Chapter Thirty Two

Start from the beginning
                                    



“Nagpapahangin. Buti nga nagsalita ako eh, at least nalaman kong iniisip mo pala abs ko.” Nanlaki naman ang mata ni Noneen sa sinabi ng asawa. ANO DAW? INIISIP KO YUNG ABS NYA? DUH. IN HIS DREAMS! PUCHAY.



“Kupal mo din tsong! Excuse me, wala ka kayang abs no. Payatot!” Sigaw ni Noneen tsaka binuksan ang pinto. Agad agad naman itong naglakad papuntang hagdanan. Ni hindi na nga niya tiningnan si Manang kundi nag hi na lang siya dito. Agad siyang dumiretso sa kwarto niya at agad sinarado ang pintuan.



Jusko, kung alam nyo lang kung gaano siya nahihirapan kanina. Punyeta ang awkward pala. Bakit ba kasi trip siya ata ng asawa niya at puro pangaasar na lang ang natatanggap niya mula dito nung mga nakakaraang araw?!



Swerte lang niya.



Huminga na lang ng malalim si Noneen. “Kalma.” Bulong niya sa sarili. Jusko masisi mo naman ba siya nakakabaliw maging asawa si Lawrence sa totoo lang.



Tinanggal nya ang necktie at ID tsaka nagsimulang tanggalin ang kanyang polo. Makapagbihis isip niya. Kasalukuyan siyang nagtatanggal ng pagkakabutones ng kanyang polo ng biglang bumukas ang pintuan niya napalingon siya dito at nanlaki ang mga mata niya.



Putcha naman Lawrence ang galing mong mang timing no.



Agad naman siyang napahawak sa polo niya at sinara ito. Nakita niyang napangisi ang asawa niya. OH SHET ETO NA BA YUNG TINATAWAG NILANG ANO…JUSKO LANG.



“A-anong ginagawa mo dito!! Di ka man lang sanay kumatok nagbibihis yung tao!!” Sigaw ni Noneen. Hindi sumagot si Lawrence at mas lalo lang ito napangiti. Nakita niyang sinara ng asawa ang pinto at tsaka nilock. AMPATUAN ANO TO? ALAM KO TO EH ETO YUNG MGA STORY SA WATTPAD YUNG MGA GALAWANG YAN YUNG UNTI UTING PALAPIT AY JUSKO. Isip ni Noneen.



“Ba-bakit ka lumalapit?” Nanginginig na tanong ni Noneen. Pero lapit lang ng lapit sa kanya ang asawa.



“T-teka dyan ka lang!! Utang na loob!” Sabi ni Noneen pero hindi siya pinakinggan nito. Palapit pa rin ito sa kanya habang siya papalayo. Kinakabahan siya  sa mga ginagawa ng asawa niya. Pero mas lalo siyang kinabahan ng maramdaman niya ang pader sa likod at sakto wala na siyang mauurungan.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now