Inikot ko ang mga mata ko sa paraan ng pagkakasagot niya. Sa kasal pa lang ay tinatanong ko na kung saan kami sa Palawan pupunta mula ng sabihin niya na pupunta kami ro'n at hindi sa Lake Hotel gaganapin ang honeymoon namin. I thought we would stay at the hotel but I was surprised when he told me that we have a flight to catch.

"Wala kang balak sabihin sa akin?" tanong ko ulit.

Bumaba ang mukha niya sa akin at pinakatitigan ang mukha ko bago ngumiti. "Wala."

Nakarinig ako ng impit na tilian at paglingon ko ay nakita ko ang mga taong kanina na nanonood samin ay tila hindi na alam kung paano itatago ang katotohanan na kami ang pinapanood nila. Sa isang banda ay nakakamangha sila dahil hindi nila kami kinukuyog katulad ng kadalasan ay nakikita ko sa mga kilalang tao. I even saw it happened with Triton noong active pa siya sa showbiz bilang artista.

Sabi nga ni Den 'Ang totoong Royalty fans ay may class'. I think everyone is trying to live with that that's why they are keeping their distance.

Nilingon ko si Archer at nakita kong saglit na tinignan niya rin ang mga taong nakatingin sa amin. "Pagbigyan mo na. This is a happy day after all."

He just looked at me for a moment as if looking at the truth in my words. But I mean it. Hindi ko na maaalis sa kaniya kung ano ang buhay niya. He's my husband now but he's also a member of Royalty. I love him and that includes everything about him.

Akmang tatayo ako mula sa pagkakaupo sa kaniya pero pinigilan niya ako at sa pagkagulat ko ay hinalikan ako sa labi. Saglit lang iyon at pagkatapos ay inalalayan niya na ako na makaupo sa upuan bago siya tumayo at lumapit sa fans niya na ngayon ay hindi makapaniwala na palapit siya sa mga ito.

Inayos ko ang hoodie na suot ko at nakapalumbaba na pinanood sila habang nagkukuhanan ng litrato. Nang matapos sila ay nakita ko na kausap ni Archer ang isa sa mga fan niya na babae. Kasama niya ang grupo ng mga babae na ngiting-ngiti at nakasalikop ang mga kamay sa harapan nila na parang may hinihiling kay Archer. Sa pagtataka ko ay tumingin sila sa akin at pagkatapos ay umangat ang kamay ng asawa ko na parang tinatawag ako.

Nagtataka man ay tumayo ako at lumapit sa kanila. Napapitlag ako sa pagkagulat nang mas lalong lumakas ang pag-iiritan ng mga tao nang makalapit ako.

I look at Archer in bewilderment but he just smiled at pulled me close to him. "Babe, this is Romalyn, Rachele, Angeli, Trisha, Mary Kris, Courtney, Lyka, Rosalyn, Shyler, and Akira."

Naguguluhan man ay kumaway ako sa grupo ng babae na sa kabila ng pagpapakilala ni Archer ay hindi ko na matandaan ang mga pangalan. It's amazing how Archer quickly memorized their names.

Sunod-sunod na napakurap ako nang bigla na lang silang tumili. "Umm...hello."

"Hello Miss Aiere!" sabay-sabay na bati nila.

"Gusto raw nilang magpapicture sa ating dalawa." paliwanag ni Archer na pigil ang ngiti sa mga labi. "They said they've been supporting Royalty a long time ago but they fell in love with the two of us more when they watched our proposal video."

Kusang kumawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang concert na iyon. Who wouldn't? Aside from the wedding, I don't think I will ever forget that moment. Kaya nahihiya man dahil hindi naman ako sanay sa ganitong bagay ay tinanguhan ko na rin sila.

Tuwang-tuwa na pinalibutan nila kami habang ang isa sa kanila ay lumapit sa isa sa mga nakikinood para magpapicture. I felt Archer's arm wrapped around me to pull me towards him. Nakangiting nag-angat ako ng tingin sa kaniya at yumakap din ako sa kaniya.

Nang matapos kami ay nagpaalam na kami sa grupo at naglakad na paalis. Pero hindi pa man kami nakakalayo ay naramdaman ko na umangat ako sa lupa nang bigla na lang akong buhatin ni Archer na para bang wala lang ang bigat ko.

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now