More Than Just A Prize

6 1 3
                                    

Dumantay ang malamig na hangin sa aking balat. I closed my eyes and smiled sadly. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ang pagbabalik ng mga ala-ala.

Katapusan ng pasukan, lumabas ako ng silid-aralan para tingnan ang listahan ng mga estudyanteng tatanggap ng karangalan.
Idinantay ko ang hintuturo ko sa kulay puting papel na nakadikit sa bulletin board. Hinanap ko ang pangalan ko, ngunit nadismaya ako ng wala ito doon. Walang Laxius Morazzo na nakalagay hanggang sa pinakahuling pahina.

Matamlay kong ibinaba ang kamay ko saka naglakad patungo sa malapit na upuan at naupo.

'Bakit lagi na lang akong talo? Ginagawa ko naman na ang lahat pero... wala pa rin, kulang pa.'

Natigil ang pagmumuni ko nang may tumapik sa balikat ko.

"Hoy, Laxius! Ba't parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Si Chaira. Itinuon ko ang pansin ko sa kaniya.
"Eto, wala na naman sa listahan ng mga tatanggap ng karangalan. Para akong loser, 'di ba, Cha?" Ngumiti ako ng tipid.

"Ha? E, pasado ka naman diba? Ayos pa rin 'yon..." Ngumiti siya. "'Wag ka na malungkot. Masama 'yan sa puso mo 'di ba? You're not a loser, Laxius."

"Yes, I am! I haven't won anything. Lagi akong panghuli, laging last option, laging talo. Kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat, Cha. Kulang pa."

Nagsalubong ang mga kilay ni Cha. "Hindi kaya! Tigilan mo na nga ang pag-iisip ng ganiyan! Hindi ka loser, Laxius."

"Talaga ba? Sige nga, name one thing I've won." hamon ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya saka hinawakan ang magkabila kong pisngi.  "Ako! Itong puso ko. You've won my heart, Laxius. Iyo lang."

Dahil doon ay napangiti ako.
#

I opened my eyes. Inilapat ko ang kamay ko sa malamig na semento kung saan nakalagay ang pangalan na Chaira Avenzado.

Ngumiti ako saka nagwika. "I love you, Cha. Salamat sa lahat. Sa suporta at sa tiwala na ibinigay mo sa'kin. Salamat sa pagmamahal..."

Tumingala ako sa langit. Inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib na may peklat dulot ng isang operasyon. Dinama ko ang tibok ng puso ko.

"It's been a year... since you gave your heart to me, Cha. At pinapangako ko na aalagaan ko 'to. I will treasure it more than anything because you are more than just a prize."

————————————

:)

More Than Just A PrizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon