Third Person's POV
Mahigit dalawang linggo na nang lugmok sa buhay si Jinhee at magkarelasyon ang dalawang si Minsoo at Taehyung
Wala namang bago sa relasyon ng dalawa. Sapat na sa kanila yung nag-uusap, tawanan, ngitian, titigan at harutan. Wala namang espesyal na nangyari sa dalawa tulad ng kiss.
Oo... hindi pa nagkikiss ang dalawang 'yan.
"Jinheeeeeeee!" Sigaw ni Sehun kay Jinhee
"Alam mo ba? Si Minsoo, inaya ako magparty. First time Jinhee! First time!" Excited na sabi ni Sehun
"Oh? Asa ka naman. May boyfriend na 'yun" wala sa sariling sabi ni Jinhee
"Ikaw nga eh. May girlfriend na ang tao umaasa ka pa rin." Pang-aasar ni Sehun sa kaibigan.
Mali... ka-ibigan pala. Oo ka-ibigan. Isang linggo na
Hindi alam ni Jinhee kung bakit napapayag siya ni Sehun sa relasyon na iyon. Ang dahilan lang naman ni Sehun ay alam niyang hindi seryoso si Minsoo at Taehyung sa relasyon at ginagaw alang nila ito para pagselosin ang dalawa
Hindi din alam ni Jinhee kung bakit siya napapayag nito dahil lang doon. Para bang
agree siya na hindi seryoso ang dalawa sa relasyon at gusto niya din pagselosin ito. At base sa pag-obserba nila. Parang gumagana ang plano nila
"Oy. Andito sila" sabi ni Sehun habang nakatingin sa love birds
Hindi tulad noong three days palang ang relasyon nina Minsoo. Mas boring ang kwento nila ngayon. Parang wala nang sparks kay Minsoo kapag tinitignan siya ni Taehyung
Parang wala nang interes si Taehyung kay Minsoo.
"Sehun! Jinhee!" Tawag ni Minsoo sa dalawa
Nagkatinginan pa ang dalawa bago lumapit kay Minsoo
"Punta ka mamaya, Sehun ah" rinig ni Jinhee na sabi ni Minsoo kay Sehun
Tumango lang si Sehun habang ang nasa isip isipan ni Jinhee ay kung nagchi-cheat ba ito sa kasintahan niya.
Pero wala naman siyang pake. Peke lang naman ang relasyon nila ni Sehun. Parang ngang peke lang din ang kay Minsoo at Taehyung eh
"Minsoo mag-usap tayo mamaya sa rooftop" sabi ni Taehyung
"Ah? O-okay" sagot ni Minsoo
"Break up na 'yan sigurado" bulong ni Sehun kay Jinhee
Siniko ni Jinhee ang binata sa may braso nito na parang pinapatigil niya ito kasi nandito pa ang isa pang love birds.
"Kung mag-break up 'yan, break na rin tayo ah" bulong din ni Jinhee kay Sehun
Kahit alam nilang dalawa na peke ang relasyon nila ay parang kailangan pa rin nilang sabihin sa isa't isa kung kailan sila magbe-break lalo na at alam ng kuya ni Jinhee na may relasyon nga silang dalawa
"Syempre... ibig sabihin lang naman kasi ng break up nila ay gumana ang plano natin hehe" pabulong na sagot ng binata sa dalaga
"Plano mo lang, 'wag mo ako idamay, gago" sabi ni Jinhee
As in sabi... hindi niya naibulong.
"Gago ka rin eh." Sabi pabalik ni Sehun
"Oy anong plano 'yan? Don't tell me nagpa-plano na kayo ng pam--"
"Cut it, Minsoo. Never naming gagawin 'yun" pagputol no Jinhee sa sasabihin ni Minsoo
"Lalo na at hindi naman tayo magtatagal haha" bulong ulit ni Sehun kay Jinhee
Hindi nila alam na sa isang gilid kung saan naka-upo si Taehyung ay cringe na cringe na sa pinaggagawa ni Sehun at Jinhee.
Paano ba naman.
Naisip na naman ni Sehun. Ayan... naglalandian sa harap ng dalawa.
Hindi alam ni Taehyung kung cringe ba ang nararamdaman niya o inis o galit o selos.
Feeling niya kasi na tungkol lahat sa kanya ang lahat ng ginamit na word or sentences ni Jinhee noong nagtanong siya.
Idagdag mo pa na siya naman talaga ang gusto magtanong at hindi ang kaibigan niya. Sinabi niya lang na kaibigan niya ang may kailangan ng advice kasi kung sasabihin niyang siya ay baka kung ano pa ang isipin ni Jinhee
"Ang harot niyong dalawa. Haha" komento ni Minsoo sa ginagawa ng dalawa
"Inggit ka lang kasi hindi kayo naggaganyan ni Taehyung" nagulat silang apat sa bigla na lang sumulpot at nagsalita.
"Oh? Nakakita lang kayo ng gwapo natigilan na kayo. Tsk" mayabang na sabi ni Jimin sa apat
Napa-irap na lang sa kawalan si Jinhee bago umupo ng maayos. Pagkatapos kasi nilang magkita sa parke ay parang lagi na siyang sinusundan ni Jimin.
"Oy. Taehyung. Bakit ba parang lugmok ka sa buhay ha? Noong nakaraang linggo ka pa ah" komento ni Jimin kay Taehyung na nakacross hands habang bored na nakatingin sa kung saan
"Bakit hindi na lang kayo maglandian din ni Minsoo tulad nitong dalawa?" Dagdag pa nito
"Palibahasa walang girlfriend" sagot ni Jinhee sa mga pinagsasabi ni Jimin
"Walang ngang girlfriend... pero malapit nang magka-asawa" malungkot na tugon ng binata
"Huh?!" OA na sagot ni Jinhee
"Wag ka ngang OA! Arranged marriage iyon!" Singhal ni Jimin kay Jinhee
"Kawawa ka naman. Tch" sarkastikong sabi ni Jinhee sa binata
"Minsoo. On the rooftop. Now" rinig nilang apat na cold ang pagkasabi ni Taehyung sabay alis
Tumingin saglit si Minsoo kay Jinhee bago umalis. Nagkatinginan naman ngayon sina Jinhee at Sehun
"Uy, ano? Nag-uusap kayo gamit mata? Sali niyo naman ako 'di ako relate eh" biglang sabi ni Jimin
"Bwisit" sabay na sabi ni Sehun at Jinhee bago tuluyang iwan si Jimin sa table
YOU ARE READING
My First Love •~Taehyung FF~• ||COMPLETED||
Fanfiction"I want you to be mine" Taehyung's Fanfiction... There will be some wrong spellings so intindihin niyo na lang... haha
