WOLFierce 4

7K 324 28
                                    

Autumn

Pangalawang araw ng pasukan at nagpasama si Accalia sa akin sa kabilang building kung nasaan daw ang mate nito. While Alusia went straight to our room already.

Nababagot na ako sa kakahintay kasama si Accalia. Sampung minuto na lang bago ang warning bell at labing limang minuto na kaming nandito. Papasok pa kaya ang mate ni Accalia ngayon? Mukhang late comer ang mate nito.

Napabuntong hininga ako.

"Mauuna na ako Accalia." Paalam ko rito.

Tumango naman ito. "Mukhang male-late nga ang mate ko. Sige mauna ka na at saka ako susunod mamaya."

Niyakap ko ito bago ako umalis at naglakad sa may hallway. Sa kabilang building pa kasi kami. Natigil ako sa paglalakad at napapikit ng mga mata ng makalanghap ako ng nakalalangong bango at para iyong isang droga sa akin. Halos magwala ang sistema ko.

Mate! Sigaw ng inner wolf ko.

I sniff at halos magkulay dilaw ang mga mata ko pero pinigilan ko dahil nasa eskwela ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at wala akong pakialam sa mga nakakasalubong kong kapwa ko estudyante. Ang pukos ko lang ay ang naaamoy kong nagbibigay ng kakaibang lakas sa akin. It was a woman's scent. My heart is thumping so hard in my chest. I can't wait to see my mate.

My feet led me in our homeroom kaya napakunot noo ako.

Naglakad ako papasok sa room namin at napansin ko ang isang babaeng nakaupo sa may upuan ng guro. Halatang isa itong Professor base sa suot nito. Is she our new Professor?

Ayaw kong isang Professor ang mate ko dahil komplikado iyon sa parte ko. Mas gugustohin ko pa kung isang estudyanteng tulad ko dahil mas madaling amohin kaysa sa isang guro.

Mate! Alarick screamed inside of me.

Yes, male wolf ang meron ako imbes na female kaya kapag nagiging wolf ako. Isang male ito at si Alarick iyon.

Biglang nag-angat ng tingin ang babae at halos tumigil sa pagtibok ang puso ko ng magtama ang mga mata namin. She's gorgeous!

Ang puso ko ay literal na nagwala ng ngumiti ito sa akin. I saw my life flashes before my eyes.

And she's my Professor!

Pero saglit lang iyon bago nawala ang ngiti nito at tumingin sa may harapan nito kung saan nakaupo si Alusia ngayon. Kung bakit kasi magkakapareho kami ng mga damit ngayon pati mukha!

Naglakad ako at naupo sa tabi ni Alusia.

Alusia! I mind link her kaya napatingin ito sa akin.

What?

Our professor is my mate!

Kita kong umawang ang mga labi nito at nanlaki ang mga mata.

D*ng! She's gorgeous! Pero bakit naman sa isang Professor pa? That's complicated at mukhang straight ang Prof natin. Mahihirapan ka niyan. I just hope my mate isn't a Prof, I want her to be just like Accalia's mate na isang estudyante.

I shrugged.

That's what our moon Goddess gave me kaya tatanggapin ko. Andiyan na.

Alusia wiggled her eyebrows playfully to me.

Mate! Alarick said at halos magwala ito. Gusto nitong lumabas sa akin but I control it. Hindi ako pwedeng magpatalo kay Alarick at maging wolf sa loob ng classroom namin at sa harapan pa mismo ng mate ko. Hindi maaari!

Nagpikit ako ng mga mata ng maramdaman kong kikinang na iyon. Hindi rin nakakatulong ang nakakahalinang bango nito. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi pa sa ngayon.

She's Fierce . She's a WOLF 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon