"Mag-iingat ka lagi. Mahal na Mahal kita Reyna Jasmine." sabi niya kaya ningitian kolang siya tsaka nagbigkas ako ng spell tsaka umalis.

Hanggang sa muli Renxo.

Makalipas ang ilang araw...

"Mahal na Reyna may nangyayari daw po sa Academy." salubong ni Kristal sakin isa sa mga matatapat na alalay ko.

"Ha? Anong nangyari sa Academy." nagaalalang tanong ko.

"Sinugod ito ng mga alagad ni Israel at maging si Israel ay kasama nila."

"Jusq ano na naman pakay niya dun." nagaalalang tanong ko.

"Mahal na Reyna nagaalala po ako para sa aking Anak na nag-aaral dun." malungkot na sambit niya.

"Wag kang magaalala Kristal alam kong di sila pababayaan ng Konseho at mga Headmistress at mga Proffessor dun. Hayaan mo bibisita ako dun." sabi ko sakanya tsaka naglakad papuntang bulwagan.

Ano naman kaya pakay ni Israel dun?

Kaya dali-dali akong nagtungo sa punong tanggapan ng Academy.

"Ang Reyna Jasmine ay narito." sigaw ng isang isa sa miyembro ng konseho pagkakita sakin. "Magpugay sa Reyna Jasmine ng Ainabridge." sigaw niya pang muli.

"Batid ko na ang iyong pakay dito Mahal na Reyna alam kong nakarating na sa inyo ang nangyari kahapon sa Academy." salubong ni Headmistress Grace sakin.

"Tama ka Headmistress. Kaya ako naparito dahil gusto kong malaman kung anong pakay o sino ang pakay ng mga Zaynadarks dito sa Academy." sabi ko tsaka naglakad sa isang malapit na upuan at umupo.

"Isang estudyante na may natatanging lakas at kapangyarihan." sagot ni Froilan isa mga matatapat na naglilingkod sa Academy at Kaharian ng Ainabridge.

"At sino naman ang estudyanteng ito." nagtatakang tanong ko sakanya.

"Criszette Unique Montefalco iyan ang kanyang ngalan mahal na Reyna." sagot ni Prof. Niña.

"Batid kong bago lang siya sa Academy tama?" tanong ko sakanila kaya lahat sila ay tumango bilang sagot.

"At kawangis mo siya Mahal na Reyna." nagtatakang sabi ni Prof. Gema.

Kawangis?

Baka siya na nga ang nawawala kong anak.

"Kawangis? Nais ko siyang makita sa madaling panahon. Ngunit gusto ko munang sanayin niyo siya at ang kanyang natatanging lakas."

"Masusunod Mahal na Reyna." sabay-sabay na sagot nilang lahat.

"Aalis na ko dahil marami pa kong dapat gawin sa palasyo." paalam ko sakanila.

Hanggang sa makabalik ako sa palasyo ay naging palaisipan sakin ang estudyanteng sinasabi nila.

Maaaring siya nga si Princess Jewel?

Pero bakit nasa Academy na siya.

Nasaan si Shami?

Nakaramdam ako ng kaba sa kalagayan ni Shami kaya agad akong gumawa ng hakbang upang ipahanap siya.

"Mga kawal." tawag ko sakanila lahat.

Mabilis naman silang lumapit sakin.

"Gusto kong hanapin niyo si Shami ang aking kaibigan." utos ko sakanila.

"Masusunod Mahal na Reyna." sagot nilang lahat tsaka isa isang lumisan.

Masama ang kutob ko sa nangyayari

May masamang nangyari kay na Shami.

At kinakabahan ako sa kalagayan ng aking anak.

Sana nasa mabuting kalagayan siya

Dahil kung hindi.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pagmay nangyari masama sa kanya.

"Ina bakit tila balisa ka?"  biglang sulpot ni Jenica.

"Ang kapatid mo batid kong nasa Academy na siya."

"Magandang balita yan Ina."

"Ngunit alam na ni Israel kung nasaan siya."

"Ina baka mapahamak si Ate kung nandito na nga siya."

"Iyon din ang iniisip ko. Pero galing naman ako sa Academy at ipinagbilin na bigyan siya ng training upang maging malakas."

"Mabuti naman kung ganun Ina wala ka naman palang dapat ipag-alala Ina."

"Pero Jenica kinakabahan ako sa oras na makatagpo ko na siya."

"Malaking problema nga iyan Ina."

"Hys. Gabayan nawa ako ni Bathalumang Cassandra ang aking Ina."

"Magtiwala lang tayo Ina." sabi niya tsaka niyakap ako.

Sana nga Jenica.

Sana nga di ako kamuhian ng kapatid mo.







The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now