Kabanata 17

3.5K 109 15
                                    

PINAGBIGYAN ko ang hiling ni Braeden. Nanatili ako.

Para na rin kay Knight. Kay Knight na hindi pa rin ako tinitigilan hanggang sa ngayon.

Marahan kong inilayo ang ulo ni Knight nang akmang didilaan na naman nito ang mukha ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Braeden. Ngunit nang balingan ko siya ng tingin ay seryoso na ang kanyang mukha, walang bakas ng tawa o ngiti sa labi. At malapit ko nang isipin na guni-guni ko lang iyong narinig kanina kung hindi lang sa kislap sa kanyang mga mata.

"Knight, come here," tawag niya sa aso. Nakaupo siya doon sa pahabang upuan sa tapat ko.

Niluwagan ko naman ang hawak kay Knight, hinihintay na lumapit ito kay Braeden ngunit nanatili lang ito sa tabi ko.

Ang totoo'y tumingin lang ito sa kinaroronan ng kanyang amo, parang tahimik na sinasabing narinig nito ang pagtawag niya pero walang balak na magtungo sa lugar niya. At hindi nga lumaon nang ibalik sa akin ni Knight ang atensyon at muling pinagsiksikan ang sarili sa akin.

Narinig ko na naman ang pagtawa ni Braeden. Ngayon ay maagap na akong tumingin sa direksyon niya. At naabutan ko ngang parehong nakataas ang gilid ng kanyang labi.

Inangat niya ang tingin mula kay Knight at nagtagpo ang mga mata namin.

Ang matingnan lang sa mata ni Braeden ay iba na sa pakiramdam. Pero ngayon ay tila nadagdagan lang iyon dahil sa ngiti sa labi niya.

"He really likes you," sinabi niya pagkalaon.

Nahihiya naman akong napangiti saka binalingan si Knight na nasa tabi ko pa rin, hinaplos ang balahibo nito. "Hindi naman siguro. Baka naghahanap lang siya ng bagong kalaro. Hindi ba't ganun yung ibang mga aso?"

"No, gusto ka niya talaga," pilit ni Braeden. "This is the first time he's like that actually. He always go to me whenever I call him. This is the first time he ignored me."

Nahihiya kong binalik ang tingin kay Braeden. Dapat ay may sasabihin ako pero tila bulang naglaho iyon nang makitang seryoso na siyang nakatingin sa akin.

Saka siya muling nagsalita. "And I'm starting to get jealous."

Sandali akong natigilan doon bago mahinang natawa. At nakakainis dahil tila halatang tunog pilit iyon. "Naku, wag. Wala ka namang dahilan para magselos kasi baka naghahanap lang talaga ng ibang kalaro 'tong si Knight." Nilipat ko ang tingin kay Knight at kinausap na ito. "Diba, si Braeden pa rin naman naman talaga ang gusto mo? Siya kaya yung tatay mo."

Natawa na naman si Braeden at gaya kanina ay muli ko ring nasilayan iyon. Nangiti rin ako sa kanya.

"This is the first time you called me by my name."

Napataas ang pareho kong kilay kay Braeden saka umiling. "Hindi ah. Natawag na kita sa pangalan mo dati."

Kumunot ang noo niya. "When?"

Bumuka ang bibig ko pero ang dila ko'y tila umurong nang maalala kung kelan iyon naganap. O mas maiging sabihin kung anong nangyari nung araw na iyon. Nung umuwing lasing si Braeden at mayroon siyang nasabi sa akin. Pero, napagkasunduan rin naming kakalimutan na ang nangyaring iyon.

Isinara ko na ang bibig pero nanatili pa ring nakatingin kay Braeden. Hindi ko alam kung nabasa niya ba ang nasa isipan ko o kung naalala niya rin ang gabing iyon dahil bigla siyang tumikhim, lumipat sa pool ang tingin.

"Sabi mo namiss mo 'yung dagat sa inyo?" walang anu-anong tanong ni Braeden matapos ang ilang sandali ng katahimikan.

Huminga naman ako ng maluwag, tahimik na nagpapasalamat na hinayaan niya na lang iyong paksa ng pag-uusap namin kanina.

Strange LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora