Chapter One

73 0 0
                                    

Walang buhay na napailing-iling nalang ako habang pinagmamasdan ang mga napabagsak kong dummy. All head shots. Mag-isa lang ako sa firing area.

Marahas na tinanggal ko ang hearing protection na suot ko pati na rin ang shooting glasses. Pagkatapos ay pumunta ako sa isang gilid kung saan may iba't ibang baril na nakasabit. Isinoli ko sa pinagkuhanan ko ang baril na ginamit ko dahil paniguradong hindi na ako papapasukin dito ni Jetro kapag iniwan ko na naman itong nakakalat.

Jetro is my friend. Siya ang may ari ng  Firing area na ito. Madalas ako rito kapag wala akong misyon. Halos dito na nga ako tumira na siyang ikinaiinis ng gagong Jetro. Ito na ang nakasanayan kong pampalipas oras. Ito ang nagpapakalma saakin kapag problemado at galit ako. I have anger management disorder. Kaya kapag galit na galit na ako ay pinipili kong manatili rito, dahil ito ang nagpapakalma saakin. Isa pa, dito ko rin nailalabas ang galit ko. Mabilis akong magalit, kapag galit ako ay galit talaga ako, wala kang ng magagawa don. Kapag nagalit din ako ng sabra ay hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili ko. Pakiramdam ko ay kusa na lamang gumagalaw ang katawan ko. At minsa'y dumating na sa point na muntik na akong makapatay ng tao.

Huminga ako ng malalim bago kinuha ang pistol na nakasabit sa pader. Naupo ako sa lamesa at pinagmasdan iyon.

Kung natuto lang sana akong gumamit ng ganito noon ay baka nasa tabi ko pa ang pamilya ko.

Kung naging matapang ako noon ay sana nakakasama ko pa sila.

Mabilis na dinukot ko sa aking bulsa ang cellphone ko ng marinig kong tumutunog ito.

"Hey, dad." Bati ko sa kabilang linya.

"Hey there, Princess." Bati naman ng daddy ko.

"How are you, Sweetie?" Rinig kong sabi naman ni Mommy.

I can't help but to smile. They are my adopted parents. Nine years old ako ng kupkupin nila ako. Seven years old naman ako ng mamatay ang mga magulang ko. Uh, yeah. Maaga akong naulila. Pero kahit ganon, itinuring nila akong tunay na anak. Tunay na kapamilya. Binigay lahat ng kailangan ko.

He's a pure Spanish while mom is a half filipino and half german. Nakatira sila sa Barcelona. I lived there before, pero muli bumalik ako sa pilipinas upang ipagpatuloy ang pag-aabogado ko. Hopefully, isa na akong abogado ngayon. Hindi ko masyadong natututukan ang pag-aabogado ko dahil may trabaho akong mas importante sa pagiging abogado. It's not illegal nor legal. Hindi alam ng parents ko ang tungkol don. It's for me  and the organization to know. A lifetime secret.

"I'm fine mom, kayo ni Dad?" Dad can speak talagalog, a little, pero nakakaintindi naman siya ng talagalog.

"We're fine, but Stephanie wants you here, in her birthday." Sagot ni mommy. Gamit ang hintuturo ko ay pinaglaruan ko ang aking ibabang labi. Nakagawian ko na iyon.

"Where is she?" I asked.

"School. Makakapunta ka ba sa birthday niya?"

I bit my lower lip, "Uhm, I-I don't know yet." Sagot ko.

"It's okay, Entiendo. But, You're sister will be so happy if you'll came." She said. Entiendo is a spanish word, means, I understand.

"I'll try mom, dad. I'll try."

"I miss you, sweetie. May kailangan pa kaming ayusin ng daddy mo, so I'll hung up now, sweetie. Cuìdate. Adìos!" Take care, goodbye.

"Adíos!" Rinig kong sabi rin ni daddy bago namatay ang tawag.

Huminga ako ng malalim at itinago na ang cellphone ko. Kinuha ko ang lether jacket ko pagkatapos ay isinuot ko ang black cap ko bago lumabas. Nang makalabas ako ay agad kong nadatnan si Jetro. All black din ang suot nito at may black na cap din.

CaptivatedWhere stories live. Discover now