Day 1

69.1K 742 125
                                    

Ash point of view.




"Ash, bilisan mong tumakbo!" Sigaw sa akin ni Lia habang tumatakbo. Nahuhuli kasi ako sa kanila habang si kim naman ay nauuna.

Mabilis naman akong tumakbo, sadyang mas mabilis nga lang sila lalung-lalo na si Kim. Well, hindi na ako magtataka, dahil simula pa naman noong mga bata pa kami ay mabilis na talaga siyang tumakbo. Hindi pa yata ako nagka-record na nauna ako pagdating sa ganitong klase ng larangan. Pwera na lang siguro kapag nadapa sila? Pero hindi pa rin, malamang sa malamang ay hihinto ako upang tulungan silang tumayo. Tapos tatakbo ulit at mauuna na naman sila. Ganyan 'yan!

"Ash, bilis! Nasa likuran mo na sila!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong konti na lang ang agwat nila sa akin. Kaya nama'y mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Lumiko sina Kim at Lia sa may iskinita dahilan upang doon rin ako magtungo. Nang maabutan ko sila ay napahawak ako sa magkabila kong tuhod habang naghahabol ng hininga. Tanging binti lamang nila ang aking nakikita sa kadahilanang nakayuko ako at sila naman ay nakatayo sa aking harapan.

Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari. Hindi ako na-inform. Pakiramdam ko'y anumang oras ay malalagutan ako ng hininga at kapag nangyari iyon ay isusunod ko siya.

Napangisi ako.

Subalit, agad rin iyong nawala nang mapagtanto ko kung bakit hindi na kami tumatakbo. Babatukan ko na sana silang dalawa nang mapansin ko ang bahagi ng iskinita na kanina pa nila tinitignan. Isang mataas na pader ang nasa harapan namin ngayon at isa lamang ang ibig sabihin nito.

"Sht! Na-trap tayo!" Bulalas ko.

Nagkatinginan kaming tatlo na animo'y naghahanap ng paraan sa aming mga mata kung paano kami makakalusot sa mga taong humahabol sa amin. Ngunit sa kasamaang palad ay wala kaming mahanap na sagot sa isa't isa.

"Pambihira! Sa dinami-rami ng dadaanan niyo, ito pa talagang teritoryo namin? Kapag sinu-swerte ka nga naman. Wala na kayong lusot ngayon," mayabang na sambit ng isa sa mga humahabol sa amin. Hindi ko alam kung sino sapagkat nakatalikod kami sa kanila.

Tagaktak na ang pawis namin habang nag-iisip ng aming gagawin. Panay ang tinginan namin sa isa't isa at alam kong iisa lang ang nasa isip namin ngayon, iyon ay walang iba kung hindi ang lumaban. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang sinambit ng lalake. Sa pagkakaalam ko kasi ay minalas sila.

Sabay-sabay kaming humarap sa mga lalake. Nakangisi ang mga ito habang hawak ang kani-kanilang kamao, 'yung iba naman ay kumuha ng tubo na gagamitin siguro panlaban sa amin. Hindi nga? Gagamitin nila iyon panlaban sa amin? Sa amin na babae? Maria Clara? Josefa? Gregoria? Tandang Sora? Nakakaawa. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.

Napangisi ako, "Binibigyan namin kayo ng limang segundo. Tumakbo na kayo!" Tinignan ko ng matalim ang lalakeng nasa gitna at tumawa naman ito ng pagka-pangit-pangit matapos ko 'yong sabihin.

"Nagpapatawa ka ba? Kami pa ang tatakbo ngayon? Samantalang kami nga ang humahabol sa inyo kanina?" Aniya.

Napangiwi ako. Oo nga naman, Ash. Wala ka rin minsan sa hulog, eh!

"Oh well, kung 'yan ang gusto niyo..." nagkibit-balikat ako sabay tingin sa aking kanan kung saan naroon si Lia at sa kaliwa kung saan si Kim naman ang naroon. Tinanguan lamang nila ako hudyat na pwede ko nang simulan ang nakagawian.

Love Without RulesWhere stories live. Discover now