Kabanata 3 - Truth Revealed

22 0 0
                                        

Audrey's POV

Nandito ako ngayon sa Condo at as usual syempre andito rin si Kylie, hindi ko tinetext si Jacob kase malamang busy siya sa seminar niya. At baka makulitan sakin yun, at magalit nanaman siya. Anyways 3 days na siyang wala, miss na miss ko na yun kahit di naman kami madalas nagkikita. Konting tiis na lang, apat na araw na lang mayayakap ko na ulit si Jacob. Naghahanda si Kylie ng almusal namin habang ako naman ito nakaupo sa sofa at naghihintay sa almusal, nagpumilit siyang magluto edi pagbigyan natin! Hindi na ko magugulat kung sunog nanaman yung itlog at fried rice haaay. Sanayan na lang yan tsk.


" Breakfast is ready! " sigaw niya at tuwang tuwa naman siya ako naman hindi pa tumatayo sa sofa kase naaamoy ko na yung sunog na itlog wala na kong gana hahahaha


" Halika na! " sabi niya saakin habang hinihila papunta sa dining tumayo naman ako at tiningnan ko muna yung luto niya habang siya naman nakaupo na


" Oh hindi yan sunog! It's just toasted. " sabi niya sakin at natawa naman ako napakaloka-loka kase nitong si Kylie


" Jusko Mamshie Spam na nga lang, sinunog mo pa!? " natatawang sabi ko sa kanya at inirapan niya naman ako


" Hindi mo alam yung paghihirap na dinanas ko mapagluto ka lang ng umagahan. " sabi niya saakin at umarte na parang artista


" Eh sa nagpumilit ka e, anong magagawa ko? Hahaha. Pero titikman ko nga para sayo. " sabi ko at umupo na ko kumuha ng kanin at ulam

" Walang kasing sarap mamshie! Unique walang lalaban ikaw na talaga ang Reyna ng Tostado! " pagbibiro ko sa kanya at tumawa naman siya hahahaha


" Haaay. Sa susunod order na lang ulit tayo, Hahahaha! " sabi niya sakin at nagtawanan kami pero patuloy parin naming kinakain yung luto niya sarap na sarap naman siya e HAHAHAHA!

" Alam mo ba si Stephanie nasa Hong Kong ngayon, nakakainggit nakikita niya si Minnie Mouse tsaka si Woodie! " ingit na ingit na sinabi ni Kylie saakin, si Stephanie ka schoolmate namin siya kaclose siya ni Kylie


" Nakailang balik na ko dyan sa Hong Kong dati e, masaya pag kasama mo pamilya at kaibigan mo. " sabi ko kay Kylie


" Pero there's nothing na naging memorable sakin diyan sa place na yan, basta ang naaalala ko lang dalawa lang kami ng Yaya ko yung nagpunta. Kasi busy sa work si Mom at Dad, syempre yung yaya ko naman tuwang tuwa kase nakapasyal siya. Ako naman hindi ko alam kung matutuwa ba ko, na my parents can't find time to be with me. Kahit konting oras lang, di nila nagawan ng paraan. " malungkot ko na sinabi kay Kylie pagtingin ko naman kay Kylie nakapout na siya


" Nagdrama nanaman si Mamshie, yan ata yung side-effect ng Toasted Spam ko e. HAHAHAHA " sabi niya at nagtawanan nanaman kami


" Sabi ni Stephanie bibilhan niya ko ng pasalubong, and OMG sana iuwi niya si Minnie! " sabi ni Kylie with matching hawak pa sa mukha niya


" Tanda tanda mo na, gusto mo padin si Minnie Mouse. It's just a rat! Nilagyan lang ng story. " pagtataray ko naman sa kanya at inirapan niya naman ako


" Maiba ko, asan yang Jacob mo?" Tanong niya naman saakin habang ako nanahimik na lang


" Nasa Batangas for seminar, one week siyang mawawala. " sagot ko naman sa tanong ni Kylie at tumingin siya sakin na parang mang-iintriga nanaman


" Seminar? One week, naniwala ka nanaman sa loko mong boyfriend! " sabi sakin ni Kylie at napatingin naman ako sa kanya


" About daw sa course nila e, malay mo tuturuan sila ng photography. Mahirap kayang, matutunan yun! " sabi ko sa kanya habang tuloy naman ako sa pagkain


Take a ChanceWhere stories live. Discover now