10

373 16 0
                                    

3rd Person's POV


Ngayon na ang audition para sa Performing Arts Club. Ang lahat ay kabado para sa ipe-perform nila. Nakailang ulit na rin nagbuntong hininga si Flaire. Nasa labas ng studio lahat ng willing sumali sa club. Sa kabilang banda ay ang mga nasa loob ng studio. Mga leaders ng club. Nasa loob rin si Chenle, tutal member na agad si Chenle kahit hindi pa ito nag audition. Lahat ng NCT member ay member na agad ng Performing Arts Club. Grupo rin naman nila ang pinakasikat na dance group sa school nila.



"Flaire Kwon." pagtawag ni Taeyong sa susunod na performer.



Pumasok si Flaire sa loob ng studio and did her best. Lalo na at pinapanood siya ni Chenle.



Pagkatapos niya magperform ay nagbow siya sa mga leaders na nagsilbing judges sa audition. Nagpalakpakan din ang mga ito. Tumingin si Flaire kay Chenle at nakita niyang nginitian siya nito. Ngumiti rin siya pabalik.



"Thank you for your performance Flaire Kwon, okay next." sabi ni Mark na isa din sa judges.



Lumabas ng studio si Flaire ng nakangiti. Hindi niya makalimutan na nginitian siya ng crush niya. Sinalubong naman siya ng bestfriend niya.



"Kamusta ang audition?" sabi ng kaibigan niyang si Kleah.



"Beeeeeeeees~!!! Nasa loob si baby Chenle ko~ Oh my GOD! Nasa tabi siya ng mga judges!!" pagwawala ni Flaire sa harap ng kaibigan niya. Binatukan naman siya nito.



"Sira! Yung audition mo ang kinakamusta ko. Hindi ko tinanong kung sino yung nasa loob! Pero ... Sino nga pala yung judges?" sabi ni Kleah



"Hmmmm, si Kun, Mark at Taeyong. Bakit?" sagot ni Flaire.



"Wala, tinanong ko lang." sabi ni Kleah.



"Tara na nga! Tapos ka na magperform diba? Lunch na tayo?" pag-aya ni Flaire sa kaibigan niya na magtanghalian na.



Alam ni Flaire sa sarili niya na hindi siya matatanggap sa Performing Arts Club. Kaya hindi na siya mag expect na magiging member siya dito.

Safe with Me | Zhong ChenleUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum