CHAPTER 23: What Really Happened

Start from the beginning
                                    

'Thank you po sa lahat ng nakarating dito sa 1st birthday ng baby namin. Nakaka-overwhelm po na lahat nung nabigyan namin ng invitations at kahit super gahol na sa oras ay binigyan nyo pa rin si Danilo ng time. Tita Ma, thanks for making this happen. Ang laki ng utang namin sa'yo.' Kath smiled. 'So ayun, enjoy na lang po tayo ngayon. Maraming food, maraming games for kids and grown ups. Uhmmm...' She stopped and turned to DJ. 'Babe, may sasabihin ka pa?' She asked, holding the mic in front of him.

'Ah, yung mga gifts nyo po, pakipatong na lang dun sa long table.' DJ joked which earned a smack on his upper arm. 'Joke lang.' He chuckled. 'Salamat po sa lahat ng nandito ngayon. Mag-enjoy lang tayo. Wag po nating isilid sa mga bag natin ang mga kubyertos.' He added, making all the attendees laugh.

*********

'O anak, ayos ka lang dyan?' Tanong ni Karla kay DJ nang lumabas ang huli mula sa CR. Minamasahe pa rin nito ang masakit na ulo.

'Masakit ulo Ma e.' He complained.

'Kinausap ako ni Ate Min kanina.'

DJ turned his head to his mother, alarmed.

'Ano pong sabi ni Mama Min?'

'E may nakita daw siyang pasa sa braso ni Kath. Sinisigurado lang nyang walang pisikal na sakitan na nangyayari sa inyo.'

'Wala Ma!' Paulit ulit na iling ni DJ. 'Kailanman ay di ko sasaktan si Kath.'

'Yan din nga ang sabi ko. Kako, baka nanggigil ka na naman kaya medyo naibalibag mo. Sandali nga anak, bakit nga ba may pasa si Kath? Tas ikaw may mga kalmot sa likod? Nakipag-wrestling ba si Kathryn sa elepante?'

'Kung sa elepante nakipag-wrestling si Kath, malamang hindi lang pasa aabutin nun.' DJ grinned.

Napansin naman ni Karla ang expression ng anak.

'Ngingisi ngisi ka dyan ha. Kala mo ang macho macho mo. Hoy, ang laki ng tyan mo! Para kang butete.' Pang- aasar nya kay DJ.

'Ikaw Ma, para kang myembro ng Sinister Six.' He retaliated.

'Hindi ko alam yang pinagsasasabi mo DJ. Sa Batman ba yan kasali anak?'

'Spiderman Ma. Mamaya, i-google mo kung sino ka dun sa Sinister Six. Clue: Malaki.'

'Aba'y gago ka talaga ano? Pero seryoso nga DJ. May kailangan ba kaming malaman sa inyo? Wala ba kayong nagiging problema ni Kath, DJ?'

Umiling lamang si DJ bago sumandal sa dingding sa may pintuan. Naging seryoso ang mukha nito.

'Sabihin mo na nga.' Karla coaxed.

'Wala nga kasi.' DJ pressed on.

'Kilala kita DJ. Yang mga arte mong yan, alam kong may iniinda ka. Kung hindi natin aayusin agad, baka lumala pa.'

'Ma, kasi...' He stopped. And then continued. The hesitation evident upon his face. 'Siguro nga may times na nag-aaway kami. Pero inaayos po naman namin agad. Kaso kasi Ma, hindi ko minsan maintindihan si Kath. Alam mo yung pakiramdam na ginagawa ko ang lahat para maging maayos yung pamumuhay namin bilang pamilya, pero siya, parang minsan e nakakalimutan na may asawa at anak sya.'

'Anak naman...' Dumikit si Karla kay DJ at inakbayan ito. 'Diba pinag-usapan na natin yan dati pa. Nung nagsabi kang desidido ka talagang pakasalan sya. Diba nga sabi namin ng Papa mo, napakabata pa ni Kathryn. Pati yung way kung paano sya mag-isip, hindi pa rin gaano ka-mature.'

'Isang taon lang naman ang agwat namin Ma.'

'Pero magkaiba yung environment na kinalakihan nyo DJ. Ikaw, maagang namulat sa mga responsibilidad. Si Kath, nagsisimula pa lang. May pagka-immature pa syang mag-isip. Pero ikaw din naman. Dyan na nga papasok yung sinasabi naming give and take.'

'Ma, parang ang dating kasi, give na lang ako ng give.'

'So napapagod ka na?'

'Of course not.'

'E yun naman pala. So anong problema natin?'

'Ma, hanggang kaya ko, magbibigay ako ng magbibigay. Hanggang sa may ibibigay ako, ibibigay ko. Pero Ma kasi, lalaki ako. Hindi maiiwasang hindi ako magselos kay Roque.'

'Ayun. So ang natural na problema ni Daniel Padilla pala ang tinutumbok natin dito. Anak, tanong ko nga lang, i-clarify mo sa akin ha? Nasaktan mo na ba si Kath dahil sa matinding selos?'

Marahang tumango si DJ. Napailing naman si Karla.

'Pero matagal na po yun.'

'Ilang beses nangyari?'

'Dalawa.'

Lalong napailing si Karla.

'DJ!' That tone of her voice used was reeking with disappointment and disgust. 'Kasasabi mo lang kanina na hindi mo sinasaktan si Kath. Ngayon aamin ka na sinaktan mo pala sya? Worst, dalawang beses pa!'

'Ma, nabigla ako nun!'

'Nabigla?! Dalawang beses?! May nabibigla bang dalawang beses?'

Hindi alam ni DJ ang sasabihin. Nakatungo lamang sya habang si Karla naman ay nakikiramdam kung may mga taong malapit sa kanila.

'Kelan at bakit mo ginawa yung dalawang beses na yon?'

'Ma, wag na...' Ungot ni DJ. Reliving that situation was painful, kahit na ikkwento lamang nya.

'No. Sabihin mo sa akin. Hindi pwede ang ganito DJ.'

'Mamaya na lang sa bahay Ma.' He murmured. 'Ayokong sirain ang araw na 'to. Birthday ni Danilo.'

'Sigurado ka dyan DJ ha? Huwag na huwag mo kong iiwasan.'

'Humingi na ko ng tawad kay Kath, Ma. Nangako na kong hindi ko na uulitin.'

'Hindi uulitin pero dinalawahan mo? Ano bang klaseng pananakit ang ginawa mo?'

'Pinwersa ko sya. Dalawang beses. I forced her to have sex with me kahit ayaw nya. O ngayon okay na tayo Ma?'

Napapikit na lamang si Carla sa narinig na sinabi ng anak. Ikinuyom nya ang kamay dahil at that moment, gusto niyang sampalin si DJ.

*********

***AUTHOR'S NOTE***

#ParaSaSagingNaAlayNiAnastacioKayFelicidad

Thank you! :)

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Where stories live. Discover now