WOLFierce 20

5.9K 303 19
                                    

Harper

Palagay ko ay lalagnatin ako sa mga nangyayari ngayon. Ayaw ko talagang maniwala pero nandyan na ang ebidensya. Autumn, Accalia, and Alusia. Tatlong lobo na ang akala ko ay mga kwento lang ang mga ito kaya sino ang mag-aakalang totoo pala.

Kaninang umaga ay hindi ko inakalang magagawa akong paaminin ni Autumn. Sinabi kong gusto ko ito kaya gusto kong panghinaan ng loob ngayon dahil alam kong hindi basta basta ang pinasok ko.

Ang bilis lang kasi ng mga pangyayari. Alaga ko lang noon si Autumn hanggang sa maging totoo ito at hindi lang sa mga kwento.

Naupo ako habang nakatingin sa mga estudyante ko ngayong nagsusulit. Napatitig ako sa tatlong nasa harapan ko. Hindi ko alam kung sino si Autumn sa tatlo. Kung bakit ba naman kasi magkakamukha ang mga ito at pare-pareho pa kung manamit.

Napatingin sa akin ang isa at hindi ko alam kung ngingitian ko ito dahil hindi ako sigurado kung si Autumn ito. I watch her raise her right eyebrow. Alam ko kung sino ang may attitude sa tatlo.

This is Accalia.

Sumunod ang isang tumingin sa akin at nakita ko ang kapilyahan sa mukha nito. Sa klase pa lang ng tingin nito ay alam ko na.

Alusia.

Sumunod kong tinignan ang isang seryoso lang na nakatingin sa papel nito ngayon. Heto ang sigurado ako.

Autumn, the fierce one.

Seryoso na naman kasi ang aura nito at parang laging pasan nito ang mundo.

Nag-angat ito ng tingin. Agad bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko kaya ibinaling ko ang pansin sa ibang direksyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakakayakap at nakakatabi ko ito gabi gabi.

Autumn loves me.

At anong gagawin ko? Ayaw ko itong masaktan dahil lang sa trabaho ko. We have a very complicated relationship. As of now ay wala muna kaming label dahil liligawan nga daw ako nito. Parang ang sagwang pakinggan pero maganda naman sa pakiramdam ko.

I see, someone is really shy to admit they like someone. Tinutukso na naman ako nito at ramdam ko ang mas lalong pagi-init ng mga pisngi kong alam kong umabot na sa aking tenga.

Wala sa loob na napatingin ako rito at inirapan ito. Ng maalalang nasa loob kami ng homeroom ko ay mabilis kong iginala ang paningin ko kung may nakatingin sa aking estudyante pero wala. Paano ko nakakalimutan kung nasaan ako ngayon dahil lang kay Autumn? Malala yata ang tama ko sa batang ito.

What Autumn can do to me.

Napalabi ako rito.

Sweetheart don't tease me like that at baka mahalikan kita ng wala sa oras. I don't care where we are, what you do, and whose with us.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Kailan ba ito titigil sa kakatukso sa akin?

Naririnig ko ang mabining tawa nito sa isipan ko. Ine-enjoy ako nito ngayon. Pwes! Hindi kami magtatabi mamaya sa pagtulog.

I love you Miss Davidson.

Tinitigan ko ito ng pasimple. If only I can talk to her through mind link too. Sasagutin ko lahat at hindi ang titigan na lang ito. Pero pwede kaya?

Tumayo ako saka pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. "Pass your papers and separate those test questions."

Narinig ko ang mahinang reklamo ng mga ito. Siguro hindi pa tapos ang ilan sa mga ito pero paubos na ang oras namin. Kinolekta ko ang mga papel.

"Class dismissed." Pagkasabi ko ay siya namang pagtunog ng bell. Inayos ko ang mga papel at inilagay ang mga ito sa may lamesa ko. Wala akong susunod na klase kaya iche-check ko na lang muna ang papel ng mga ito.

Narinig ko na lang ang pagsara at pag-locked ng pintuan. Tinignan ko kung sino ang salarin at walang iba kung hindi si Autumn. Walang sabi sabi itong lumapit sa akin at hinapit ako nito sa beywang bago ako halikan sa aking mga labi.

Palagay ko ay natuyo ang utak ko dahil sa kapangahasan nito. Gumalaw ang mga labi nito kaya wala akong nagawa kundi ang tumugon. Kinalimutan ko munang estudyante ko ito at isa akong Propesora.

Ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg nito at mas lalo pa itong hinapit palapit sa akin pero tumigil ito.

"Ang bango mo Miss Davidson." Imbes ay wika nito.

"Autumn-"

"I want to mark my territory Miss Davidson."

"Not now."

I want to give this a shot. I want to be with Autumn. I want to take a risk with her. Sana lang ay hindi ako nito lokohin at saktan. I couldn't take it anymore kung mangyari ulit ang bagay na nangyari na sa amin ni Jameson.

Gusto kong maging worth it si Autumn sa pagmamahal na ibibigay ko.

Inaamin ko sa sarili kong gusto ko talaga ito. Na may nararamdaman ako para dito kasi hindi naman ako magpapahalik kung wala pero natatakot akong aminin rito ang totoo.

And Autumn turned me into bi. Hindi ako nagsisisi dahil ramdam kong mas masaya ako ngayon kumpara noong kami pa ni Jameson. Sana lang ay maging ok para sa amin ang lahat.

Niyakap ko ito at parang lahat ng bigat at problemang dinadala ko ay kusang nawala. Ang lakas talaga ng epekto nito sa akin.

Napasinghot si Autumn at medyo lumayo pero hindi naman ako nito pinakawalan sa pagkakahapit nito sa akin.

"Why?" Nagugulohan kong tanong rito. May mali ba?

Nakita kong kuminang ng kulay dilaw ang mga mata nito. Ang ganda pero bakit ito nagkakaganito ngayon?

"Sweetheart meron ka ba ngayon? I could smell it."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

What the?


Pati ba naman ang bagay na iyon?

She's Fierce . She's a WOLF 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon