Chapter 3

81 3 0
                                        

"So, kailangan lang po natin ng line up ng mga songs na kakantahin mo Miss Willow. " sabi ng musical director. "Do you have any ideas?" dagdag na tanong nito.

Tumango ako. "Well, I really wanted to sing songs that mean a lot to me. Maybe songs that I could relate to my life these past two years. What do you think?" paghingi ko ng komento dito.

"Well, that's interesting isn't it, Willow? Ano nga ba ang nangyari sa iyo these past two years." malamig na tanong ni Andreas. "But, do you think, the people will still care?" gagad pa nito. Natawa naman si Monique sa tabi nito.

Napahalukipkip lang ako.

"Maybe, you don't but my fans and those who thought of me as special will care. Plus, nasa Pilipinas tayo, you know, maraming interesado lalo na sa tsismis. Right?" nakangiti kong sabi sabay baling sa musical director na ngumiti lang din.

"I like your attitude. Fierce." komento ng producer na nakangiti sa akin.

"Thank you." sagot ko naman dito.

Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa mga interviews, press release at sa konsepto ng comeback concert ko.

Halos pumikit na ang mata ko sa pagod at jetlag nang matapos kami. Humanda na kami sa pag-alis nang ipatawag ako ni Andreas. Gusto daw nya akong makausap nang masinsinan.

God, pwede bang bukas na lang? Tsk. I'm dead tired!

Pinuntahan ito ni Alice para makiusap kung pwedeng sa susunod na araw na lang kami mag-usap but the devil just won't take no for an answer. Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa pinaka-personal office nito.

Tamad akong pumasok at umupo sa upuan sa harap ng desk nito.

Tsk. Asan na ba ang demonyong yun? I'm so fuckin' tired.

Nakasubsob na ang mukha ko sa desk sa sobrang antok nang maramdaman kong pumasok ang binata.

"Miss Andrada, can you be more professional? Who told you na matulog ka dito? "supladong tanong nito.

Sinubukan kong imulat ang mga mata at tumingin sa binata.

"Can you make it quick? Wala pa kasi akong tulog and I have a jetlag. I'm so fuckin' tired." mahinang sabi ko.

"So? Huwag mo akong dramahan, Miss Andrada. Hindi bagay sayo. " matigas na sabi ng binata na sinagot ko lang ng mahinang ungol.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naramdaman ko lang na para akong inangat at narinig ko ang mahinang boses ng manager ko. Pagkagising ko, nasa isa akong pamilyar na silid. Napabalikwas ako ng bangon.

"Oh my God! Why am I here?" namamaos ang boses na tanong ko.

"Bakit, ayaw mo na bang bumalik sa lugar na tinakasan mo?" dumadagundong na baritonong boses ang narinig ko.

Agad akong napatayo. Memories of the past came flooding in my mind.
Sumasakit ang ulo ko.

"I need to get out of here." sabi ko sabay nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Naramdaman kong humabol ang binata sa akin.

"Where do you think you're going? Hindi mo ba makayanan ang guilt ng pag-iwan mo sa akin, huh? Pwes,magdusa ka." matigas na sabi ng binata.

Guilt? Ako pa ang may kasalanan ngayon? Tss. Anong sinasabi nito?

"Andre, look--"

Pinutol nito ang sinasabi ko at sininghalan ako.

"Don't call me that. It's Mr. Jansenns for you." malamig pa sa yelo ang boses na sabi nito.

"Ok,Mr. Jansenns, I need to go. Ikaw na ang nagsabi, hindi tayo close kaya hindi ako pwedeng manatili pa dito.", giit ko.

"Kapag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang!" sigaw nito.

"I'm sorry but I am not your prisoner. I need to get out of here." gigil na sabi ko.

"Okay. Kapag umalis ka dito, sisirain ko ang nagbabalik na career ng manager mo. Kung hindi mo alam, she has a mother who needs maintenance. Simula nang umalis ka, hindi na din sya ganoon kalakas kumita at ang dinig ko ay pabalik-balik sa ospital ang nanay nito. So, kapag hindi ka sumunod sa akin, sira ang career nya nang dahil sayo.

"Fuck you. Baka nakakalimutan mo, may sarili akong pera. I can help her." matapang na sagot ko.

"So, ibig bang sabihin nyan eh habambuhay mo syang tutulungan? Do you have any idea kung magkano ang nagagastos nya every month? Sa tingin mo ba papayag si Alice na umasa na lang sayo? I don't think so." nakangising sabi nito.

"Why are you doing this? " inis na tanong ko.

"Simply para parusahan ka sa ginawa mong pag-iwan sa akin. Once I get my revenge, makakaalis ka na." paliwanag pa nito.

"You're such an asshole. " singhal ko dito.

"I don't care what you call me. Basta gawin mo ang iniuutos ko." sabi pa nito.

"Until when?" tanong ko.

"Hangga't gusto ko. " simpleng sagot nito.

"What about Monique? Of course, ayaw nyang nandito ako so it's really a bad idea." kibit-balikat na sabi ko.

"Of course not. Hindi naman sya makitid mag-isip. She supports what I want." sagot nito na matiim na nakatitig sa akin.

So, ano ang gusto nitong palabasin? Na makitid ang utak ko? Tss.

"So ano ang gagawin ko dito? Don't tell me gagawin mo akong katulong? Ano ako? Celebrity katulong? " ismid ko.

"You will be my personal assistant. " sagot nito.

Blanko ang emosyong tinitigan ko sya. "I am only here for a month. After that, aalis na ako ulit sa bansang ito. I still have my concert, my rehearsals and everything. Hindi ako pwedeng mapagod dahil maaapektuhan ang boses ko. Plus the interviews. So what is it exactly that I need to do for you?" diretsang tanong ko.

"Just be where I am. During rehearsals, nandoon naman ako sa opisina. I want you to see how happy I am now and how I've moved on from you. " nakangising sabi nito.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. 

"As if I care. " mataray kong sagot.
"Just a question though, who handles your chains of hotels now that you're into recording company?" tanong ko.

"None of your business." matigas na sagot ng binata.

"Okay. So let me just make it clear. Kailangan lang nandoon ako kung nasaan ka. Only until the concert, deal?" tanong ko.

He smirked. "Of course.

"At walang pakialamanan?"  dagdag ko.

"I don't see any reason bakit kita papakialaman."  mayabang na sagot nito.

"Okay. " sabi ko at dumiretso na sa guest room hila-hila ang maleta ko.

The Broken Strings (Standalone novel)Where stories live. Discover now