Sa sobrang galit ko, napaiyak na ako.

"Hindi niyo alam kung ano ang hirap na dinaranas ko sa ginawa niyo! Sa bawat picture ni Keith at Aly, dinudurog nang pinong pino at tinutusok ng mga karayom ang puso ko. Dahil sa picture namin ni Zach na ipinadala niyo sa mga nasa Maynila, hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanila. Kung ano na ang iniisip nila sa akin. Kung sa pag-uwi ko ba at nagpaliwanag ako, paniniwalaan pa kaya nila ako. Hindi lang buhay ko ang sinira niyo. Pati na rin ako mismo. Ang bestfriend ko na dapat ay kasa-kasama ko, ngayon hindi ko na alam kung ano ang tingin niya sa akin. Ang mga magulang ko... hindi ko na alam kung disappointed na ba sila sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko sila magagawang ilayo sa issue na ito dahil hangga't maaari, ayokong madamay sila."

Hinihimas ni Zach ang likod ko. Nanatili akong nakatayo at hinahayaan ang mga luhang pumapatak.

"Wala naman akong ginagawang masama sa inyo para ganituhin niyo ako. Tahimik at stable na buhay lang ang hinihiling ko. Bakit pati yun, ipagkakait niyo pa sa akin?"

"Yan! Isa yan sa mga dahilan kung bakit ka kinaiinggitan ng marami. Dahil ang tibay-tibay mo. Ang hirap mong tibagin. Ang hirap mong patumbahin." Doon ko lang napansin na naiyak na pala silang dalawa. Faith remained silent. Si Layla ang nagsasalita. "High school pa lang tayo, ikaw na lagi ang mas napapansin. Ikaw ang laging nilalapitan. Kahit na wala ka namang ibang ginawa kay Keith noon kundi ang saktan siya nang pisikal, mura-murahin at supladahan siya pero kita mo, isang iyak mo lang, nandiyan na agad siya sa tabi mo. Ang ganda-ganda mo kahit na hindi naman nag-aayos ng sarili mo. Samantalang kami, kulang nalang kainin namin ang make-up namin para lang magustuhan ng iba."

Humupa ang galit sa dibdib ko. Tama siya. Kahit na ilang beses kong sinasaktan si Keith noon nang pisikal, kapag malungkot ako, kapag naiyak ako, andiyan agad siya.

Nagsalita na rin si Faith. "Ang naisip pa nga namin noon, masyado ka kasing pabida. Masyadong pahanga sa mga tao kaya ka nila hinahangaan. Naisip din namin, bakit kaya ganoon nalang kung mahalin ka ni Keith? Samantalang bukod sa pamilya namin, kaming dalawa lang ni Layla ang nagmamahal sa isa't isa. Makahanap man kami ng lalaki, hindi pa rin nagtatagal. Laging may kulang. Hanggang sa malaman namin na ikakasal na kayo na hindi man lang namin in-expect dahil akala namin hindi kayo tatagal. Napagdesisyunan naming baka sadyang para kayo sa isa't isa. At nito lang, tinawagan kami ni Grace. Kung gusto raw naming maghiganti sa inyo ni Keith. Wala naman kaming dahilan para maghiganti dahil wala naman kayong ginagawa sa aming masama."

Pinunasan ko ang luha ko.

"Pero pumayag pa rin kami dahil parehas kaming broken-hearted ni Layla. And again, hindi namin matanggap na ikaw na naman ang magiging masaya habang kami, nagdurusa. We agreed to her plan to pull you down. To make our feelings even. At ang planong naisip niya ay sirain ka sa mga mahal mo sa buhay habang pinipilit mong manahimik dito sa Lucena."

Yes, it is a lot to take in. Hindi ko inaasahan ang ganong sagot mula sa kanila. Hindi ko sila magawang sisihin dahil ako rin mismo, biktima rin ako ng selos at insecurity. But they have gone overboard.

I stood up and ran to my room.

*

Madaling-araw ng alas tres y medya nang magising ako. Nakatulog ako sa pag-iyak. Basang basa ang unan ko. Hindi ko alam kung luha ba yun o laway. Tutal, nawala na rin naman ang antok ko, napagdesisyunan kong bumaba nalang. Wala akong balak kumain. Wala akong gana.

Nasa hagdan pa ako nang makita kong bukas ang ilaw sa sala. Nang tuluyan na akong makababa, doon ko lang nalaman ang dahilan kung bakit bukas pa iyon. Nasa sala pala si Layla at Zach. Tulog sila. Nasa couch sila pero magkalayo. Hindi siguro sila umalis nung umakyat ako sa kwarto. Nakonsensya tuloy ako. Hindi nakauwi si Zach dahil sa kadramahan ko. Napilitan tuloy siyang matulog sa couch.

HF 2: His ThantophobiaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt