CHAPTER 3 "PAINFULL"

5 0 0
                                    

Shane Hermosa P.O.V
Iniaayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa pag alis ko. At nag muni muni tinignan ko ang buong bahay habang umiiyak Pero sinabi ko sa sarili ko na
"SHANE MAGPAKAKATAG KA!KAYA MO YAN!SARILI MO NA LANG ANG AASAHAN MO."

Dan Cruz P.O.V
Nag luto ako ng Favorite ng gff ko na adobo dadalhin ko sa kanya mamaya pag punta ko don.pag katapos kong mag luto naligo na ako kaagad at pumili ng isang pang pormahang damit na alam kong matutuwa si gff ko kasi kahit minsan di nya pa ako nakitang pomorma ng ganto.pag kabihis ko nag pabango na ako agad at bumaba para ayusin na ang dadalhin kong adobo.
"Anak san lakad mo mukhang bihis na bihis ka ata?"Pag tatakang tanong ni mommy.
"Ee mommy kila Shane po."
"Kila shane ? tignan mo nga yang suot mo kila shane ka lang pala pupunta mukhang mag aaply ka ng trabaho sa opisina naka toxedo ka pa,ANAK ? WAG MONG SABIHING?."
napangiti na lang ako kay mommy sa tanong nya at pumunta na ako agad sa kitchen para maayos ko na ang adobo sa pag lalagyan.Ng mag papaalam na ako sa mommy habang nanonood sya ng TV sa sala pinatay nya agad ang TV at pinaupo ako sa sofa at mag usap daw kami.
"Mommy,Alis na po ako"
Nang hahalikan ko na ang mommy sa pisngi iniwas nya sakin ang pisngi nya at sabay hawak sa remote para patayin ang TV at sinabing.
"Umupo ka muna.Mag usap tayo."
Nag taka ako kasi bakit ako kakausapin ni mommy umupo ako sa tabi nya at nag usap kami.
"Anak tapatin mo ako may gusto ka ba kay shane?"
"Mommy ."
"Anak kilala kita alam ko kong nag sisinungaling ka o hindi."
"Mommy parang Oo , hay basta mommy hindi ko po alam."
"Ano!? Panung di mo alam?anak ng niligawan mo si Jenny hindi kita nakitang naging ganyan.Saka anak alam ko na kaya mo lang nagustuhan si Jenny dahil kinomfort ka nya ng na momroblema ka kay Shane at isa pa may Nangyari sa inyo ng  di mo inaasahan."
"Mommy pero isa yong aksidente,hindi ko sinasadya yon oo sabihin natin naging mapusok ako pero mommy alam mo po at inamin ko sa inyo ni daddy si Shane po ang nakita ko ng gabing iyon , Mommy si Shane lang po ang iniisip ko simula pag kabata hanggang ngayon si Shane lang po mommy hindi ko alam kong GFF lang ba ang pag tingin ko sa kanya o MAHAL ko na ba sya kaya nga po ito mommy aayusin ko po kong anung meron kami."
"ANAK ako ang mag sasabi sayo kong ano ang nararamdaman mo ngayon.Gusto mo malaman?Anak kita, kaya alam ko ang nararamdaman mo."
"Ha?ano mommy?"
"MAHAL mo si Shane at yon din ang alam namin ng Daddy mo.Hindi ka mag titiis alagaan ,unawain at intindihan sya kong bilang Gff lang ang turing mo sa kanya .Nakita ko ang pag respeto mo sa kanya at don ko na patunayang mahal mo sya habang pinaliliguan mo si shane umiiyak ka at nag dadasal na sana mag balik ang dating sya.Saka diba dumarating sa punto dati na pinag babawalan ka namin ng daddy mo na lumapit na sa kanya kasi baka mapabayaan mo ang pag aaral mo pero hindi pinakita mo samin na kaya mong tuparin ang pangarap mo bastat kasama mo si shane kaya sinuportahan ka namin at mas tinuring na naming anak si Shane dahil nararamdaman namin ng Daddy mo na Sya na ang makakasama mo."
Nagulat ako sa sinabi ni mommy pero tama sya habang iniisip ko si shane lumalakas ang tibok ng puso ko at ang mga paa ko gusto na sya puntahan kaya nag paalam na ako sa mommy at kiniss ko na sya sa pisngi kaso ng palabas na ako sa pinto biglang nakita ko si Jenny pakatok.
"JENNY?"
"oh babe gulat na gulat ka ata?"
"Ha?hindi ,hindi aa napaka ganda mo kasi"palusot kong sabi.
"Haha ikaw talaga babe"sagot nya sabay halik sa mga labi ko.
Natulala na lang ako sa mga pangyayaring yon di ko alam ang gagawin ko pano ko pupuntahan si Shane andito si Jenny.
"Babe,babe,babe?"
"Ha!?"
"Babe grabi ba? napaka ganda ko ba ngayon para matulala ka nang ganyan."
"Ha?!oh oo,oo napakaganda mo nga ,sisige halika na sa sa loob pasok ,pasok na tayo."
"Sige."nakangiting sagot nya.
"Patay na hindi na ata ako makakpunta kay shane nito"bulong ko sa sarili.
"Babe may sinasabi ka?"
"Ha?wawala aa."
"Aa.nga pala babe san ka nga pala pupunta?"
"Sa..,sa ano"
Biglang si mommy ang sumagot.
"May aaplyan kasing work yan kaya ganyan ang suot eha."
"Oo may aaplyan akong work."
"Ha?ee bat di mo sinasabi sakin?"
"Aa kakasi gusto kita sosorpresahin."
"Aaah , ang sweet mo talaga babe."Kinikilig na sagot nya sabay yakap.
Tagaktak na ang pawis ko non sa kaba at sa nararamdaman ko na gusto ko ng puntahan si shane pero paano andito si Jenny.
Inalok na ni mommy si Jenny umupo sa sala at pinag handa na nya ito ng maiinom hanggang sa na oansin ni Jenny na may dala akong paper bag na maliit.
"Babe ano yang dala mo?"
"Aa ito ulam para kay shane."
"Ay buti pa sya dinadalhan mo ng ulam."
May gulat pa din ako sa mga pangyayaring iyon kaya di ko maka isip ng mga ipapalusot.ayaw ko kasi masaktan si Jenny natatakot din ako baka atakihin sya ng sakit nya sa puso kaya iniiwasan ko din sya masaktan at ayaw ko na makasakit ng damdamin yan din anv dahilan kong bakit kahit gusto ko na sya hiwalayan di ko magawa kasi sa sakut nya sa puso ayaw ko naman na darating yong araw na ako ang sisihin ng mga magulang.Buti na lang at dumating na si mommy dala ang Juice at cake para kay Jenny at sya na din ang sumagot sa sinabi ni Jenny kaya nakalusot ako.
"Ano ka ba Jenny tira lang namin yan kagabi kaya pinadala ko na kay shane alam mo naman kawawa naman ang batang yon wala ng mga magulang."Palusot ng mommy .
Pero ang totoo sadyang sinadya ko lutuin yon para kay Shane lang.

Bestfriend Yes I DoWhere stories live. Discover now