SHOT48: Late Night Phone Call

126 7 2
                                    

SHOT 48: Late Night Phone Call

Sa labas namin naisipang mag-lunch. Sumibat sina Carl at Vince kanina kaya hindi na namin nakasabay, same with Denise. No choice ako kundi ang sumama kina Clarissa—with Alto, Ethan and Shin.

"Oh, si Denise din hindi sumabay?" takang tanong ni Ethan nang mapansin. Naglalakad na kami palabas ng building.

"Baka ayaw kang kasama! Ang daldal mo kasi lagi." Pinipigilan kong hindi ngumiti habang tinutukso siya.

"Yiieee. Ethan. Don't tell me si Denise ang type mo?" buong giliw na tukso naman sa kanya ni Clarissa habang sinusundot-sundot ang tagiliran nito. Halos mamilipit si Ethan habang hinuhuli ang malikot na kamay ni Clarissa.

"Tigil na! Medyo masakit kaya!!! Aaaaah!" Iba talaga yung tunog nung 'aaah' niya. Ang halay!

"OA! Wag kang mag-eskandalo! Baka kung ano ang isipin ng iba na ginagawa ko sayo!"

Hinuli ni Ethan ang pisngi nito at bahagyang kinurot. "Ikaw kasi! Pinanimulan mo."

"Guilty ka lang! Crush mo si Denise!!!"

Napansin kong nagtitinginan na ang mga tao samin. Buti nalang at hindi namin namumukhaan ang karamihan sa kanila. They might even think these two loud people were love birds—lakas kasi ng trip makipagharutan sa kalsada!

Nagkibit-balikat nalang si Ethan.

"Is this the birth of the DeThan couple?!" muling tukso ni Clarissa.

"Ang sagwa. Itigil mo na. Ha ha ha."

"Wow. Hindi mo kinaila ah! You mean it's the real deal?!"

"Hay nako Clarissa. Hahalikan na kita diyan eh!"

Nag-fake gasp si Clarissa. "Wala akong sinasabing bakla ka!!!"

Sinamaan siya ng tingin ni Ethan. "Kulit mo rin eh, no?"

Mapang-akusang dinuro siya ni Clarissa. "God! Talagang hindi mo nga kinakaila! Ethan! Panahon na ng tagsibol!" Tila kinikilig na inaalog ni Clarissa ang napipikon na braso ni Ethan.

"Walang tagsibol sa bansa natin Boy!"

"Hindi ako boy!!"

Mukha lang silang nag-aasaran, pero mga nakangiti naman. Ambabaliw!

Kinabig ni Clarissa ang braso ko, pinagsawaan na yatang kulitin ang braso nung isa. "Ikaw, Cynthia, may crush ka? Yung crush na pwera kay Alto ha, meron ba?" At sakin naman siya nakangisi ngayon. Wala rin pala akong kawala dito.

"Wala," kaila ko.

"Weeeh?" She peered closely at my face.

"Wala nga."

"Kahit nung college? Nung high school? Hindi mo na crush ngayon?" Clarissa, please lang, wag ka nang magtanong!

"Artista, pwede kong isagot? Foreign o local? Wala akong crush na local eh. Foreign nalang!" Tumawa pa ako, pero niliitan niya ako ng mata.

Binangga niya ako gamit ang kanyang beywang. "Hindi ganun!"

"Ehhh...." Lumayo na ako ng tingin. Ayoko talaga siyang sagutin.

"Meron?"

"Secret!"

Nag-gasp siya ulit. "Kanina 'wala' tapos ngayon 'secret' naman! Sabihin mo na kasi!"

Nagkibit-balikat din ako. "Ayaw mong tanggapin yung 'wala' eh, kaya 'secret' nalang."

She pouted at me. Nakaka-guilty tuloy.

Capturing My Heart ♥Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum