"Nevali Chensi Ms.Violet." walang emosyong sabi niya tsaka nakacross arm na nakatingin sakin.

Di ko siya pinansin kasalanan niya kaya kung bakit pagod na pagod ako nung mga nakaraang araw.

Umalis ako sa harap niya at iniwan siya.

Nagulat ako ng biglang nasa harap ko na siya.

"Ano ba galit ka pa ba sakin." singhal niya sakin.

Aba siya pa may ganang magalit. Sapakin ko kaya to.

"Hoy mister. Sino ka para singhalan ako." sabi ko tsaka dinuro-duro ang noo niya.

"Bat ba kasi di mo ko pinapansin." sabi niya sakin tsaka naglakad palapit sakin yung sobrang lapit kaya napapaatras ako.

"Ano ba Keiron tigilan moko." sigaw ko sakanya.

"Paano kung a-y-o-k-o." nakangising sabi niya. "Oh bat namumutla ka." pang-aasar pa niya.

Nanginginig na ako. Di ko alam kung bakit? Sabihin niyo lang kung sasapakin ko na to.

"Ano ba Keiron don't go near me. Kung gusto mo pa mabuhay." banta ko sakanya pero ang gago tinawanan lang ako.

Napatingin ako sa paligid. Busy sila lahat kaya di kami mapapansin ni Kaizer dahil nasa bandang gilid kami. At malapit na ako sa pader.

Kailangan ko malusutan to.

Mag-isip ka Criszette.

"Oh bakit nanginginig ka ata. At tila balisa ka pa." natatawang tanong niya. Habang patuloy na lumalapit sakin.

Napalingon ako sa likod ko. Takte ang lapit ko na sa pader.

"Pwede ba Keiron tumigil kana." naiiritang sambit ko habang patuloy na humahakbang patalikod.

"May magagawa ka ba kung ayaw ko." mapang-asar na sabi niya.

Isang hakbang nalang ay malapit na ko sa pader. Paano na to?

"Wala ka ng takas." husky na sabi niya. Kaya napahakbang akong muli dahil lumapit pa siya and then boom corner.

And shoot ayun nakasandal na ko ngayon at ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

Pareha kaming nakatingin sa isa't isa.

Play song: Maghihintay (Gabbi Garcia &Christian Bautista)

"Alam mo bang pinag-alala mo ko ng sobra."

Pinag-alala?At kailan pa siya nag-alala sakin. May sapak na ata to eh.

"Wag mo ko titigan ng ganyan dahil kaya ko din gawin yan. Kaya nakikiusap akong makinig ka muna sakin." nakikiusap na sambit niya.

Kaya mas lalo akong di nakaimik.

"Alam mo bang dahil labis mo kong pinag-alala sa mga pinaggagawa mo ay gusto kong magpatiwakal." seryosong sambit niya.

"Napapano ka ba Keiron." nangiginginig na tanong ko.

Nagulat ako ng tumingkad siya at hinalikan ang noo ko.

"Nevali Chensi Criszette. Sa susunod wag na wag ka ng gagawa ng bagay na maaring magdala sayo sa kapahamakan na magiging dahilan para mag-alala ako sayo." sabi niya tsaka unti-unting lumayo sakin.

Tsaka tumalikod at iniwan ako.

"Di ko kailangan ang concern ng gaya mo." bulong ko.

End of Flashback

Unti-unti pa siyang lumalapit sakin. Nagulat ako ng biglang magwala ang kabog sa dibdib ko.

Bakit kinakabahan ako?

Bakit ganto epekto niya sakin?

Ayoko ng gantong pakiramdam nakikiusap ako.

Hanggang sa nacorner niya na ko sa pader.

"Mukhang malalim ang sinisisid ng iyong isip Criszette." sabi niya sakin mas lalo ako nakaramdam ng kaba na ngayon ko lang naramdaman.

Dahil hindi siya yung tipo ng kaba na ang dahilan ay dahil natatakot ka at kinukutuban ka.

Dahil kakaibang kaba. At masasabi kong ngayon ko lang naranasan to.

Dahil ang kabang ito ay nahahaluan ng kasiyahan sa aking puso.

Pakshet ka Criszette nawawala angas mo nan!

"Natahimik ka ata." nakangising sabi niya. "Wag mo kong titigan baka masaulado mo ko at ayaw mo na kong hiwalayan pagnagkataon." dugtong pa niya wala kang mababasang emosyon sakanya dahil natural na sakanya yun.

Wrong timing ang bwisit.

Sunod-sunod na paglunok nalang ang nagawa ko. Dahil di ko alam kung paano makakaalis sa gantong pwesto. Dahil titig na titig siya sakin na waring pinag-aaralan ako.

"Baka nakakalimutan mong noon pa man ay tahimik na ako kaya ano pang bago dun." iniiwasan kong mautal at ginawa ko ang lahat para magmukhang maangas pa rin at di ako natatakot sakanya.

"Tsk wala talaga kong makukuhang matinong sagot sayo."

"Wala naman pala kaya umalis kana sa harap ko.Dahil di ako matinong kausap." nakikiusap ako sayo umalis kana Keiron. Di ko na kaya naiilang na ko takte.

Nagiging babae na ba ko?

Babae naman talaga ako ah ano bang pinag-iisip ko.

Walang gumagalaw samin ganun pa din ang pwesto namin kung saan nakasandal ako sa pader at corner niya ko.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang.

"Wtf? What is the meaning of this?" tili ng babae na batid kong si Andrea yun.

Holy shit! Di ko na kaya to.

At ayan na naman ang nagkakarerahang tibok ng puso ko. Di tama to shit. Sabay kaming napalingon ni Keiron sa pinto at tama nga ako ng hinala si Andrea nga yun at kasama niya ang iba pa.

Oo as in lahat sila at lahat ay gulat ang mga mata sa nakikitang posisyon namin ni Keiron. Nakakahiya! At tuloy pa din ang kabang nararamdaman ko.

So what is the meaning of this? Did I have abnormal heart?

Did I?


The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now