SHOT48: Late Night Phone Call

Start from the beginning
                                    

Oo nga, meron akong crush. Pero nasaan siya? Hindi ko na siya nakikita. Hindi ko rin siya nakakausap kahit online lang. Hindi rin siya active sa Facebook. Super tagal na ng mga naka-post sa timeline niya, parang college pa siya nun. After noon eh wala nang bago. Saan ko naman siya hahagilapin? Ang tanging pinanghahawakan ko lamang ay yung sinabi niya sakin nung Grad ball.

"I admit. Mami-miss kita. Sana magkita ulit tayo balang araw."

See? 'Sana' lang ang sinabi niya. It was just a hopeful thinking. No actions intended. No approved therapeutic claims, dermatologist tested at hypo-allergenic pa! Darn. Play safe lang yung linya niya. Pero at least eh safe diba? Kaso nga wala manlang yung lines na I'll find you someday, no matter what. O kaya yung Hihintayin kita. Sana mahintay mo rin ako.

God of cheese curls and cheese sticks! Ang kekeso ng lines!

Totoo namang miss na miss ko narin yung taong yun. May pag-asa pa kayang magkita kami ulit? Iniisip ko rin kung ano ba ang gagawin ko kung sakaling mangyari nga yun. Nakakakaba. I wasn't sure how I would react.

Napatingin ako sa likod ni Alto na nangunguna sa paglalakad. He was silent. I wondered what's on his mind. Curious din kaya siya kung ... mayroon akong crush?

Nah. I know how overconfident this guy is! Hinding-hindi maliligaw ang brainwaves niya sa ganoong klase ng pag-iisip.

Isa pa, kelan pa ako naging curious kung ano man ang iniisip niya?

*****

Ganoon nalang natapos ang isang araw. Pati ang kinabukasan. Pati narin ang isang buong linggo. Dito sa linggong ito ini-announce ang mga ubod ng talentadong semi-finalists ng Photography Competition. Limang mapapalad na kaluluwa ang nabigyan ng pagkakataon na magpatuloy.

A familiar music jolted me up. It was my ringtone.  Nakaupo ako ngayon sa tapat ng side table kung saan nakapatong ang aking laptop nang magawa kong umunat tungo sa aking kama para maabot ang nag-iingay na aparato na maluwalhating nakahiga doon.

I peered on the screen when I saw Alto's name. He's apparently calling me.

I gasped. Kanina lang magkausap kami tapos ngayon? Lampas alas onse na kaya ng gabi. Sasagutin ko ba? Idahilan ko nalang kaya na tulog na ako? I guess that won't do. Online pala ako. He definitely knew that I was still awake. Yun pa.

Hindi tumitigil ang walang habas na pag-eeskandalo ng aking selpown kaya napagpasyahan kong sagutin nalang ang tawag niya.

"Hi," walang lakas na bungad ko. Lagi nalang 'Hello' kaya para maiba, 'Hi' naman.

{"Bakit gising pa?"} By the sound of his voice, he seemed to be grinning.

Gumapang ako tungo sa aking kama at sumampa. "Can't sleep."

{"Gusto mo, kantahan kita?"} Feeling ko, sininok ako sa narinig ko. Yung biglang tumaas ang dibdib ko sa gulat. Marunong ba na kumanta ang taong ito?

"Ayaw. Itulog mo nalang yan. Baka sumakit pa tenga ko." I couldn't remove my grin. Darn lips. Umayos ka nga!

{"Ouch. Ikaw nalang. Kantahan mo ko."} He chuckled right after.

"No way. Hindi ako kumakanta."

{"Okay lang. Kahit ano. I just wanna hear your voice before I sleep."} Napalunok ako sa sinabi niya.

"N-naririnig mo na, diba?"

{"Gusto ko yung sweet, yung may himig. Yung makakatulog ako. Haha!"} Choosy pa to. Seriously, someone must knock some sense into this guy!

"So balak mo talaga akong tulugan kaya ka tumawag?" If only I could transfer my frustration through the phone. Geez.

{"Nope, Babe. Balak sana kitang kantahan ng lullaby pero hindi mo naman ako pinayagang kumanta."}

Capturing My Heart ♥Where stories live. Discover now