Chapter Thirty Two

Magsimula sa umpisa
                                    



“Bakla kelangan ko nang umuwi.” Sabi ni Noneen.



“Ahihihi, ayos lang gerlalu. Alam ko naming kaya ka pinauuwi na ni Papa Lawrence so hot so sweet kasi nabitin yan kagabe. Oh sige na gorabells na tarush! Hihihi.” Nakangiting sabi ni Rhian.



“Gaga. Utak mo no. Wala lang yun baka siguro may nangyari lang.” sabi ni Noneen tsaka ito tumayo.



“Sabihin mo mangyayari pa lang. Nyahahahahaha!” 



Mga sampung minuto ring nakatingin si Noneen sa pintuan ng bahay nila. Hindi niya alam kung nenerbusyin ba siya o ano. Jusko ano ba kasing alam nya kung bakit siya pinauuwi agad. Malay ba niya balak nito. Napailing siya, jusko Noneen pati ba naman utak mo corrupt file na rin. Nahahawa na sa kaberdehan ni Rhian eh. Huminga siya ng malalim bago hinawakan ang door knob.



Grabe bakit ba ganito ha, halos parang madalas na tong nangyayari sa kanya. Yung alam niyang kinakabahan siyang pumasok sa bahay nila pag mas maagang umuwi si Lawrence. Errrrrrr.



Napalunok siya. Bubuksan na sana niya ang pinto ng biglang may magsalita.



“Hindi ko alam kung retarded ka ba pati ba naman pagbubukas ng pinto pinagiisipan mo pa.”



“Ay abs mong—“ Napahawak naman si Noneen agad sa bibig niya. Shet mahirap ituloy baka ano pa maidugtong niya. Nakita naman niya si Lawrence sa terrace nila. Nakasandal dun sa pader habang nakangisi sa kanya.



Napamura si Noneen sa isip niya. P*&%$#@!/ naman no, itong bibig talaga niya no ang hirap pigilan! Kung ano ano na lang nasasabi. Halos parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Noneen sa pwesto niya. Mas nakakahiya pa ata to sa nangyari kaninang umaga eh. Puchey, bakit kasi sa lahat ng lalabas sa bibig niya abs pa?!!



“Wow ha..abs ko talaga?” Nakangising tanong ni Lawrence. Halos mangamatis ang mukha ni Noneen sa hiya sa sabi ni Lawrence. Ano ba naman to! Oh good mother earth, parati na lang siyang napapahiya sa gurang na to no! >///<



“C-che!...A-ano bang ginawa mo dyan? Para kang..err…basta. Bigla bigla na lang nagsasalita.” Sabi ni Noneen tsaka umiba ng tingin.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon