahal nila ako at di nila ako iiwan. Na kahit wala siyang masabi, palagi siyang nandyan, nakikinig sakin, inuunawa ako, at di iniiwan, di ako sinusukuan.
