Chapter 3

5.8K 145 6
                                    

Chapter 3

(CARE POV)

"Good job Michaela. You should do better next time. By the way, this is for you." sabi ko kay Michaela habang iniaabot sa kanya ang isang envelope habang papalabas na kami ng building.

"Ano yan?" tanong niya sakin.

"Money. Sabihin mo lang kung kulang pa yang kabayaran sa ginawa mo. Don't be hesitated, just name your price," sabi ko. She suddenly looks irritated.

"Hindi ko tinatanggap yan." Sabi nya habang nakasimangot.

"What?" tanong ko pero hindi sya nagsasalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Wait. Ayokong magkaroon ng utang na loob."

"Psh. Ewan ko sayo." Naglakad na sya papalayo sakin.

"Hey," hinabol ko sya. "You know what, I can't understand you. Ano bang problema?"

"Kailangan mo pa ba akong bayaran? Hindi ba pwedeng mag 'thank you' ka na lang?" sabi nya.

Napabuntong hininga ako. "Hindi mo ba ako narinig? Ayoko ng may utang na loob. You know what, just take this ok," sabi ko habang inaabot ko sa kanya ang pera. Ayaw nya pa ring kunin.

"Tss. Akala ko pa naman, close na tayo," bulong nya. Sa halip na sumakay sya ng kotse ay naglakad pa sya papalayo.

"Teka. San ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Magpapahangin."

"Wait. Kailangan na nating umuwi. May kailangan pa akong asikasuhin."

"Ayoko. Umuna ka na lang." sabi nya.

"What? Seriously? Bakit, alam mo ba ang daan pauwi satin?" tanong ko sa kanya. Nakatalikod lang sya at mukhang masama ang loob.

"Hindi..."

"Ayun naman pala eh."

Nilingon na nya ako. "Pwede bang wag muna tayong umuwi? Ipasyal mo muna ako. Yun na lang ang bayad mo sakin." Sabi nya.

"Tss." Nag-isip muna ako bago pumayag. "Sige. San mo ba gustong pumunta?"

"Pano po ba ko makakapaglaro rito?" excited na tanong ni Michaela sa counter. Andito kami ngayon sa isang mall malapit sa company. Napadaan kami rito sa Gaming Area at gusto nyang maglaro. I can't believe this. Never in my life did I think na papasok ako sa ganitong klaseng lugar.

"Miss, kelangan nyo pong bumili ng tokens para makapaglaro dito. May pera po ba kayo?" tanong ng isang lalake roon.

"Ha? Ganun ba? Sayang naman, wala akong pera eh." Malungkot nyang sambit. Lumapit na ako sa counter at kinausap ang lalaki.

"How much?" tanong ko sa kanya.

"10 pesos per token," sagot ng lalaki.

"Here." Nagbayad ako ng 1000. Sheesh, hindi ko akalain na papatulan ko ang trip ng babaeng 'to. Ano ba sya, bata?

"Thank you sir. Here are your tokens. 100 po lahat yan."

"Ok na ba?" tanong ko kay Michaela.

"Wow akin na hehe..." masaya nyang kinuha sakin yung tokens. Weird girl. Kung saan-saan na siya nagpunta: sa iba't-ibang arcade games, sa dance revo, sa basketball, etc..

"Care, laban tayo ng air hockey." She invited me.

"Don't wanna. Maghanap ka na lang ng ibang kalaro," sabi ko habang nakatingin sa relo ko. Anong oras kaya kami makakauwi neto?

My Girlfriend is an Alien (BOOK 1 COMPLETE)Where stories live. Discover now