Uumpisahan ko na ang pagbilang.

"Lia,"

"Ash,"

"Kim!"

"Laaaak!" Sabay-sabay kaming sumugod sa mga lalakeng chaka.

Nakatoka sa akin ang lalakeng nasa gitna kanina. Inilagan ko ang kamao niya bago sinuntok ang kanyang tagiliran. Susuntok pa sana siya subalit naunahan ko siyang bumwelo bago ko sinipa ng malakas ang kanyang dibdib kaya't napasandal ito sa pader. Napansin ko naman ang lalakeng may patalim na susugod sa likuran ni Kim, kaya agad kong tinapakan ang dulong bahagi ng kahoy na nasa paanan ko bago sinalo iyon at inihagis sa mukha ng lalake. Head shot!

Napatingin naman si Kim sa lalakeng natumba bago ito tumingin sa akin nang nakangiti.

"Soya ka lang?" untag ko.

"Soya lang," sagot niya sabay thumbs up sa akin.

Lalapitan ko sana ulit ang lalakeng lider subalit mabilis itong tumakbo patungo sa likuran ng dalawang lalakeng may hawak na tubo. Ihahampas na sana sa akin ang tubo ngunit agad ko iyong inilagan at lumiyad na para bang matrix ang datingan. Umikot ako at binigyan ng high-kick ang lalakeng chaka saka mabilis na kinuha ang tubo bago ito natumba. Inihampas ko naman agad ang tubo sa binti ng pangalawang chaka kaya napaluhod ito. Ipinatong ko ng madiin ang isa kong paa sa balikat ng lalakeng nakaluhod kaya napangiwi ito sa sakit. Idiniin ko pa ng todo ang pagtapak sa balikat niya hanggang sa mapahiga na ito at lumihis ang paa ko sa kanyang dibdib. Tinadyakan ko iyon kaya't nawalan ito ng malay.

Sunud-sunod ang pagtumba ng mga lalakeng nakakalaban nina Lia at Kim kaya't alam kong hindi na nila kailangan ng tulong ko. Focus na lang ako sa isa-sa pinaka-chaka.

Nilingon ko ang lalakeng lider at tinitigan ko ito ng matalim. Halata sa kanya ang takot dahil sa panginginig ng kanyang katawan. Marahan akong naglakad patungo sa kanya at maging siya ay marahan ding umaatras. Ultimo pag-atras nga nito ay hindi niya maintindihan kaya naman natumba siya ng paupo. Huminto ako sa paghakbang bago ko siya pinaningkitan ng mata.

Pinaka-ayaw ko sa lahat ay magnanakaw. Kaya siguro gano'n na lamang ang kulo ng dugo ko sa lalakeng ito kahit na alam kong low blood ako. Hindi dapat pakalat-kalat sa lansangan ang mga ganitong klaseng tao. Bukod sa masama niyang trabaho ay may mukha siyang hindi karapat-dapat sa mundong ito. Mapanglait na kung mapanglait pero nagsasabi lamang ako ng totoo. Psh!

"H-Hwag kang lalapit..." garalgal niyang sambit habang papalapit ako sa kanya.

Dinakot ko ang kwelyo ng damit niya at marahas siyang itinayo. Doon ko lamang napansin na mas matangkad pala ako sa kanya? O sadyang bansot lang talaga siya? Wew! Hindi pala dapat katakutan ang taong ito. Bukod sa mababa ang height ay mababa rin ang tsansa niyang mapatumba ako.

"Wala na ba?" Dinig kong sabi ni Lia mula sa likuran ko. Sa tono ng tanong nito ay alam kong tapos na nilang patumbahin ang mga chakang kasamahan ng chakang nasa harapan ko. "Nabitin ako do'n, ah? Balato mo na lang sa'kin 'yan, Ash."

"'Wag na, Li. Hayaan na lang natin kay Ash 'yan. Manuod na lang tayo," si Kim ang sumagot.

"Sabagay, pang-apat pa lang 'yan ni Ash. Samantalang tayo tig-anim," napairap ako sa sinabi ni Lia. Bilangan ng napatumba ang labanan, gano'n? Bilib talaga ako sa babaeng 'to. Sarap isako! "Sampung segundo lang, Ash. Nagugutom na 'ko," aniya na ang ibig sabihin no'n ay dapat mapatumba ko na ang lalakeng ito sa loob lamang ng sampung segundo.

Love Without RulesWhere stories live. Discover now