Chapter 3

69 5 1
                                    

Dahyun's POV

Uwian na kaya naman naglalakad na kaming siyam ng sabay-sabay palabas ng school.

Napag-usapan na rin namin na manahimik sila dahil sa kanilang walo ko lang sinabi ang tungkol sa kasal.

"Bakit kaya may nalalaman pangsikre-sikreto? Paano kung may umaligid diyan kay Taehyung? Edi naagawan ka pa." - Nayeon

"Tama si Nabong, Dubu. Marami pa naman ang nagkakagusto kay Taehyung. Alam mo na, gwapings kasi." - Chaeyoung

"Pero ikakasal naman sila ah? Secure na si Dahyun diyan." - Momo

"Tama. At saka, patay na patay kay si Taehyung kay Dahyun." - Tzuyu

"Eh paano kung dumating yung panahon na magsawa si Taehyung? Lalo na binabalewala mo siya. Alam mo na, walang hangganan ang lahat. Walang forever." - Jihyo

"Eto naman si Ate mo Jihyo, happy and contented naman kay Namjoon bitter parin." - Sana

"Nag-away siguro." - Jeongyeon

"Oh eh baket napunta sakin ang usapan? Si Dahyun at Taehyung ang topic! Hindi kami ni Namjoon." Sigaw ni Jihyo.

-_____-

"Hay nako kayo. Bahala kayo diyan. Mauuna na ako. May lakad pa kami ni Jimin beybeh. Bye mga bulok!" Sigaw ni Mina samin habang palayo siya. Nakita niya kasi si Jimin na naghihintay sa gate ng school. Kayo na may love life. Psh.

"Osige Dahyun, una na kami. Ihahatid kami ng mga boyfriend namin. Ikaw lang naman ang wala, so babyeee!" Sambit ni Nayeon kaya naman nagsitawanan silang lahat.

Aba bastos tong si Tanda! Sapakin ko siya diyan e.

"Bwisit kayo. Edi bye! Psh." Sagot ko na lang at naglakad na palayo sa kanila.

Naglalakad lang ako pauwi nang may naramdaman akong parang sumusunod sakin. Shet.

Agad kong hinawakan ang ballpen sa bulsa ko. Aba. Mabuti ng safe. Baka may mangyaring masama sakin.

Medyo binilisan ko ang lakad at naramdaman kong bumilis rin ang kaniya. Shet namaaan. Huhu.

Sa takot ko, tumakbo ako ng tumakbo. Waaaaah! Ayoko pang mamataaaay!

Nagulat ako nang makahabol siya sakin at iniharap ako sa kaniya.

"AAAAAAAAAAAH LUMAYO KA SAKIN RAPISSSST!" Mariin akong pumikit at sumigaw ng malakas.

"Huh?"

"Eh?" Napabukas ako ng mata at nakita ko sa harapan ko si Taehyung.

"Taehyung?"

"Ako nga? Bakit ka ba sumisigaw?"

Nanghina naman ang tuhod ko kaya napatumba ako pero nasalo naman ako ni Taehyung.

"Huy ayos ka lang?" Pag aalala niya.

"Tarantado ka. Akala ko mamamatay na ako." Nanghihinang sabi ko.

"Ha?"

"Wala naman. Nevermind." Unti unti naman ako tumayo habang inaalalayan niya ko.

"Luh? Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo buhatin na kita?"

"Ayos lang ako. Shunga ka lang." Sabi ko na lang. Kung hindi lang ako nanghihina at kinabahan, kanina ko pa nabugbog si Taehyung dahil sa takot kanina.

"Hatid na kita ah? Tara na. Mukhang di maayos lagay mo e."

Kahit gusto kong tumanggi, hayaan ko na lang muna siya ngayon. Medyo natakot na ako dahil dumidilim na. Baka mangyari pa ng totoohan yung kanina. Hay nako.

Nang makarating kami sa bahay, nagpasalamat na lang ako sa kaniya sa paghatid sakin. Medyo naninibago pa nga dahil mabait ata ako sa kaniya ngayon.

May puso parin naman at may galang parin naman ako no. Di naman ako ganon kasama para laging mainis kay Taehyung. Saka medyo narealize ko rin mga sinabi ng mga kaibigan ko.

What if, mawalan nasiya ng gana sakin? What if, magsawa na siya? What if, ayawan na niya ako? What if, di niya na ako mahalin gaya ng dati?

"Dahyun? Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya pa bago talagang unalis na.

"Oo nga. Sige ingat ka." Sabi ko na lang at tumalikod sa kaniya.

Ano ba tong mga pinag-iisip ko? Nababaliw na ata ako. Nahahawa na ako sa mga baliw kong kaibigan.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang gate sa harap ko, si mama pala.

"Oh Taehyung? Nandito ka pala? Hinatid mo ba si Dahyun? Halika at pumasok muna." Pagyayaya ni mama.

Magsasalita palang si Taehyung at mukhang tatanggi nang sabihin ni mama na, "Wag ka mag-alala sa mama mo. Ako na lang magsasabi sa kanila na dito ka na maghahapunan." Pagpapatuloy pa ni mama.

"Ah eh.." Napatingin muna siya sakin bago pumayag. Takot ata sakin. Joke.

Feeling niya siguro, masama talaga ang pakiramdam ko kaya ayaw niya munang mainis ako sa kaniya.

Baluga.

Pumasok na lang kaming tatlo at ako dumertso na sa kwarto para magbihis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying my Childhood Bestfriend || (on-going)Where stories live. Discover now