Prologue

17 7 0
                                    


Sa isang paaralan na puno ng kalokohan, pati mga guro hindi na rin pinakikinggan. Puro mga pasaway at laging tumatambay sa iba't ibang sulok ng paaralan. Maraming mga grupo ang kumakatawan dito. Isa na dito ang Dance Squad, Sport club, Social Club at marami pang iba. Ngunit may nag-iisang grupo ng mga lalake at grupo ng mga babae na iniidulo ng lahat. Yun bang, "Hearthrob" ng paaralan. Ang grupo ng mga lalake ay tinatawag na "Boy's Band." Kung makakikita ka sa isa sa kagrupo nila, pakiwari mo'y nasa langit kana. Dahil sa ka gwapuhan, dahil sa mga talentong pakiwari mo'y parang makina na. Ang ha hot kasi nila...pero cool din naman. Ang yayaman pa, jackpot ka kung kung mabibihag mo ang puso nila. Parang nasa kanila na ang lahat ngunit hindi pa. Meron pang kulang at nawawalang piraso ng buhay nila, ang "Tunay Na Pag-ibig" na mapupuno lang ng mga natatanging babae sa paaralan nila. Ngunit sinu-sino nga ba?
Ang mga grupo ng babae ay tinatawag na "Girl's generation." Sila yung mga magaganda pero hindi mga "jurikats" at "jigauns"(sluts) na mga magagandang dalaga. Sila yung tempong simple lang. Walang mga palamuti sa mukha. Natural beauty lang. Matatalino at mababait rin sila. Pero imbis na kaibiganin sila ng ibang mga babae dahil sa likas na kabaitan, ay kinaseselusan pa. Iba sila sa lahat ng mga babae sa whole campus kaya naaatract yung mga lalake sa kanila. Kasama na run ang "Boy's Band". Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Magkakaibigan ba ang dalawang grupo? Magkakasundo ba? Magkakaibigan ba? O....magka-kaibigan na.
Subay bayan ang kwento ng mga mag kakaibigan o baka naman mag ka-ibigan
Ano kaya ang mangyayari sa kanila.

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon