Prologue

13.8K 294 26
                                    

(PRINCESS MICHAELA POV)

"Bilis, prinsesa! Takbo!" sigaw sakin ni Prinsipe Zander habang hinaharangan n'ya ang ilang mga kawal sa pagtakas ko sa palasyo. Ito ang gabi ng aking kaarawan pero sinamantala ko ang pagkakataong ito para makatakas at makaalis ng planeta.

Kanina lamang ay isang masaya at magarbong gabi ang pagdiriwang na naganap sa Kaharian ng Beafect. Isa itong pagdiriwang para sa ika-labing anim na taon kong kaarawan. Pero nagkakagulo na ngayon sa kaharian dahil sa paghahabol nila sa'kin. Umaalingawngaw sa buong kaharian ang tunog ng sirena dahil sa pagtakas ko. Pagod na pagod na ako sa pagtakbo, nakasuot pa man din ako ng napakahaba at mabigat na birthday gown at nakapaa pa ako dahil sa taas ng takong ko kanina. Kung saan-saang corridor pa ako nakasuot dahil ang higpit talaga ng security dito sa loob. Hindi talaga ako makakatakas dito kung hindi ako tutulungan ni Zander.

"Habulin ang prinsesa! Isara ang lahat ng tarangkahan!"

Malapit na akong makalabas. Nakikita ko na ang pinto. Agad akong nagpunta sa gubat kung saan itinago ni Zander yung spaceship na sasakyan ko para tuluyang makaalis.


"Ayun! Nando'n ang prinsesa! Bilis habulin nyo!" nakita ako ng ilang kawal na tumatakbo sa gubat kaya sinundan nila ako

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

"Ayun! Nando'n ang prinsesa! Bilis habulin nyo!" nakita ako ng ilang kawal na tumatakbo sa gubat kaya sinundan nila ako. Naiiyak na ako sa pagod. Hingal na hingal na ako pero kailangan ko pa ring bilisan ang pagtakbo!

Nang medyo makalayo na ako ay nagtago ako sa isang halamanan at kinuha ang device na binigay sakin ni Zander. Isa itong invisibility device kung saan pwede mong ikubli ang spaceship para hindi ito mapansin ng ibang tao. In-activate ko na ito para mapalabas ang spaceship ko. Maliit lang ang spaceship, pang-isahang tao lang. Nang lumabas na ang spaceship ay agad akong pumasok sa loob at pinaandar ito. Nagsimula na itong lumiwanag kaya nakuha agad nito ang atensyon ng mga kawal.

"Ang prinsesa! Baka makatakas! Pigilan n'yo dali!" Nagsitakbuhan na sila papunta sakin. Buti na lang at napaandar ko agad ang spaceship at nagsimula na itong umangat sa lupa. Wala silang nagawa kundi tanawin ako mula sa baba. Para akong nabunutan ng tinik. Napasandal ako sa kinauupuan ko at nakapagpahinga.

Sa wakas, makakalaya na ako. Malaya sa lahat ng problema, sa lahat ng gulo, at sa buhay na hindi ko naman ginustong kalagyan ko. Paalam, Beafect.

Naka-auto pilot ang spaceship na ito. Isinet namin ito ni Zander para makarating ako ng ligtas sa pupuntahan kong Planeta. Ang planeta kung saan magkakaroon ako ng panibagong buhay. Kung saan magagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin. Kung saan mahahanap ko ang tunay kong pag-ibig.

Ang Planet Earth.


PLANET EARTH

August 25, 2017

02:00 A.M

(CARE POV)

May narinig akong isang sobrang lakas na dagundong sa labas ng bahay. Nayanig nga yung lupa sa sobrang lakas eh.

"Huh?! Ano yun?!" Napapiglas ako sa kama. Parang may nag-crash. Ang lakas kasi ng impact sa lupa. Parang yung napapanood ko sa movies sa tuwing may bumabagsak na eroplano o UFO sa lupa. Teka...ibig sabihin ba nito...may nag-crash na eroplano somewhere here?! Tumayo ako at dali-daling sumilip sa bintana. Bale nandun ako sa third floor ng bahay kung saan makikita mo kung anong meron sa labas kahit malayo. May nakita akong nasusunog. Ang laki ng usok sa buong lugar. Siguro mga 200 meters away ang layo nito mula sa gate ng mansion namin. Our mansion is located inside a remote area. Our family owns this land. Puro puno, bundok at halaman lang ang mga makikita mo dito dahil bahay lang naman namin ang nakatayo. Dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay ng kotse.

When I reached the place, bumaba na agad ako ng kotse dahil nagulat ako sa nakita ko. What in the world..?

"Teka...totoo ba tong nakikita ko...?" sabi ko habang napapaubo sa sobrang dami ng usok. I'm seeing a spaceship in front of me. I haven't seen one before pero alam kong spaceship ang isang ito dahil napaka-peculiar ng design. Pabilog sya, hindi kagaya ng shape ng isang airplane o helicopter. Hindi sya ganung kalaki, isang tao lang ang pwedeng sumakay rito. Nagcrash ito at nasusunog na. Medyo lumayo ako dahil baka ma-suffocate ako sa usok. But as I watch carefully, parang may nakikita akong naglalakad palabas ng spaceship. Tiningnan ko pang mabuti.

Meron nga...

Meron nga!

Is that an alien?! No. I don't think so. Mukha syang tao. She looks like a woman dahil sa shape ng katawan nya. Baka naman isa lang syang space traveler na kagagaling lang sa isang expidition. Pero bakit sya naka-gown?! It's so weird. Nakasuot sya ng isang plain white long gown na sleeveless at fit sa bandang taas kaya nababakat ang slim nyang katawan, tapos loose na pababa. Nasa five feet lang ang tangkad nya, mahaba at kulay itim ang buhok na umaabot sa likod. Mukhang hinang-hina na sya at kailangan nya ng tulong.

"W-who are you..?" I stammered while I unbelievably stared at her. Naglakad lang sya palapit sa akin. Nakatayo ako sa harapan nya malapit sa kotse ko habang natutulala nang biglang nagliwanag ang mga kamay nya.

This is so impossible. This girl is out of this world. I'm sure about it.

"Hilfeo miro..." sabi nya habang naglalakad sya papunta sakin. (Help me)

"What..?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nya. Pagkatapos noon, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinaglapit ang mga noo namin. Biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag kaya napapikit ako.

"Care Williams..." nagsalita na naman sya.

"Teka. Paano mo'ko nakilala? Sino ka ba?" nagugulat at naguguluhang tanong ko sa kanya. Minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko ang mga mata nyang nakatingin ng diretsyo sakin. Kulay asul ang mata nya. Ang puti ng mukha nya at nangingislap ito. Mayamaya, bigla na lang syang nawalan ng malay. Buti na lang nasambot ko sya agad bago sya mahulog sa lupa.



Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.


My Girlfriend is an Alien (BOOK 1 COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat