5

10.7K 241 23
                                    

CHAPTER 5

PHOEBE'S POV

"Keyden, sandali lang!" Habol ko rito. Kanina pa ito naglalakad at kanina pa ako panay ang sunod rito pero hindi ako makahabol-habol dahil  napaka-laki ba naman ng biyas nito!

Mukhang napansin nito na hinahabol ko na ang hininga ko kaya bahagya itong tumigil at tinignan ako nang masama. "Sino ba kasi ang nagsabi na sumunod ka sa akin?" Pagalit nitong tanong at sasagot sana ako rito nang maglabas ito ng panyo at marahang ipinunas iyon sa noo kong may pawis. 

Para akong natulala sa gwapo nitong mukha na napakalapit sa akin. Nananaginip pa ba ako? Nang matapos itong magpunas ay mukhang doon lang nito napansin ang pagkakalapit namin at bumakas ang gulat sa gwapo nitong mukha. Agad itong dumistansya sa akin at mahinang ibinato ang hawak na panyo sa mukha ko. 

"Punasan mo ang pawis mo. Ako pa ang pinagpunas, kapal nito." pabulung-bulong nitong sabi tyaka nagpatuloy sa paglalakad pero this time, mabagal na ang lakad nito. 

Tahimik lang kaming naglalakad sa kung saan. Mukhang naging tagumpay ang plano ko na huwag pumunta sa Ospital dahil kahit napadaan kami roon ay hindi naman kami pumapasok. 

"Bakit nga pala nagbago ang isip mo roon sa ice cream?" Tanong ko. Napaka-tahimik kasi at gusto ko rin malaman ang dahilan nito. Hindi dahil gusto kong malaman kung nagselos ba talaga ito tulad ng sinabi noong mama kanina. Hindi talaga. 

"I just don't like ice cream na nilalako." Simple nitong sagot at hindi ko malaman kung nagsisinungaling ito o hindi dahil walang emosyon ang mukha nito. 

"I just don't like ice cream na nilalako." Pabulong na pang-gagaya ko. Conyo. Mukhang narinig nito ang mahina kong patudyo dahil biglang nangunot ang noo nito na para bang hindi nito nagustuhan ang pang-aasar ko. 

Agad naman akong tumahimik. Mahirap na at baka kapag tuluyan itong nainis ay iwan ako nito dito. Hindi ko pa naman kabisado ang daan pabalik sa bahay. 

"Do you really like that ice cream?" Tanong nito kalaunan nang muli kaming balutin ng katahimikan. 

Agad naman akong tumango bago nagsalita, "I remember, my Mom would always buy me that stuff after church pero simula nang mamatay si Mommy ay hindi na ako nakatikim noon ulit." Kwento ko. Noong mamatay rin kasi si Mommy ay naging busy sa work si Daddy kaya wala itong time para samahan ako sa church o bilhan ako ng ice cream. Kahit hindi rin naman ito busy ay may pinipili nitong humarap sa mga papeles nito kapag nasa bahay lang.

"Then let's buy that freaking ice cream." Sabi nito tyaka marahang hinawakan ang braso ko para pumunta roon sa lalaking nagbebenta kanina. 

GUSTO ko nang sumabog sa inis. Itong dalawang lalaki naman na ito ay halatang pinipigilan ang mga tawa nila.

Gusto ko lang naman kumain ng ice cream pero bakit kailangan pa akong takamin nang ganitio?! Imbis na ibigay na agad sa akin ay pinapaikot-ikot muna nito ang ice cream. Palibhasa mahaba ang hawakan at sticky 'yung ice cream kaya madaling iiwas-iwas sa akin.

Napanood ko na ang mga ganitong klaseng vendors noon pero sa ibang bansa ko lang nakikita ang mga ganito. I suddenly salute those customers na mahaba nag pasensya na makisakay sa trip ng mga nagbebenta na ito. 

Nakangisi na naman niyang ini-umang sa aking harapan ang ice cream kaya hinawakan ko ang cone nang bigla nitong itaas muli ang mahaba niyang pang-scoop. Doon ko narealize na nakapatong lang yung cone sa ice cream kaya sa sobrang inis ko ay kinagatan ko na yung cone kahit walang ice cream na nakapagpatigil sa kanilang dalawa na kanina pa enjoy na enjoy akong inisin.

Maya-maya ay bigla nalang humalakhak nang napakalakas si kuyang ice cream tyaka binigay na sa akin ang ice cream ko. Kinuha ko naman agad iyon at thankfully ay hinayaan na ako nitong kainin iyon.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon