【Special Chapter】

101 6 9
                                    

Kim Jibeom's Point of View

Ano kaya kung pinanagutan ko s'ya? Masaya sana kami ngayon kasama 'yung anak namin? Kung kailan nawala siya sa 'kin doon ko lang nakita 'yung halaga niya.

Tangina ko.

Naiingit ako sa lalakeng pinakasalan niya, bakit? Minahal siya ng babaeng pinakamamahal ko, siya ang umako sa aking resposibilidad imbis na ako.

Dapat pala niligawan ko nalang ulit si Sachi nung na fall out ako at dapat hindi naghanap ng ibang babae. Mukhang ito na yata 'yung karma ko. Pero hindi eh mas masakit pa yata 'yung ginawa ko kay Sachi, kulang pa 'to sa lahat ng ginagawa ko sa kanya.

—💙—

Puting liwanag ang nakita ko at tumingin naman ako sa paligid. May nakita akong isang babae na nakaupo sa sofa bed na natutulog.

Si Sachi.

Huminga ako ng malalim. Bakit hindi pa ako natuluyan? Mahal ko pa si Sachi pero nasasaktan ako na baka sakali na makita ko pa sila na masaya kasama ang asawa niya.

Naiiyak na naman ako. Sobrang sakit pa rin talaga.

"Gising ka na" Narinig ko si Sachi na nagsalita kaya agad kong pinunasan ang luha ko na galing sa aking mata.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Naglakad siya papunta sa 'kin at mukhang nakita niya ako na umiiyak.

"Sorry"

"Tandaan mo, hindi pa tapos ang buhay mo malay mo ito 'yung simula," Sabi niya.

"Lesson itong ginagawa mo at sana natuto ka" Ngumiti siya saka hinawakan 'yung kamay ko at umalis na siya.

TiredWhere stories live. Discover now