"Tulungan na kita sa bitbit mo," sabi niya tas akmang kukunin sana yung lunchbox ko.

Iniiwas ko naman yun. "Ay, hindi na, kaya ko na. Ayos lang," tanggi ko.

"Sabay na lang tayong mag-lunch mamaya," aya niya.

"Ay, sabay kami ni Kuya Chuckie eh," pagdadahilan ko. Enkoba. Dati-rati ayos lang sakin na kasabay pa siyang kumakain eh. Pero ngayon, nakakailang talaga. Saka ko naalala yung mga pinapagawa nina Kuya. "Ah, teka, pabitbit muna pala!"

Huminto kami sa paglalakad para makalkal ko ang bag ko. Inilabas ko yung Biodata sheet galing kay Kuya Marcus at yung slambook na galing naman kay Kuya Mac. "Eto pala, pinapabigay nina Kuya."

"Ano 'to?"

Nung tinignan niya yung mga binigay ko, kinuha ko na ulit yung baunan ko at nagsimula na ulit kaming maglakad. "Ano, sabi kasi nila, lahat daw ng gustong manligaw sa'kin kailangang munang sumagot niyan."

"Ayos ah, parang mag-a-apply lang ng trabaho," kumento niya.

"Onga eh. Kaya ayos lang kung hindi mo na itutuloy ang balak mo kasi baka mahirapan ka lang," sabi ko pa. Napag-isip-isip ko kasi na magandang panakot yun nina Kuya. Sa totoo lang, hindi pa talaga ako handang magpaligaw lalo na kaibigan ko si Martin. Pero sabi kasi ni Mama bigyan ko siya ng chance. Haaayyy...

Hindi siya sumagot habang binabasa yung slambook hanggang sa makarating na kami sa classroom. Parang nagdadalawang-isip na siya. Ayos. Epektib ang pananakot ng mga kapatid ko!

Pagkapasok namin, lahat talaga ng mga kaklase namin, binati ang pagsusuot ko ng headband.

"May nanliligaw lang sa'yo, nagpapaganda ka na," sabi ni Chelsea. Siya kasi ang partner ko sa isang activity.

"Oy, hindi ah. Pinilit lang ako ni Mama ko na isuot ko ito," depensa ko.

Napasinghot naman siya tapos umikot ang mga mata na parang di naniniwala sa sinabi ko. "Kung ayaw mo, 'wag mo. Masyado kang uto-uto. Hindi ka na bata para sabihan lagi kung ano ang dapat mong gawin."

Buong araw na salubong ang kilay ko sa kakasubok intindihin yung mga lessons kasi palapit na naman ang mga exams namin. Sumabay pa talaga yung mga sinabi ni Chelsea.

Naguguluhan na talaga ako. Ano ba dapat ang kailangan kong gawin? Ang gusto ko o ang gusto ng magulang ko? Normal lang naman na makinig sa mga matatanda dahil sila na ang may maraming experience diba? Kaya nga humihingi ako ng payo sa kanila eh. Ano naman ba kasi ang alam ko sa mga ganitong bagay eh ngayon ko nga lang mararanasan?

Habang hinihintay namin yung professor para sa susunod na klase, nilapitan ako ni Martin.

Kaya nagsimula na naman sa panunukso ang mga kaklase namin. Nakakailang talaga.

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now