Chapter 10

24 2 2
                                    

Dedicated to: PamelaReyes100 

Velora's POV

Maingay. Madumi. Masamok yan agad ang napansin ko nang magmulat ang mata ko sa di pamilyar na lugar, marami akong nakitang mga bata, teen ager at mga kaedaran kong babae nakita ko rin yung ibang babae na nakita ko na nakapaskil sa bulletin board ng SDU umiiyak sila at halos punit punit na ang mga damit nila halos dimo na sila makilala dahil sa dungis nila, napatingin rin ako sa suot ko naka suot parin ako ng uniform ng junior high school, nawawala na rin ang isang pares nang isang sapatos ko.

Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa mga bata na nakaupo at nakatungo lang sa gilid, para silang batang kulang na kulang na sa aruga dahil sa mga itsura nila. Umupo ako sa harap nang isang batang babae, agad naman syang nag angat nang tingin saakin agad naman na naningkit ang mata ko nang makita ko ang namumuong dugo sa gilid nang labi nya. Did they hit her?! Mga wala talagang away!!

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ko, agad naman syang tumungo

"I'm hungry...." Agad nyang sabi at nagsimulang tumulo ang mga luha nya, god! Awang awa na ako sa mga bata dito, I think they hungry so much at wala man lang silang balak na pakainin ang mga bata at ang ibang narito?!!!!

Pinagmasadan ko ang bata batid ko nasa masaganang estado ang buhay nang bata dahil sa pag i-ingles nya, at ang kanyang hikaw na sigurado akong mamahalin at Isa pa may braces sya sa panahon kasi ngayon if you have braces you're rich, just my opinion.

"Okay just wait I will do anything makaalis lang tayo dito, hush! Don't worry!"


Tinignan ko rin ang iba na halatang nakakaramdam na rin nang gutom, god! I can't see this happening!


Nag isip ako nang mabuti sa utak ko nang Plano, at mga pweding gawin sa oras na may pumasok dito sa loob nang pinagkukulungan saamin, kanina nasilip ko sa nakausling yero ang labas, meron mga bantay pero mangilan ngilan lang. Napataas ako nang kilay nang makita kong may dumating na isang Van at may inilabas silang tatlong babae halatang mga highschool student palang ito dahil sa kanilang uniporme.

Maya maya pa narinig ko na ang iyak nang tatlong babae, padarag silang binitawan nang mga armadong lalaki, nagngitngit ako sa galit! tinignan ko ang  tatlong babae na naka higa at iyak nang iyak.

Tinignan ko uli ang labas sa nakausling yero nakita kong umalis din agad ang sasakyan, mukhang maghahanap nanaman sila!

____

Nang makapaglano ako ng siguradong plano agad kong sinimulan iyon nang may pumasok na isang lalaki, napangisi ako nang makitaan ko sya nang dalawang baril sa magkabilang bewang nya,

"May pagkain ba kayo?" Tanong ko sa lalaki na naka Bonet pa, it's useless mamamatay ka rin naman.

Agad saakin na napatingin ang lalaki,

"Pasensya na binibini dahil Wala ka samin mapapala! HAHAHA kung makakasurvive kayo at di mamamatay edi maganda! Hahaha para naman matuwa samin si boss" sabi nya habang tatawa tawa na parang baliw

Naglakad ako papalapit sakanya, di man lang sya natinag sa paglapit ko at patuloy parin sya sa pagtawa. Tinignan ko ang ibang babae na sinabihan ko nang Plano ko kanina, tinaasan ko sila nang kilay para malaman nilang magsisimula na Ang plano.

"Ay talaga? Bakit naman?" Tawa lang ang isinagot nya, Hindi na ako natutuwa sa mga sagot nya sakin na puro tawa lang. "Napipikon na talaga ako!" Agad kong sinipa ang panga nya at sinakbit ang baril na nakuha ko naman agad, natumba agad sya sa isang sipa ko "Ang weak mo naman pala e!" Inirapan ko sya at agad na itinutok ang baril sakanya

Napangiwi sya saakin at agad na kinapa ang isang baril nya but too late, agad ko syang binaril nang tatlong beses para sigurado. Tinignan ko ang mga bata na nakapikit at nakalagay say mga tenga nila ang mga palad nila, I said it to them para di nila makita na may namatay sa harap nila masyado pa silang bata para masaksihan iyon.

Kinuha ko ang isa pang baril nang lalaki at agad na nilagay sa likod ko, agad akong pumunta sa may pinto para silipin sa labas, mabuti nalang at silencer ang gamit na baril nang tarantado kaya walang ingay ko syang napatumba.

Sinirado ko ang pinto at inilock iyon mula dito sa loob agad akong lumapit say mga bata sa iba pang mga kasama ko, "Kapag sinabi kong go agad kayong tumakbo papunta sa itinuro kong sasakyan at kapag nasigurado nyong lahat na nasa loob agad nyo isarado at ilock just make sure na bukas sa driver seat dahil pagnatapos ako Doon agad ang punta ko!! Got it?!" Seryusong Sabi ko at bumaling say mga kaedaran ko na halatang may takot sa mukha pero gad silang tumango. "Good! Maswerte tayo dahil tatlo lang ang bantay kaya mapapadali tayo sa pagtakas!"



Agad akong lumabas, at Kita ko ang panlalaki nang mga mata nang mga tarantadong lalaki nang makita ko, agad nilang kinuha ang mga baril nila at agad na pinaputukan ako, buti nalang at nakatago agad ako sa isang makapal na pader na pader "Shit!" mura ko nang mabaril ako sa kaliwang legs ko.

It's my time! Nang makita kong wala na silang bala agad akong lumapit sakanila at agad na pinaputukan ang isang tarantado na agad rin natumba. "Go!!!!" Buong lakas kong sigaw nang barilin ko Ang isa pang tarantado at agad na binawian nang buhay, buong lakas ko namang sinuntok ang isa at at sinipa sa panga at tyan Hindi pa ako nakuntento at binalya ko sya nang upuan sa may ulo nya.

Hindi ako maaawa sainyo! Di nga kayo naawa sa mga batang kinuha nyo! Deserved nyo Yan! Tangina nyo!

Agad akong pumasok sa driver seat sa sinabi kong sasakyan, "Nandito na ang lahat?!!!" galit na tanong ko agad naman silang sumagot ng tango

Agad kong pinaandar ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon, agad ko silang dinala sa presinto at Isa isang tinawagan ang mga magulang nang mga bata, hindi sila makakalis hanggat Wala sa kanila kukuhang gurdian, sinabi ko na rin sa mga pulis ang maliit na kota nang mga tarantado at baka bumalik pa doon ang iba sana naman wala na ulit silang makuha at mabiktima!!

At sayo Lorenzo sisiguraduhin kong magkikita na tayo sa susunod!!!!

Tinawagan ko si Bree na nandito ako sa presinto para magpasundo ayaw ko ng malaman 'to ni Azi o ni Fin ayaw ko Lang na mag alala sila saakin.

Nakaupo lang akong nag aabang nang makita ko si Bree na nagmamadaling bumaba nang kotse at tumatakbong lumapit saakin, Kita ko sa mukha nya ang pag alala pero diko na yon pinansin pa dahil gusto ko na talagang umuwi.

"Just tell to the poli---" agad na naputol ang sasabihin ko nang mahigpit nya akong niyakap nang makalapit sya saakin

"Pinag alala mo ko! Bakit ba gumawa ka nang kilos nang mag isa!" Napakurap kurap lang ako, hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin para sakanya

"Don't worry okay la---"

"Ako hindi okay!!!! So please stop worrying me!"

Agad na kumalabog ang puso ko at sa bilis nang tibok ng puso ko Hindi ko na marinig ang iba pa nyang sinasabi. God! Why my heart is like this?! Hindi pwedi to! This is not happening!

_____

A/N: So yon nga guys! Sorry kung epic ako sa actions, hihi first time kong magsulat nang action e.

Like and Comment your reaction.
And also yung gustong mag padedicate, comment your username. Thank you and enjoy!

L O V E S H O T SWhere stories live. Discover now