CRAI - Chapter 10

11.1K 258 1
                                    

Bigyan niyo lang ako ng time para ayusin lahat ng typo. Hindi kasi ako mahilig sa mga proofread-proofread na yan e. Hihi ^_^

And btw, nakalimutan kong i-mention dati. Si Harris ay half korean po hindi half chinese. Basahin nyo nalang kung marunong ba syang magkorean and don't worry hindi ko lalagyan ng maraming korean langguage ang story na ito. Hahaha :))

~~~~~~~

"Aya! May naghahanap sayo!"

Iidlip na sana ako nang biglang sumigaw si mama mula sa labas ng kwarto ko. Ano ba naman yan. Sino kaya'ng naghahanap sakin?! Pagod na pagod ako at kailangan kong magpahinga!

"Sino daw?"

"Hindi ko alam. Ayaw magsalita."

Baka yung rapist yan?! Nako ha ayaw nya akong patahimikin. Pero sino kaya yung naghahanap sakin? Di naman siguro si Shaye yun kasi kiala naman sya ni mama.

Bumangon ako kahit sobrang labag sa loob ko! At lumabas na'ko sa kwarto ko. Nagulat ako nang madatnan ko sa Harris. Pinapasok pa sya ni mama ah na para namang close sila!

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ko.

"Samahan mo akong magjogging."

Jogging?! Lintek di ba sya marunong tumingin sa relo nya?! Anong silbi ng mamahalin nyang relo a? 3PM na! Anong klaseng tao ba 'tong isang toh at kung magjogging ay tanghali na! Tirik na tirik pa man din ang araw!

"Alam ko namang abnormal ka pero ang abnormal mo naman masyado! Ang init sa labas!" reklamo ko.

"Magpapaitim ako, may problema ka?"

"E di magpaitim ka! Wag kang mangdamay!"

kahit naman mahirap lang ako e maganda naman ang kutis ko noh. Syempre dahil hindi ako lumalabas ng bahay kasi ayaw naman akong palabasin ni mama kaya ayun, maputi ako.

So yun nga, sya nalang magjogging ng 3PM at magpaitim hanggang gusto nya. Tuta sobrang puti nya naman e bagay lang sa kanya ang ganyang activity!

"baka nakakalimutan mong alipin kita?"

Aba ha?!

"Baka nakakalimutan mong sa Warsson lang yun."

"Binago ko na. May angla ka?!" hindi naman ako nakaimik. Leche talaga. "Baka gusto mong isumbong kita sa mama mo? Sasabihin kong maeexpel ka. Gusto mo?"

"Magkakalagnat ako!"

"Wala akong pake! Magbihis ka na. Ang arte mo." Grabe namang bisita toh! Nakakainis! Ang kapal ng mukhang utusan ang may-ari ng bahay!

"Bilis na!" utos nya.

"Oo na!"

Nagbihis naman ako. Jogging pants lang at long-sleeved shity. Tapos yung lumang sapatos ko. Walang pambili e, magtyaga. Ano kaya nakain ni Harris at magjajogging sya sa oras na ito?!

NANDAMAY PA TALAGA SYA! NAKAKAINIS TALAGA!

"Ready na'ko." sabi ko.

"Baka nakawin kotse ko, ipasok nalang natin sa bahay nyo," sabi ni Harris.

"Gago ka talaga e noh?! HINDI KAKASYA!!"

Nakikita nya nang maliit ang bahay namin at walang garahe e magsasuggest pa syang ipasok ang sasakyan nya sa loob?! Sa'n nya ilalagay yan? Sa sala namin?! Aba gago.

"Sa laki ng kotse mo nanakawin pa yan?!"

"HINDI MO BA ALAM NA CARNAPPING EXISTS?!"

Campus Royalties and I ✔Where stories live. Discover now