•prologue•

77 4 19
                                        

[Jeon Jungkook's POV]

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa café na tinext sa akin ni Yeonmi. Third anniversary kasi namin ngayon, bali, dito niya napiling makipagdate sa akin. Ang tagal na rin pala naming naglalandian 'no?

Hinila ko 'yung glass door at pumasok sa loob. Agad ko naman siyang nakita dahil kinawayan niya ako. Binigyan ko siya ng sign kung oorder na ba ako pero umiling siya at tinuro 'yung upuan na para bang sinasabi niya na umupo muna ako. Sinunod ko naman 'yon.

"Jungkook? Tititigan mo lang ba ako? Hindi ka ba magsasalita?" Nagising naman ako sa katotohanan nang mapansing kanina pa niya wini-wave 'yung kamay niya sa harap ng mukha kong gwapogi.

"M-May sinasabi ka ba? S-Sorry nalutang lang ako, hehe." Pagsosorry ko. Shet, na-ooverwhelm pa rin talaga ako sa ganda niya.

"Ah, wala naman. Kanina ka pa kasi nakatunganga diyan. May dumi ba sa mukha ko?" Oo. 'Yung lipstick mo lumampas, hehe. Syempre, char lang.

"Wala. Ikaw pa ba? Sobrang perfect nga ng mukha mo, e. Kaya nga, 'di ba endorser ka ng sikat na make-up brand dito sa Korea? Sabihin pa, bagay ka talaga sa gwapogi mong boyfriend." Pagbibiro ko kaya naman hinampas niya yung toned biceps ko. O, sinong nasaktan ngayon?

Napansin ko naman na nag-iba bigla ang mood niya. Naging seryoso. Hinawakan naman niya ang mga kamay ko. Teka, kinakabahan ako. Parang may sasabihin siyang 'di ko magugustuhan.

"Tutal, nabanggit mo na rin lang naman 'yung about sa popularity ko, sasabihin ko na sa'yo ang katotohanan."

"A-Ano 'yun?" Pakshet, kinakabahan talaga ako. Parang tumatakbo sa dibdib ko si Hoseok hyung.

"Kookie, ... M-Magbreak na t-tayo..."

"Swoooshhh~" Epal na tunog 'yan ng motor na sobrang bilis kung tumakbo, kung 'di niyo naiintindihan, kekeke. Bakit "swoosh?" Kasi sa sobrang bilis niya, para siyang nawala sa hangin. So 'yon talaga, k bai.

"Ano 'yun Yeonmi?" Pagtatanong ko, 'di ko kasi talaga narinig, e.

"I said, magbreak na tayo, Kookie. 'Yun ang bilin sa akin ng manager ko at nina abeoji kasi raw baka---"

"MY LAB IS ON PAYERRR~" Pooh tongue guinea. May dumaan pa na tricycle na sobrang ingay ng speaker. Juice colored.

"I'm sorry. Come again, Babe? 'Di ko kasi talaga marinig, e."

"I SAID, MAGBREAK NA TAYO!" Pagsigaw niya at nilapag niya nang madiin sa table 'yung kahuhubad niya lang na necklace na binigay ko sa kanya no'ng second anniversary namin. Dinig na dinig sa ingay ng takong ng heels niya ang inis niya nang lumabas siya ng café.

Pinagtinginan kami ng mga tao at binigyan ko nalang sila ng igop sign. Kunwari 'di ako affected, hehe. Ayun, bumalik na sila sa mga pinaggagagawa nila.

Mga p're. Ganito pala ang pakiramdam pag nakipagbreak sa'yo ang babaeng minahal mo. Para akong kwek kwek na tinusok ng stick tapos inilublob sa mainit na mantika. Oo, first love ko siya kasi dati, ako naman ang nambabasted sa mga babae, e. Oo, totoo 'yun. Kung ayaw niyong maniwala, eto bente, umuwi na kayo.

'Di naman ako 'yung tipo ng lalake na guguho ang mundo ko pag nawala siya, 'no. Syempre, dapat cool pa rin dahil single na ako ngayon at maghahanap ulit ng pwedeng landiin.

"Hi, Miss isang sweet and refreshing na matcha milk tea nga po." Pagkasabi ko no'n, hinawi-hawi ko pa 'yung bangs ko. Sa totoo lang, nilalandi ko na talaga itong cashier.

Pagkaangat niya ng cap niya, isa pala siyang matikas na lalaki na mahaba ang buhok. Ano ba naman 'yan, Kookie. Mission failed ka ngayon. Mabuti hindi niya na nahalata, pero nakarinig ako ng tumatawa sa likod. Abugh, isang dalagang Koreana, yeah.

Nahalata niya yata 'yung kalokohan ko.
Ilang saglit lang akong naghintay at tinawag na ako para kuhanin 'yung milk tea ko.

"Milk tea for 'Kookie!" Lumapit naman agad 'yung babaeng tinawanan ako kanina para kuhanin 'yung milk tea. Teka, akin 'yon, e, kasi ako ang naunang umorder.

"Miss? Akin itong milk tea na 'to."

"Huh? E, 'Kookie' ang nakalagay, e, kaya I'm a hundred percent sure na akin 'to." Edi wao, uwian na. May nanalo na.

"Fine. Sa'yo nalang 'yan. Pero..." 'Di ko siya type, 'wag kayo. Mabait lang talaga ako. Umangal, bigyan ko ng sampu, pamasaheng umuwi.

"Pero ano?" Tinaasan niya ako ng kilay. Bugh.

"Akin nalang itong banana milk mo."

•end of prologue•

•••

[Author's Note]

Prologue palang, ang haba na. Haha, sana sipagin ako hanggang dulo. So, ayan, trip ko lang talagang lagyan ng ilang mura 'yung lines ni Kookie pero censored naman, hehe. Thank you in advance sa mga magbabasa, magvovote, magcocomment, at mag-add nito sa reading lists niyo. K, 'yun lang, bai.

BANANA MILK || JEON JUNGKOOK Stories to obsess over. Discover now