Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2

Start from the beginning
                                    

Bakit ganun nalang siya kung magulat?

"Oh bakit gulat na gulat ka." nagtatakang tanong ni Stacey. "Di ka ba masaya na nandito na ulit ako Eson." malungkot na tanong pa ni Stacey.

Kaya agad siyang niyakap ni Jameson.

"Sorry na bal nagulat lang talaga ko." paglalambing ni Jameson kay Stacey.

"Hindi ayoko. Bahala ka diyan. Maligayang pasko nalang guys." sabi ni Stacey tsaka kumalas sa yakap ni Jameson at dali-daling umalis.

"Andito na pala si Stacey so saan punta nun." nagtatakang tanong ni Jarret na kadarating lang.

Sabay-sabay nilang binalingan ng tingin si Jameson maliban sakin. Bahala sila diyan kakain nalang ako dito.

"Bakit kasi ganun nalang reaksyon mo ng makita mo si Stacey." nakakunot noong tanong ni Serena.

"At tsaka saan ka ba galing? Maghapon kang wala." tanong din ni Miguel.

"Wag niyo na alamin. Tulungan niyo nalang ako makipag-ayos kay Stacey please." nagmamakaawang sambit ni Jameson.

"Matapos mong ganunin iba ka pre lakas apogs mo." sabat ko sa usapan nila tsaka kumain ulit at di na sila pinansin.

"Tama si Criszette." pagsang-ayon ni Coleen sakin.

Tsk di ko kailangan ng simpatya mo. Nagpapakatotoo lang ako.

'Criszette'

Napalingon ako sa tumawag sakin sa isip at guess what si Kuya lang naman. At ang sama ng tingin niya sakin ngayon.

'Inaano kita diyan'

Nakita konalang siyang napailing.

"Pero guys nakikiusap ako ayokong matapos ang gabi na ito na di kami nagkakaayos ni Stacey." malungkot na sambit ni Jameson.

"Tsk tara na nga." sabi ko tsaka tumayo. "Kumuha kang gitara kalalaki mong tao di alam manuyo ng babae." dugtong ko pa tsaka lumabas ng dorm agad naman silang sumunod.

"Aanhin natin ang gitara." biglang sulpot ni Jameson sa gilid ko.

"Takte di mo ba alam ang harana." singhal ko sakanya.

Kaya napakamot siya ng ulo.

"Wala kasing ganun dito sa Normsantandia."

"Edi ibig sabihin hindi mo niligawan si Stacey dati." nanlalaking matang sulpot ni Andrea.

Nandito pala to di ko napansin.

"Ligaw ano yun?" bigla namang sabat ni Serena.

Sige magsulputan at sumabat lang kayo ng sumabat iiwan ko talaga kayo at babalik ako sa dorm.

"Mamaya na nga kayo magtanong." singhal ko sa kanila.

At iniwan na sila ulit.

Maya-maya pa ay natanaw kona si Stacey na pinapanood ang fountain sa garden.

Di talaga ko nagkamali ng hinala.

"Pero Criszette alam mo ba kung nasaan si Stacey." tanong ni Jameson sakin.

"Oo nga saan natin siya hahanapin." tanong din ni Joshua.

Pinandilatan ko sila ng mata at tsaka tinaasan ng kilay.

"Di na natin siya kailangang hanapin." biglang sabat ni Kuya tsaka tinuro ang dereksyon kung nasaan si Stacey. Na mukhang di napapansin ang presensya namin. "Dahil ayun siya. Kaya di na natin siya kailangang hanapin pa." nakangising sabi ni Kuya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now